Matapos sabihin ni AJ na umalis na si Aljun at lumipad na ito sa New York ay parang wala na ako sa sarili ko. Nabigla ako sa balitang aking natanggap at hindi ko maiwasang isipin na ako ang dahilan kung bakit siya umalis.
"Babe, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Miguel. Nagmo-movie marathon kasi kami ngayon kaso hindi ako maka-focus sa panonood sa kakaisip kung bakit umalis si Aljun nang hindi nagpapaalam sa akin. "Babe, kanina ka pa walang kibo. Ang tahimik mo na. May problema ba?"
Nakita ko naman silang nagsilingunan sa akin. "Bakit umalis si Aljun?" tanong ko sa kanila. "Hindi niya sinabi sa akin na aalis siya. Hindi na rin siya nagpaparamdam sa akin." Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni Miguel. "Kailan daw siya babalik dito? May sinabi ba siya sa inyo kung bakit siya umalis?"
"Kaya pala ang tahimik mo dahil siya ang iniisip mo. Malamang aalis ang isang tao kapag nasasaktan," parang naging pilosopong sagot bigla ni Miguel at saka nag-walk out.
"Miguel?" tawag ko rito pero diri-diretso lang siyang naglakad papuntang pinto at lumabas.
"Nagseselos yata boyfriend mo, girl. Ikaw naman kasi. Hinahanap mo pa iyong taong karibal niya sa iyo tapos sa mismong harapan pa niya ikaw nagpapakita na worried ka kay Aljun. So, ayan walk out na ang jowa mo," wika ni Lely at napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa pintong kanyang nilabasan.
"Bell, alam mo naman na may pagkaseloso at sensitive iyang boyfriend mo. And Miguel knews everything why Aljun left. And that's because of you, Bell. He can't help but to feel pain inside when he see you and Miguel together," seryosong sabi ni AJ sa akin.
"Pero nagtanong lang naman ako kung bakit umalis si Aljun. Wala namang masama siguro ro'n," pagdidipinsa ko sa aking sarili.
"Bell, iba na kasi iyong way mo sa pagtanong," wika naman ni Lely at wala na akong nagawa kung hindi ang pagbuntong-hininga.
"Go sundan mo siya, Bell. Nasa lobby lang iyon," sabi pa ni kuya at napabuntong-hininga na lang ako.
Tama nga si kuya kasi nasa lobby nga siya at nagyoyosi pa. Alam kong napapansin niya akong papalapit sa kanya kaya siya tumalikod at kunwari hindi niya ako nakikita. Kahit nandito na ako sa gilid niya ay hindi pa rin niya ako liningon. Nagpatuloy lang siyang nagpapabuga ng usok mula sa kanyang bibig at ilong.
"Nagyoyosi ka pala?" tanong ko rito but he just give me a smirk. "Hindi mo sinabi sa akin na may bisyo ka pa lang ganyan."
"Pampawala ng sama ng loob lang 'to," aniya at napabuntong-hininga na naman ako ulit.
"Okay. I'm sorry kung nasaktan kita. Miguel, nagtatanong lang naman ako. Masama na bang magtanong ngayon?" Ginawa kong mas mahinahon ang uri ng boses ko para maiintindihan niya sa kung ano ang aking punto.
"Yes, I know you're just asking and it's normal if you feel worried about him. Even me, nag-aalala rin ako sa kanya pero, Bell, the way you asked kanina was really different. I felt it." Sinabayan pa niya ng hand gestures bawat sinasabi niya at parang mas galit na siya kung titingnan.
"Wala naman akong ibang dahilan kung bakit ko iyon tinanong. Gusto ko lang naman malaman kung bakit siya umalis at kailan siya babalik. Iyon lang naman. Mas pinaniniwalaan mo lang talaga iyang utak mo na napakaseloso," sabi ko sa kanya at tumawa lang siya ng pasinghal. "Miguel, look, sobrang liit lang na bagay 'to para pag-awayan natin. Misunderstanding lang naman ang lahat kaya ka nagseselos. Nami-misinterpret mo lang ang actions ko," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Normal pa ba iyon sa pag-aalala? Okay lang sana kung hindi mo 'ko kasama pero, Bell, nasa tabi mo 'ko. Nasasaktan ako kasi nagseselos ako sa bagay na alam ko naman na ang liit-liit lang para pagselosan."
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
