Hindi na ako tumawag o nag-text kay kuya. Sanay na rin naman ako mag-commute. The bad thing is, mag-isa lang talaga akong nagpagala-gala kung saan-saan. Nakakapagod!
Pagkarating ko rito sa harap ng pinto nitong condo unit ni kuya ay pinindot ko pa ang buzzer. Nakailang buzz pa bago nila ako pinagbuksan pero nang makita ko kung sino ang nagbukas ay namilog ang mga mata ko at parang tumigil na rin ang aking paghinga.
"W-What the hell are you doing here—" Hindi ko naitapos ang sasabihin ko nang bigla niyang isinara ang pinto. Naiwan akong nakanganga at bilog na bilog ang mga mata dahil sa gulat. Kanina pa lang, sinabi ko sa sarili ko na sana hindi na kami magkikita pang muli dahil sa kahihiyang ginawa ko pero ito na naman ang mapang-asar na kapalaran. "Hey! Open the door!" sigaw ko habang pinidut-pindot ang buzzer. Ang dami ko kasing dala at ramdam ko na ang pangangalay nitong kamay ko.
Binuksan naman niyang muli ang pinto at mataman na akong tinitingnan. "Stalker ba kita?" walang reaksyong tanong niya sa akin.
Napataas naman ang kilay ko. "Excuse me? Bat naman kita ii-stalk?"
"If not, what are you doing here then?"
Sasagot na sana ako nang makita ko si kuya na papalapit sa amin. So, ibig sabihin isa rin itong mukong na to sa mga kaibigan niya? What the h*ck!
"Anong nangyari rito?" takang tanong ni kuya sa amin.
"Kuya, kaibigan mo ba siya?" diretsong tanong ko at tumango naman siya. "Tsk! Kung hindi ka dumating ay siguro hindi niya ako papapasukin," pagmamaktol na usal ko.
"Tsk! Whatever!" mahinang sabi niya saka iniwan kami.
Ibinigay ko kay kuya ang mga paperbags na naglalaman ng mga pagkain at diretsong pumasok sa loob. Nakaupo na ang mukong sa couch habang nagpipindut sa kanyang laptop. Hindi ko na siya binigyang pansin pa at dumiretso na lang ako sa kwarto.
"Bell, para sa atin ba itong mga pagkaing dala mo?" pasigaw na tanong sa akin ni AJ.
"Yes!" sagot ko rin saka lumabas nitong kwarto.
"Pwede na bang kumain?"
"Yes, go ahead."
Kumuha naman siya ng mga paglalagyan ng pagkain saka niya ito inihanda. Habang ako ay pasimpling sumulyap sa taong galing sa bansang Antarctica. Sobrang cold!
"Bell, tara na. Kain na tayo." Pinaghandaan pa ako ng upuan ni AJ. I find him so gentleman. Sana hindi pakitang-tao lang.
"Salamat," wika ko.
"Youre welcome," nakangiting sagot niya. 'Jensie, Miguel? Kakain na!" tawag naman niya sa dalawa.
So, Miguel pala ang pangalan niya? Bat ang bait pakinggan ng pangalan niya pero kasalungat naman iyong ugali? Siguro, galit talaga siya sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit hindi niya nasagip ang kanyang phone. Pero nagso-sorry naman ako sa kanya kanina ah!
"I'm full," sagot naman niya. Tsk! Full pala ah?
"Sinungaling! Kasasabi mo lang na gutom ka, di ba?" ani Aljun.
"Miguel, halika na!" anyaya naman ni AJ.
Narinig ko naman ang yabag ng mga paa na papunta rito. Hindi kasi ako lumingon kina kuya dahil panigurado magkakasalubong ang mga paningin namin ni Miguel.
Umupo naman sa tabi ko si kuya at kaagad na nag-iiba ang ihip ng hangin nang sa katapat na upuan si Miguel umupo. Bali nasa harapan ko siya ngayon kaya nangingibabaw ang pagkailang ko. Hanggang sa nagsimula na kaming kumain ay tanging kaming apat lang ang nagpapalitan ng mga salita. Pansin kong sobrang tahimik niya na tila siya lang mag-isa ang kumakain. Sa sobrang daldal nitong si Aljun ay kabaliktaran naman itong si Miguel.
Mabuti na lang at medyo komportable na ako kina AJ at Aljun. Nakuhanan rin ang pagkailang ko sa kanila pero itong nasa tapat ko ay hindi ko alam kung paano ako magiging komportable. Aside sa nagi-guilty ako, medyo natatakot rin kasi ako sa kanya. Parang papatay kasi ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Miguel, bat ba ang tahimik mo?" tanong sa kanya ni AJ pagkatapos naming kamain.
"Oo nga. At saka parang ang init ng ulo mo kay Bell. May nangyari ba or something?" sabat naman ni Aljun. Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin.
"He lost his phone," maya-mayang sabi ni kuya para mapaangat ako ng tingin sa kanya.
"Ano? Bakit?" Nagkasabay pa sila AJ at Aljun.
"I-It was my fault," mautal na sabi ko at taka naman nila akong tiningnan. Inunahan ko na para mawala na ang kaba ko kahit kaunti. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari pero nakayuko pa rin ako. Natatakot kasi akong tumingin kay Miguel.
"Pano na iyan, Miguel? Bibili ka na lang ng bago?" tanong pa ni kuya sa kanya.
"A-Ako na lang bibili. Bukas na bukas bibili na ko ng pamalit sa phone mo pero pwedeng samahan mo rin ako? Para ikaw na lang mamimili kung anong brand gusto mo," sabi ko at tiningnan naman niya ako na para bang walang interes.
"Sige," maya-mayang sagot niya saka kaagad na tumayo at nagtungo sa guest room.
Napabuga ako ng hangin. Hindi dahil sa kaba o takot kundi dahil namumublema ako kung saan ako pupulot ng pera. Panigurado iyong mamahalin ang pipiliin niyang brand. May pera ako pero alam kung kukulangin ito. Ayoko rin namang humingi sa parents ko o kay kuya dahil kasalanan ko rin naman iyon. Bat kasi iyon nangyari?
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
AcakCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...