Kinabukasan, maaga akong nagising at ramdam na ramdam ko ang pananakit ng katawan at parang mabibiyak ang aking ulo. Wala rin pa lang itatalab ang pinainom sa akin ni Miguel kagabi. Hangover pa rin ang napapala ko ngayong umaga and I really hate it.
Bago ako bumangon ay kinuha ko muna ang phone ko at nag-text kay mommy na uuwi ako ngayon sa bahay. Napagpasiyahan ko kasi ngayon na mas mabuting uuwi na lang ako kaysa manatili rito at magpaka-stress lang sa taong walang ibang ginagawa kundi ang asarin at galitin ako.
"Good morning," bati ko kay AJ na nasa salas.
"Good morning! Aga ng gising natin ngayon, ah?" aniya at nagkibit-balikat na lang ako saka dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.
"AJ, saan si kuya?"
"Hindi pa yata nagising," sagot niya at tumango-tango na lang ako.
Bumalik na lang ako sa kwarto at naligo. Pakatapos ng ilang minuto ay minabuti ko na ring iniligpit ang mga gamit ko at ipinasok ito sa maleta. Pero maya-maya lang ay may kumatok sa pinto kaya kaagad naman akong tumayo at pinagbuksan ito.
"Kuya, gising ka na pala." Nilakihan ko naman ang pagbukas ng pinto at nakita kong nagtataka siya nang makita ang maletang nakapatong sa aking kama.
Pumasok siya at dumiretso sa maleta ko. "Are you leaving?" kunot-noong tanong niya sa akin.
Tumango naman ako kasabay ang mabigat na buntong-hininga. "Na-miss ko kasi sila mommy't daddy," pagdadahilan ko.
'You're leaving because of Miguel. Napapansin ko kayong dalawa. Parang hindi kayo komportable sa isat-isa." Bumuntong-hininga pa siya. Hindi ko na siya sinagot pa dahil batid kong alam na niya ang totoo.
Sa sobrang bilis ng takbo ng oras ay hindi ko napansin na magtatanghali na pala. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik dito. Nami-miss ko rin iyong mga bondings namin. Naging close ko na rin kasi si AJ at Aljun. Kaya, bago ako umalis dito ay napagpasiyahan kong magsalu-salo muna kami kahit kaunti. Um-order ako online ng ibat-ibang foods.
"Wow! Ang dami namang pagkain! Anong mayroon?" takang tanong ni AJ.
"Mini party lang," sabi ko at kumunot naman ang noo nila, except kay kuya. "Uuwi na kasi ako sa amin at hindi ko alam kung kailan ako makababalik. Hindi ko rin alam kung magkikita pa ba tayo ulit. So, I decided to have a mini party with you, guys."
"Natutuwa na sana ako dahil ang daming pagkain pero iiwan mo na pala kami," nagdadramang sabi ni AJ.
"Mami-miss mo naman ako di ba?" tanong sa akin ni Aljun.
Natawa naman ako ng kaunti. "Kain na tayo?" pag-iiba ko.
Kumain na kami at minsan pang nagbibiruan. Feeling ko tuloy ay parang isa akong prinsesa at sila iyong mga prinsipe ko. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng circle of friends na puro lalaki. Parang gusto kong baguhin ang desisyon ko pero mapapaisip na lang ako kapag kay Miguel ako titingin.
Limipas ang ilang orasa at mag-aalas tres na ng hapon. Ito na ang oras para umuwi ako sa amin. Inilabas ko ang maleta at kinuha naman ito ni kuya para siya na ang magbibitbit papunta sa labas. Si kuya na rin ang maghahatid sa akin papunta sa bahay.
"Kuya, mauna ka na lang sa parking area. May nakalimutan kasi ako sa kwarto. Susunod na lang ako sa yo," sabi ko at tumango naman siya saka lumabas nitong unit.
Bumuntong-hininga pa muna ako bago ako naglakad papuntang balkonahe. Parang nagdadalawang-isip pa akong lumapit kay Miguel na ngayon ay parang ang layo ng tingin at ang lalim ng iniisip.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
