Iyong takot at pag-aalala ko ay unti-unti namang nababawasan sa bawat araw na lumilipas dito sa New York kasama ang family ni Aljun. Nakatutuwa dahil simula noong dumating ako rito ay hindi ko nararamdamang iba ako. Parang pamilya talaga ang turing nila sa akin. Nakatataba ng puso. Tama nga si Aljun dahil napakabait ng pamilya niya. Nakakahiya dahil mas inaalala pa nila ang health ko noong nalaman nilang buntis ako.
Aside kasi sa pagiging mabait nila ay talagang napaka-hardworking din. Kaya naman minsan tanging katulong lang ang kasama ko rito sa bahay. Pati kasi si Aljun minsan ay sumama rin sa daddy niya sa trabaho pero panay ang pag-update sa kin.
FIVE YEARS LATER!
Sa mga lumilipas na araw, buwan, taon ay mas nalalaman ko na ang totoong kahulugan ng buhay. Naisip ko na siguro iyong mga pagkakataong nasaktan ako at parang nawalan na ng pag-asa ay mga dahilan lang pala para mas lalo akong magiging matatag. Kumbaga, iyong mga taong naging pansamantala lang sa buhay ko ay nagsisilbing lessons lang para matuto ako. Simula noong dumating sa buhay ko ang aking anak ay sobrang nagpapasalamat ako. Siya lang ang nagsisilbing dahilan ng lakas ko. Naging mas produktibo ang buhay ko dahil sa kanya.
Kalen Asher Castro, my four years old son. He's a blessing, my hope, my strength my weakness, my love, my everything.
"Mommy?" tawag niya sa akin. "I just want to ask," aniya habang nakahawak sa baso ng tubig.
"Go on, baby."
"Are we really need to fly back to the Philippines tomorrow?" tanong niya at tumango naman ako. "But why Lola and Lolo said that they can't go with us?" tukoy niya kina tita Kruzzette at tito Raven.
"Apo, your Lolo and I cant go with you because we have work here. Your Lolo's office need him and my patients in the hospital needs me too," pagpapaintindi naman ni tita. Tumigil pa si Ash kumain at kunwari nagtatampo siya.
"Apo, we will miss you and we'll promise that we will call you everyday," sabi naman ni tito at tumango-tango naman si tita saka niyakap si Ash.
"But, Lola, who will make lugaw for me when I already in the Philippines?"
"You have also your Lola and Lolo there. They can make lugaw for you too."
"But can you and Lolo promise me first? You will go there when your works are done."
Natawa naman kami habang si Ash ay nanatiling nakanguso. Malapit kasi siya kina tita at tito kaya siya ganyan. Minsan nga sinasama na siya ni tito sa office.
"Okay, me and Lolo make a promise."
Bakas naman sa mukha ni Ash ang pagkatuwa saka pa lang pinagpatuloy ang pagkain niya. Natutuwa na lang ako habang pinagmamasdan sila. Kahit hindi nila ito tunay na apo ay tinuring pa rin nilang kadugo talaga nila. Maya-maya lang ay may narinig kaming humihintong kotse sa labas. Ilang minuto rin ay bumukas ang main door at alam kong si Aljun na iyon.
"I'm home!" aniya nang makapasok na.
Nakita ko namang dali-daling bumaba si Ash sa kanyang upuan at patakbong sumalubong kay Aljun. "Daddy!" masayang sigaw niya. Kaagad naman siyang kinarga ni Aljun at naglakad papunta rito sa mesa.
"Where is daddy's kiss?"
Hinalikan naman ni Ash ang magkabilang pisngi ni Aljun. Nakasanayan na nilang ganyan araw-araw. "Daddy, I have something to tell you."
"What is it?" pabulong na tanong ni Aljun sa kanya pero rinig namin. Natatawa na lang kaming tatlo nang bumulong pa talaga sa tainga si Ash para hindi namin ito marinig. "Really?"
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
AléatoireCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
