CHAPTER 27

2 0 0
                                        

Bawat araw na dumadaan ay hindi mawawala ang pag-aalala na nararamdaman ko. Simula no'ng may nangyari sa amin ni Miguel ay napapansin kong naging extra-caring na siya. Halos hindi na siya umaalis dito sa unit. Ayaw niyang kumilos ako o di kaya'y magtrabaho ng mabigat. Hatid-sundo niya rin ako kung uuwi ako sa amin o di kaya'y pupunta sa boutique.

Yumakap pa siya mula sa likuran ko at pinagpantay ang mga mukha namin. Kasalukuyan kasi akong nagluluto ng breakfast. Hinalikan pa niya ang leeg ko kaya matunog na lang akong napangiti. "Can I taste?" aniya pero nagdadalawang-isip ako dahil baka mapapangitan siya sa lasa. Kita ko pang ninanamnam niya ito. "Ikaw ba talaga nagluto nito?"

"B-Bakit? Hindi mo ba nagugustuhan?"

"Sobrang sarap, babe. Gusto ko na tuloy kumain," wika niya at tumikim pa ulit.

"Nagsisinungaling ka lang eh." Inaalis ko ang kamay niya at kumuha ng plato saka inihanda sa mesa.

"Gusto mo akin na lang 'to? Kung tutuusin ay kulang pa 'to sa akin."

Taas-kilay naman akong humarap sa kanya. "So, ano kakainin ko?"

"Joke lang." Tumatawa pa siya saka umupo sa kanyang upuan. Matunog naman akong napangiti dahil para siyang bata na naghihintay sa kanyang pagkain. "I'm so lucky to have you, babe."

Matamis naman akong napangiti saka lumapit sa kanya. "Me too. You made it possible to make a flower bloom in the darkest part of my heart, babe."

"Sus! Oo na. Mahal na mahal kita po!" natatawang aniya saka humalik sa akin ng panandalian.

Inihain ko na ang mga pagkaing niluto ko at kitang-kita ko talagang gutom na siya. Hindi man lang ako hinintay na makaupo at nagsimula na siyang kumain. Natatawa na lang ako dahil halos ang soup ang hinihigop niya at bihira na lang niyang tikman iyong iba.

Makalipas ng ilang minuto ay matunog na lang akong napatawa dahil lahat ng niluluto ay nauubos talaga. This is the first na makikita ko si Miguel na ang daming kinakain. At feeling ko naman proud na proud ako sa sarili ko kasi nga nag-improved na ang cooking skills than before. Sino ba naman ang hindi matututo sa pagluluto kung mala-chef ang boyfriend, 'di ba?

"Wala nga pala akong extrang damit. Ayoko ring lumabas na ganito lang suot ko," nadidismayang sabi ko habang iminuwestra sa kanya itong suot ko. Magdi-date daw kasi kami.

"Alam kong wala kang dalang extra, babe. That's why I bought you these stuff." Pinakita naman niya sa akin ang apat na shopping bags at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang laman ng mga ito. "Magbihis ka na."

"Wow! Para talaga sa 'kin 'to?" Hindi pa rin ako makapaniwala, kumbaga nasusurpresa ako. Nakangiti naman siyang tumango-tango habang nakapamulsa. "Thank you," pabulong na sabi ko saka nagmamadaling nagpunta rito sa banyo.

Namilog ang bibig ko at gumuhit sa aking mga mata ang saya habang inisa-isang inilabas sa mga ito sa shopping bag. Maroon casual dress, white 2 inches heels with back strap and cute white sling bag. Napamangha ako lalo nang isukat ko ito dahil kasyang-kasya ang mga ito sa akin.

Paano niya kaya nasisigurado na kasya ko?

Inayos ko pa ang buhok ko at naglagay na rin ng light make-up. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at parang ngayon ko lang nakikita ang sarili ko na ang blooming. Thanks to my pinakagwapong boyfriend.

"Let's go?" alok ko sa kanya pero hindi siya sumagot sa halip ay tiningnan lang ako nito. "H-Hindi ba bagay?"

Matunog siyang ngumiti saka lumapit sa akin at hinalikan ang kamay ko. Akala ko may sasabihin siya pero yun pala ay pinaikot niya ako na tila ako si princess Bell at siya naman ang partner kong beast pero gwapong beast. Pagkatapos kung umikot ay diretso niya akong niyakap at medyo sumayaw-sayaw pa siya. Nadala naman ako sa pa-sway-sway niya.

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now