Maaga kaming umalis ng bahay, siguro mga around 7 iyon. Ngayon, nakarating na kami rito sa hotel at the same time nakapag-check in na rin kami. Hindi na ito first time na nakapunta ako rito. Maybe, mga ikaapat na beses na akong nakaapak sa lugar na ito. Hindi naman siya iyong tipong nakakasawa kasi mag-eenjoy ka rin naman talaga with the nature. Lalo na sa mga views, sa fresh air at mga green grasses.
"Punta nga tayo ro'n sa favorite nating restau? Gusto kong kumain ng shrimps tapos iyong spicy!" wika ni Lely na takam na takam na talaga.
"Wait lang. Hayaan mo muna akong mahiga rito kahit mga twenty minutes lang." Nakahiga pa rin ako sa kama na parang lantang gulay.
"Pagod? Sa isang oras at kalahating byahe natin—napagod ka na ron?"
"Sobrang aga kasi akong ginising ni mommy. Nabitin tuloy ang tulog ko kaya ito pakiramdam ko ay pagod na pagod ako." Nakapikit pa ang mga mata ko habang nagsasalita.
"Paano ako? Gutom na mga bulati ko sa tiyan," pabebeng sabi niya. Hinila-hila pa niya ang kanang kamay ko para bumangon pero hindi ako sumunod sa kanya. "Ysabella naman! Tara na kasi."
"Gusto ko pa matulog," matamlay na usal ko kaya binitiwan niya ang aking kamay.
"Sige na nga, ako na lang pupunta ro'n mag-isa. Iti-take out ko na lang para rito ko na lang kakainin." Narinig ko pa siyang padabog na tumayo. "Pero hindi ako magti-take out ng para sa iyo."
"Parang hindi naman to kaibigan."
"Hindi mo 'ko sasamahan kasi!"
Idinilat ko pa ang mga mata ko. "Gutom ako, Lely, pero pagod din ako. Kaya sige na please."
"Oo na nga! Basta bumawi ka sa kin ah?" Parang batang nakanguso pa siya. Natatawang tumango naman ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog. Pagkagising ko ay walang Lely ang bumungad sa akin kaya nagtaka ako. Kaagad kong inayos ang aking sarili saka lumabas nitong kwarto. Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa pasilyong tinatahakan ko. Hanggang sa makalabas ako nitong hotel ay hindi ko pa rin nakikita si Lely. Medyo nag-aalala na ako at ang sama na ng isip ko.
Eksaktong pagkalingon ko sa may bandang kanan nitong hotel garden ay nakita ko si Lely kasama si mommy. Hindi ko alam kung saan sila pupunta at akma na sana akong tatakbo papunta sa kanila nang biglang may humila sa akin at tinakpan ang mga mata ko gamit lang ng kamay niya.
"Sino ka ba?!" Pilit ko pang kunin ang kamay niya ngunit masyado itong malakas. Kaya wala na akong choice kung hindi ang kurutin ito.
"Ah!" sigaw niya at nabitiwan ako.
Kaagad akong dumistansya sa kanya at saka lumingon. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Miguel?" hindi makapaniwalang sambit ko.
Matunog naman siyang ngumiti sa akin. "Are you surprised?"
"Akala ko ba hindi ka makakapunta rito?" takang tanong ko.
"Mas masaya kasi siguro rito." Lumingon-lingon pa siya sa paligid.
"Paano iyong aasikasuhin mo?"
"Hindi ako masaya ron eh," nakangiting sabi niya. "Nandito ka kasi kaya rito rin ako makakahanap ng saya," dugtong niya pa at napataas naman ang kilay ko. "Wala akong mapagtripan don. That's why I decided to come over here," aniya habang nakangiti pa rin.
"Ganoon? Mangti-trip ka na naman sa akin? Ayoko pa ngang makipagbati sa iyo kasi nga naiinis pa rin ako sa tuwing maalala ko iyong pangtitrip mo sa akin. Tapos ngayon pagtitripan mo na naman ako? Hindi ka talaga gag* no?"
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...