CHAPTER 18

1 0 0
                                        

Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko. Bumaba naman na ang aking lagnat ngunit may ubo't sipon pa rin. Umiinom naman ako ng mga gamot at siguro mawawala na 'to in the next day. Hopefully.

Kasalukuyan kaming kumakain ng almusal. Dito ko na rin napiling kumain sa dining together with mommy and daddy. Balak ko kasing lumabas nitong bahay mamaya para naman maarawan ako. Ilang days kasing hindi ako naiinitan at nakakalanghap ng fresh air.

"Okay na ba talaga pakiramdam mo?" tanong sa akin ni mommy.

Tumango naman ako saka uminom ng tubig. "Opo," sagot ko.

"Mabuti naman." Pinagsalinan pa ako ni mommy ng ulam sa plato ko .

"Pupunta ako sa boutique ngayon. Gusto mo bang sumama?" tanong sa akin ni mommy.

"Sa susunod na lang po siguro."

"Pupunta ba rito ang boyfriend mo, anak?" tanong sa akin ni daddy at muntik pa akong masamid habang umiinom ako ng tubig.

Ibinaba ko pa muna ang baso at pinunasan ang aking bibig. Napatingin ako isa-isa sa kanila dahil tila hinihintay ang sagot ko. "B-Boyfriend po?" Nagtataka kasi ako kung bakit nila naitanong iyon. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Miguel.

"Si Miguel," sabi naman ni daddy na may kasabay pang ngiti.

"P-Paano ninyo po nalaman? Hindi ko pa po sinabi sa inyo ang tungkol sa amin."

"Oo at nagtatampo ako. Kasi ikaw ang anak namin pero hindi mo sinabing sinagot mo na pala si Miguel. Si Miguel pa unang nagsabi riyan sa daddy mo na kayo na." Nagtatampo pa kunwari si mommy at napailing naman ako.

"Kasi po gusto ko pong ipakilala siya sa inyo ng pormal. I-Invite ko sana siya ng dinner dito at saka ko na lang sana sasabihin sa inyo. Kaso inunahan na pala niya ako," sabi ko at nakita ko namang napatawang umiiling si daddy.

"Pumunta siya ro'n sa workplace ko. Papunta na sana ako sa office ng boss ko pero bigla siyang dumating and then niyaya ako ng lunch. At first, nagtaka ako pero unti-unting nakukuha ko iyong mga ngiti niya na parang hindi mapipigilan." Umiiling-iling pa si daddy ulit habang mahinang natatawa.

Napakamot-noo naman ako. Sana pala sinabi ko sa kanya na hindi muna ipaalam dahil ako mismo ang magsasabi ng pormal. Hindi na rin ako magtataka kung bigla-bigla na lang susulpot si Lely rito at aasarin na naman ako. Lalo na sila kuya, sigurado akong alam na nila.

"Tawagan mo si Miguel at sabihin mong dito na magdi-dinner mamaya. Uuwi naman ako ng maaga," utos pa sa akin ni mommy at tumango naman ako. "Sige aalis na kami ng daddy mo. Tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka ha?" Kaagad kinuha ni mommy ang bag ni daddy at inayos ang suot nitong suit for office. Isa kasing secretary si daddy sa isang construction company and almost 2 decades na siyang naninilbihan doon.

"Sige po. Mag-ingat po kayo." Bumeso pa ako sa kanila.

"At huwag mong kalimutan ang gamot mo," paalala pa sa akin ni daddy at tumango naman ako.

"Opo," sagot ko naman.

Napagpasiyahan kong maglakad-lakad muna sa likod ng bahay. Gusto ko kasing lumanghap ng sariwang hangin. Nakagagaan rin kasi ng pakiramdam ang iba't-ibang klase ng bulaklak na nandito. Ngunit napalingon ako nang marinig ko ang mga yabag ng mga paa na papunta rito sa kinaruruonan ko. Nagulat ako pero napangiti na rin nang makalapit siya sa akin at isinuot pa niya sa akin ang jacket na kanyang dala.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at nakangiti naman akong tumango habang nakatingala sa kanya. "Mabuti naman pero sana hindi ka muna lumabas dito baka kasi biglang uulan."

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now