CHAPTER 14

2 0 0
                                        

I don't know if they enjoyed our two days staying here at Puerto Azul. Basta ako, medyo nai-enjoy ko naman lalo na iyong gabi na nag-camping kami. Si mommy't daddy lang talaga ang hindi namin masyadong naka-bonding kasi may mga appointment din silang iba.

Right now, paalis na kami at kanya-kanya na kaming dala sa mga bags namin. Nauna na kami nila mommy rito sa parking area kasi kausap pa nila iyong auntie ko.

"AJ, tingnan mo si Camille. Kanina pa iyan nakatingin sa iyo," sabi ni Lely kay AJ at tinutukoy niya si Camille na medyo malayo mula rito.

"Napapansin ko rin iyan kanina pa. Sino ba siya? Ba't mo siya kilala, Lely?" tanong naman ni AJ.

"She's my mortal enemy. Pinsan iyan ni Bell at Jensie."

Tumango-tango pa siya saka palihim na sumulyap kay Camille. "Sexy naman siya, maganda--"

"What?" kaagad na asik ni Lely.

"Maganda iyong buhok niya," pagtatapos ni AJ. Natatawa naman kaming lahat sa kanya. Parang naging judgemental ang datingan.

"Sorry, mga anak. Napatagal iyong pag-uusap namin," sabi ni mommy nang makalapit ito sa amin.

"It's okay tita. Kahit ilang hours pa kaming maghintay ay okay lang sa amin." Lumapit pa si Aljun kay mommy at kinuha ang dalang bag. "Ako na po magdadala, tita."

Natatawa pa si mommy. "Salamat, anak."

Pati si daddy ay natatawa na lang din sa inaakto niya. Inihatid pa talaga niya si mommy sa sasakyan at pinagbuksan ng pinto. Si daddy rin pinagbuksan niya at daig pa niya ang isang bodyguard.

"Sa tingin ko ay pabida lang iyan si Aljun sa parents mo, girl. Pang points kamo," sabi naman ni Lely at napailing na lang ako.

"Ysabella, halika na!" tawag sa akin ni mommy. Maglalakad na sana ako papunta sa sasakyan nang pigilan ako ni Aljun.

"Tita, pwedeng sa akin na lang po sasabay si Bell?" paalam niya kay mommy.

Tumango naman ito. "Okay, drive safely ah?"

"Yes, I will, tita." Bakas pa ang malapad na ngiti sa kanyang mukha.

Tumingin pa sa akin si mommy at binigyan ako ng ngiti na parang may ibang kahulugan. "Sige mauna na kami. Diretso kayo sa bahay ah? Doon tayo magla-lunch," sabi pa ni mommy sa amin.

"Yes po, tita!" sagot naman nila.

Nanatili kaming nakatayo at pinapanood ang pag-alis nila mommy't daddy. Maglalakad na rin sana ako papunta sa kotse ni Aljun nang harangan ako ni Miguel.

"Sa 'kin ka na sumabay," sabi niya na siyang ikinagugulat ko.

"Dre, ako ang naunang yumaya sa kanya." Lumapit pa sa akin si Aljun. "Nagpaalam na rin ako kay tita."

"Yes you did but, bro, can you let me ask her kung kanino siya sasabay?"

"Sa 'kin siya pinagkatiwala, dre. Sa akin siya sasabay," giit naman ni Aljun.

Hindi ko pinangarap na mangyari 'to. Ang pag-aagawan ng dalawang lalaki ay kailan man hindi ko naisip dahil alam kong imposible. Wala ako teleserye o kaya'y sa nobela para mangyari iyong mga ganoon. Pero bakit 'to nagyayari ngayon?

"Huwag ninyo nang pagtalunan iyang kapatid ko. Sa 'kin na siya sasabay," singit ni kuya.

"Pero, dre, I can drive safely naman. Sa 'kin na lang sasabay si Bell. Si Lely na lang isabay mo," ani Aljun.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now