CHAPTER 26

2 0 0
                                        

WARNING! Read at your own risk.

Hindi ako umuwi sa amin dahil ayokong magtataka na naman sila mommy kung anong nangyari sa akin. Ayokong dumagdag sa problema. I can handle this and hopefully ay magiging okay na ito in the next day. I only need a space para mailabas ko ang galit ko.

"You sure you want to drink? Baka papagalitan ka na naman ng mom mo?" tanong na naman sa akin ni Lely for the second time.

"Gusto ko lang naman makalimutan kahit saglit lang itong problema ko," sabi ko habang nakayuko rito sa table.

Yes, nandito kami ngayon sa bar. Sinadya naming pumunta sa bar na ito kahit sobrang layo mula sa lugar namin. From Mandaluyong to Tarlac at two hours pa ang binabyahe namin papunta rito. Ayoko kasi roon sa malapit kasi madali lang kaming mahanap nila.

"A bucket of San Miguel beer, please?" order ni Lely sa waiter.

"Miguel na naman? Ano ba iyan, Lely! Pwedeng iba na lang? Kahit anong beer basta hindi lang iyan," asik ko at kita ko namang pareho silang natitigilan ng waiter. "Ano? May problema?"

Umiiling-iling pa si Lely. "Kami wala pero ikaw mayroon. Tsk!" aniya saka bumaling sa waiter at um-order ng ibang beer.

Inom lang ako nang inom habang si Lely naman ay busy'ng-busy kapipindot sa phone niya. Hanggang sa maubos ko ang dalawang bottle ng beer. Medyo carry ko pa naman at nasa katinuan pa ako. Naaaliw rin ako sa mga tao na nagsasayawan habang kumakanta rin ang banda.

"Lely, sayaw tayo?" masayang alok ko sa kanya. Tumayo pa ako at sumayaw-sayaw habang hinihila siya.

"Bell, lasing ka na. We have to go back home now."

Ramdam ko ang saya ng paligid at wala pa akong balak umuwi kaya umiiling ako bilang sagot kay Lely. "Lely, ngayon lang 'to. At saka we're on our legal age na kaya no worries." Napatawa ako nang muntikan na akong madapa buti na lang at nasalo ako ni Lely. Nakakahiya pero fun must go on lang.

"Halika nga rito," aniya habang pinipilit akong paupuin ulit. "Uwi na tayo, okay?"

"Ayokong umuwi at ayoko pang makita si Miguel." Napakunot-noo pa ako nang tumayo siya imbis na sumagot sa akin. Ngunit mas nagtataka ako dahil hindi ito nakatingin sa akin kundi nasa likuran ko. I rolled my eyes and then tamad na lumingon pero mas nanlaki ang mga mata ko nang makita ang galit na mukha ni kuya habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Lely.

"J-Jensie? What are you doing here?" mautal na tanong ni Lely kay kuya pero nanatili lang itong nakatayo.

"Umuwi na tayo at sa bahay na lang tayo mag-usap," maowtoridad na aniya saka nilapitan si Lely at marahang hinila paalis.

"Kuya, wait! Iiwan ninyo lang ako? Purket mag-jowa ko? Ang papangit ninyo!" Hindi talaga nila ako binalikan at iniwan na lang ako ritong mag-isa. "Paano na 'ko ngayon?" sabi ko na lang sa sarili ko at talagang naiiyak na ako.

"Uuwi na rin tayo."

Napataas ang kilay ko nang may nagsalita sa aking likuran. Napakurap-kurap ako nang maproseso sa utak ko ang boses. "At ano ang ginagawa mo rito, Miguel?" Pinilit kong hindi ipahalata na nagugulat ako sa presensya niya. Totoong hindi ko siya napansin kanina at hindi ko alam kung magkasama ba sila ni kuya na pumunta rito.

"Nandito ako para sunduin ka. Umuwi na tayo," aniya at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko saka marahang hinila.

"Miguel, let me go! You see that I'm having fun pa di ba?" asik ko pero hindi talaga niya ako binitiwan kahit anong pagpupumilit ko pa. "Let me go!" asik ko dahil gusto kong huminto. Ramdan ko kasing malapit nang bumaliktad ang bituka ko. "Alam ko pa kung paano maglakad. Hindi mo kailangang hawakan pa 'ko."

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now