CHAPTER 16

1 0 0
                                    

Isang linggo at dalawang araw na ang nakalilipas, ngunit napapansin ko na ang pag-iiba nang takbo ng bawat oras at araw ko. Noong mga nakaraan, bihira na lang akong makatambay sa kwarto ko at manood ng mg kdrama. Nagpapaunahan kasi si Aljun at Miguel na mang-aya sa akin lumabas o di kaya'y manood ng sine.

Bali sa isang linggo, bibisita si Aljun mga thrice a week dito sa amin. Tawag o di kaya'y text lang ang ginagawa niya kapag hindi siya nakapunta rito. Si Miguel naman ay parang walang ka-busy-han sa buhay. Araw-araw nandito siya at palaging may dalang bulaklak. Biruin mo, everyday siya may dala pero hindi nagpaulit-ulit ang klase ng bulaklak and it's fresh pa talaga. Wala mang tag na nakalagay pero alam kung mamahalin iyon. Though, may dala naman si Aljun para sa akin pero hindi bulaklak kundi stuff toy at books.

"Bell, kanina ka pa ba?"

Napalingon kaagad ako kay Lely at sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa swivel chair niya. Bumisita kasi ako rito sa office niya at hindi ko sinabi sa kanya. Siguro sinabi ng secretary niya na nandito ako kaya hindi na siya na-surprise.

"Mga 10 minutes na rin." Umupo ako rito sa couch at nagpadikwatro.

"Sinabi mo sana sa akin kahapon na pupunta ka rito para naman maipa-cancel ko iyong mga meetings ko."

Umiling naman ako. "No need. Nandito lang naman ako para makapag-isip-isip."

"Seriously? Dito talaga sa opisina ko?" sarkastikong tanong niya at walang ganang tumango naman ako. "Alam ko na iyang iisipin mo. Tungkol pa rin iyan sa dalawang manliligaw mo." Umiling-iling pa siya saka tumayo at naglakad papalapit sa akin. Huminto pa siya mismo sa harapan ko at nakapamiwang. "Nalilito ka pa rin ba kung sino ang pipiliin mo? Do you need my help? May itutulong sana ako at alam kong effective ito," sabi niya at kinindatan pa ako.

"Kalokohan na naman iyan no?" natatawang tanong ko sa kanya at natatawa naman siyang umiling.

"Fast talk tayo. Dapat ang isasagot mo ay iyong talagang nararamdaman mo." Parang siguradong-sigurado pa talaga siya sa idea niya.

"Kapag ito kalokohan lang. Tatadyakan talaga kita," pabirong banta ko at natatawang tumango naman siya. "Sige na."

Tumikhim pa siya saka kunwari seryosong tumitig sa akin. "Are you ready?"

"Makatanong naman! Ayan tuloy kinakabahan ako," sabi ko at natawa na naman siya.

"Relax ka lang kasi tapos sabihin mo lang ang totoo, okay?" Pinakita pa niya sa akin ang pag-thumbs up niya kaya tumango-tango na lang din ako. "Here's your first question. Sino kina Miguel at Aljun ang mas close ka?"

"Aljun," diretsong sagot ko kasi iyon naman talaga.

"Kung magluluto iyong dalawa. Kaninong luto ang una mong titikman?"

"Pwede both?" tanong ko pero umiling naman si Lely. "K-Kay Miguel kasi mas masarap siya magluto."

Tumango-tango pa siya sa akin. "Next, kung nasa labas kayong tatlo tapos biglang umuulan at iyong dalawang lalaki lang ang may dalang payong, saan ka makikipayong?"

Napaisip na naman ako. "Kay Miguel?"

"Bakit parang hindi ka sure sa sagot mo?"

"Kasi siya naman lagi kong nakakasama na umuulan. At saka kapag aalis ako ay bibigyan niya ako ng payong."

Parang kinikilig pa ang bruha. Kulang na lang tutusukin niya ang tagiliran ko. "Okay next question. Kung mag-ayang lumabas iyong dalawa para kumain, kanino ka sasama?"

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now