Dalawang araw na simula noong dumating kami rito sa Pilipinas. Ang dami nagbago. May bago na rin pala kaming kapitbahay at marami na ring nadagdag na buildings malapit dito sa village. Si Ash ay medyo nahihirapan pa talagang mag-adjust. Sa tuwing tatawag si tita Kruzette o di kaya'y si tito ay iiyak siya at sasabihing uuwi na siyang New York.
"Kuya, tama na muna iyang laro ninyo. Paliliguan ko muna siya," sabi ko at tumigil naman si kuya at Ash sa paglalaro ng hide and seek. Nakipaglaro siya sa kanyang pamangkin para raw hindi na iiyak.
"Ba't ba kasi hindi mo tinuruan magtagalog iyan? Kakapagod mag-english," reklamo ni kuya na siyang ikatatawa ko. "Ash, let's play again in the next day?"
"Sure!" masayang sagot naman ni Ash.
Matapos kong paliguan si Ash ay nanonood na siya ng video pang kids. Hinayaan ko na lang muna siya dahil may ginagawa pa rin naman ako for upcoming opening ng bagong business program na itinataguyod ko. Syempre with the help sa family ni Aljun.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating naman si Camille. Nagdala pa ito ng maraming pagkain kagaya ng donuts, drinks at may fried chicken pang galing sa fastfood.
"Ash, I bought your favorite donuts! Hurry up!" diretsong tawag niya kay Ash at tumatakbo naman ito papalapit sa kanya.
"Wow! Thank you, tita!" Tumalon-talon pa siya sa saya.
"Ash, remember that too much sweets is bad," paalala ko pa rito.
"Hello! Hazel, noon nga isang box ng donuts ang kinain ko in just an hour pero look at me! I grew up healthy and beautiful pa rin naman."
Inihinto ko pa ang pagtipa sa laptop ko saka humarap sa kanya. "Iba kasi ikaw bhe. Every Sunday ko lang kasi iyan pinapakain ng sweets pero dahil nga binilhan mo siya ngayon, okay pwede siya. Pero isang piraso lang," seryosong sabi ko at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Okay, sabi mo eh. Ikaw mommy niya so okay." Lumapit pa siya kay Ash at parang may binulong.
"Mommy, can I have another one?"
Napatingin naman ako kay Camille at tumatawa lang ito. Loka talaga itong babaeng 'to. "No, Ash. You're not allowed to eat to much sweets, remember? Daddy A will get mad at you. Sige ka," pananakot ko pa rito. Takot siya kay Aljun kapag galit.
"Okay, but can I put all of these on the refrigerator? Because I want to give these donuts to lola, lolo, tito Jensie and daddy."
"Yes, please."
Kinuha pa niya ang isang box ng donuts at patakbong nagpunta sa kusina. Maya-maya lang ay bumalik na siya at lumapit sa akin. Alam kong may kailangan na naman itong bata na 'to.
"Mommy, can I eat that fried chicken?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
"Yes, you can but in one condition." Nakita ko pang naghihintay siya sa sasabihin ko "You can eat fried chicken now but in lunch you will eat green veggies. Whether you like it or not. Okay?"
Tumango naman siya bilang sagot kaya binigyan ko siya ng isang fried chicken. Silang dalawa na ni Camille ang nanonood at sinasabayan pa minsan ang kanta. Mas nangingibabaw pa ang tawanan nila at minsan rin nakikitawa na rin ako sa kakulitan nilang dalawa.
Nasanay na rin kasi si Ash na ganito ako kahigpit kasi iyong mommy ni Aljun, medyo strict sa pagkain din. Health daw kasi inuuna kasi iyon lang ang puhunan natin sa pang-araw-araw. At tama nga naman.
Ilang oras din ang nakalilipas at nagpaalam na si Camille. May party pa raw kasi siyang pupuntahan at kailangan pa niyang mag-ready. Nangako naman siya kay Ash na babalik siya rito bukas pero alam kung hindi iyon matutupad. Hindi niya kayang labanan kaagad ang hangover niya bukas.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...