Tinupad nga ni kuya ang kanyang sinabi na ihahatid ako. Una ay parang ayaw pa niya akong iwan pero mabuti na lang at dumating na si Lely kaya wala siyang nagawa kundi ang umuwi at iwan kami. Ngunit bago pa man kami makapasok sa loob ay may natanggap akong text galing sa kanya.
'Kapag ikaw uuwi ritong lasing. Sa labas ka matutulog.'
Napailing na ako saka dumiretso kaming pumasok. Medyo marami-rami rin ang mga taong nandito. Iyong iba nag-iinuman, nagsasayawan, nag-uusap and trying to flirt someone they like. Naghanap kami ng best spot and then we order a light drink.
"So, ano bang problema mo?" tanong ko kaagad kay Lely.
Linagok at inubos niya lahat ang nasa baso at um-order ulit saka pa lang lumingon sa akin at parang mapait na ngumiti. "He always chose to cheat on me. But its fine. I dont care of it anyway." Bumuntong-hininga pa siya at saka uminom. "After this night, I'll break him up." Inalog-alog pa niya ang kanyang baso. "Pagod na akong umintindi sa kanya." Inubos na niya naman ang kanyang inumin at muling um-order. "Okay! I got two shots na. I'm now totally fine."
"Tsk! Niloloko mo lang sarili mo, Lely." Umiiling ako at saka uminom.
"Ikaw ba? 'Di ba sabi mo may problema ka about your lovelife? Ay, no, correction nga pala. Hindi pala matatawag na lovelife kasi hindi mo kamo siya love." Natatawa pa siya habang umiiling-iling.
Um-order pa muna ako ng another glass of drink. "Naalala mo iyong nanghiram ako sa 'yo ng pera?" Tumango-tango naman siya at ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. "He's really annoying! May nalalaman pa siyang warning na huwag daw ganito-ganyan. Kailangan ko raw magpanggap na girlfiriend niya dahil ganito-ganyan. Nakakairita lang kasi ayoko naman talaga!"
"Is he pass your standards?" Parang may meaning pa ang uri ng pagtingin niya sa akin. "May balak ka bang isali siya sa listahan mo?"
"Ba't ko naman siya isasali? Nanliligaw ba iyon? At isa pa, kung sakaling manliligaw siya ay ayoko ring sagutin iyon kasi ang yabang."
Ngayon ko lang napansin na nakaubos na pala ako ng tatlong baso. Napansin ko rin si Lely na medyo may tama na rin. Wala pa naman akong nararamdamang kakaiba, puwera na lang sa pagkairita.
"Feeling ko, medyo okay naman siya kung magiging jowa mo siya. Kasi he's your kuyas friend and your kuya knows him better. Hes almost passed your standards naman siguro." Imbis na sagutin ko siya ay uminom na lang din ulit ako. "Maybe you're afraid no? Takot ka na baka ma-ghost o maloko ulit? Or maybe youre still hoping na babalik si Jayken?"
Napahinto ako nang banggitin niya ang pangalan ng isang tao na hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin ako ng paglimot. Wala akong ibang naisagot kundi ang isang malalim na pagbuntong-hininga. Ayokong pag-usapan ang taong iyon dahil hindi pa ako komportable.
Dumagdag na naman kami ng isa pang baso. "What will I do, Lely? Uuwi ba ko sa amin para maiwasan ko iyong taong iyon o ano?"
"Just face it. Try mong sakyan iyong trip niya dahil siguro ito rin ang way para makalimutan mo iyong isang tao."
"What? So you're saying na magpapanggap talaga ako?"
Tumango-tango naman siya. "It is just for fun. You will do it with purpose and your purpose is to forget someone."
"Pero parang ako na rin ang nagloko sa sitwasyon na iyon. Ginamit ko siya."
"Pero hindi naman ikaw iyong nag-alok. Its up to you kung mafa-fall ka or not."
Napaisip nga ako sa sinabi ni Lely. Hindi ko alam kung susundin ko ba o hindi. Pero ngayon, parang kailangan na naming umuwi dahil parang hindi na namin kaya. Nagkanya-kanya na rin kami. Nag-commute lang ako dahil ayokong tawagan si kuya. Kaya ko naman ang sarili ko.
Pagkarating ko rito sa condominium ay parang ramdam ko na ang pagkahilo. Sa elevator pa lang ay panay na ang pagmasahe ko sa aking sentido at batok. Minsan pa akong mapakapit sa kung saan nang muntik na akong matumba. Medyo nahihirapan pa akong hanapin ang keycard na binigay sa akin ni kuya kaya hinalungkat ko pa ang loob ng bag ko at finally nahanap ko na. Nang pagpasok ko rito sa unit ay napakapit pa ako sa pader dahil parang nagwi-wave na ang paligid.
"Are you okay?"
Napaangat ako ng tingin at doon ko nalamang si Miguel pala iyon. "Y-Yeah," mahinang sagot ko saka siya nilampasan.
"Sino naghatid sa yo?"
"It's none of your business," naiinis na sabi ko.
"Kababaeng tao pero ang hilig uminom." Narinig ko pa kahit alam kung pabulong lang niya itong sinabi.
"Ano bang paki mo?" Inis akong humarap sa kanya pero sa hindi ko inaasahan ay bigla na lang niya akong hinila papunta sa kusina. "Ano ba—bitiwan mo nga ko!"
"Gusto mo bang marinig ka ng kuya mo?" aniya na hinahawakan pa ang magkabilang siko ko.
Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni kuya. "At ano naman sa 'yo kung maririnig niya ako?"
"Sige sumigaw ka. Para malaman niyang lasing na lasing ka." Hinila naman niya ang upuan at pilit niya akong pinaupo. "Stay and don't move."
"Ano ako, aso—" Napatigil ako nang bigla siyang yumuko at halos magkadikit na ang dulo ng ilong namin.
"Don't move and don't talk."
Parang pati hininga ko ay napatigil. Napalunok na lang ako nang makitang nagbaba siya ng tingin sa aking labi. "Ano ba—" Itutulak ko na sana siya nang bigla niya akong hinalikan.
Nanlaki ang mga mata ko at para akong naistatwa dahil sa pagkabigla. Oo, sa pisngi lang niya ako hinalikan pero iba iyong epektong hatid niya sa akin. Hindi na ako makagalaw at parang hindi na rin ako marunong magsalita.
"One more talk, then Ill bite your lip."
Para akong sinapian ng kung ano. Tanging pagkurap-kurap lang ang nagawa ko at kahit sulyapan siya ay hindi ko na magawa dahil sa nararamdaman kong pagkailang.
"Drink this," maya-mayang aniya at inilapag ang isang tasa na naglalaman ng ewan ko kung anong tawag dito. "It's a ginger lemon tea," dugtong niya na parang nababasa ang laman ng isip ko.
"May lason siguro to," sabi ko at narinig ko naman siya suminghal saka kinuha ang tasa at uminom.
"Ayan, ako na unang uminom. Kung may lason man iyan paniguradong ako ang unang mamamatay." Umupo pa siya sa tabi ko at diretsong nakatingin sa akin. "It's for your hangover."
Hindi na ako umimik pa at uminom na lang ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil tila wala siyang balak ialis ang kanyang paningin sa akin. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Lely.
'Talaga bang sasakyan ko na lang ang trip ng lalaking ito?'
"Huwag mo nga akong titigan! Baka magsisisi ka?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya sa halip ay sa tasa lang ang paningin ko.
"Ba't naman ako magsisisi?"
Sarkastiko pa akong ngumisi saka lumingon sa kanya. "Sa kakatitig mo sa 'kin baka mag-iiba na ako sa paningin mo." Kita ko naman na kumunot ang noo niya. "Magmukha na akong si Anabelle."
Pasinghal pa siyang natawa at mas lalo akong tinititigan. "Huwag mo kong takutin sa mga nonsense na iyan. Mas matakot ka kapag isang tulad mo ang ma-in love sa akin."
"Ang yabang mo! Akala mo kong sino! Pangit mo, hambog!" asik ko saka inilagay ang tasang ginamit ko sa lababo.
Iniwan ko siya saka pilit inayos ang paghakbang papunta rito sa kwarto para lang hindi ako matumba. Parang kinikilabutan ako sa taong iyon. Nakakainis sobra!
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
