CHAPTER 42

1 0 0
                                        

Ibang-iba na talaga kapag may anak ka na. Dati halos magdamag akong nakatutok sa laptop ko kakanuod ng kdrama o mga segment ng kpop, magbasa ng novel books, o di kayay magha-hangout. Ngayon, halos kalahati ng oras sa trabaho at kalahati naman sa anak ko. Iyon nga naman, dapat may time management pa rin.

Ayokong isipin ng anak ko na wala akong oras sa kanya. Hanggat maaari ay ibibigay ko iyong kailangan niya-ang presensya ko. Ayokong lumaki siya nang uhaw sa presensya ng magulang. Kung may tama siyang nagawa, dapat nandoon ako para mag-congratulate sa kanya o kayay bigyan siya ng reward. Kung may mali man siyang nagawa ay dapat nadoon din ako para pagsabihan siya at turuan sa kung ano ang tama.

Anyway, lumipat na kami rito sa bagong bahay na pinapatayo ko. May katulong naman akong hina-hired pero sa gawaing bahay lang siya. Minsan nga ay sa pagluluto ay ako ang nagvo-volunteer para naman matikman ng anak ko ang lutong nanay.

"Manang, si Bell po?" Rinig ko mula sa labas ang boses ni Aljun.

"Nasa loob po, sir, rinig kong sagot naman ni yaya.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad doon si Aljun na may dalang paperbags at may laman ito ng pagkain galing sa isang paborito kong restaurant.

"Wow!" nakangiting salubong ko sa kanya. "Kaya lang katatapos lang namin mag-lunch ni Ash."

"Paano na to?" Tiningnan pa niya ang dala niya na para bang masasayang lang.

Kinuha ko naman ito. "Kakainin natin to mamaya," sabi ko at tumango naman siya. "Wait, ikaw ba nakapag-lunch na?" tanong ko rito at tumango naman siya.

Iniwan ko muna siya saglit sa salas dahil inilagay ko rito sa ref ang pagkaing dala niya. Iinitin na lang namin to mamayang dinner. Busog pa kasi ako at masasayang lang ito kung hindi namin ito kakainin mamaya.

"Si Ash?" tanong niya.

Isinara ko pa muna ang ref at saka bumalik sa salas. "Nasa kwarto niya," sagot ko.

Kanina pang hindi lumalabas si Ash. Simula kasi noong binilhan namin siya ng mga laruan ay bihira na lang siyang lumalabas ng kwarto. Kaya napagpasiyahan kong puntahan siya at nang pagbukas ko ng pinto ay napatigil ako sa bumungad sa akin. Nagkakalat ang mga laruan niya sa sahig. Pati iyong pader ginawa niyang painting board. Iyong kama niya ay hindi na ma-itsura dahil iyong comforter nasa sahig at iyong unan nandoon na sa malapit sa cr.

"What do you think you are doing, Kalen Asher?" pigil-galit na tanong ko sa kanya pero alam kong alam na niya ang tuno ng pananalita ko.

Tumigil naman siya sa ginagawa niya at nakangusong humarap sa akin. "Mommy, I am just playing with my toys."

Pinagkrus ko pa ang braso ko. "Yes, I know but what happened to the wall?"

"I-I painted the wall." Halata ang gumagaral na boses niya.

"Using what?"

Nakita kong gumagalaw na ang magkabilang-balikat niya. "My watercolors."

"Ash, do you think I bought that watercolors for you to paint the wall? Do you think it is funny?"

Umiiling siya saka nag-angat ng tingin sa akin. "Mommy, I was just wanted to do painting."

"Okay and I wont stop you to do it but not on the wall. Now, look at it. Even your comforter, your pillows and your toys are all messing up!"

Yumuko siya saka pinahiran ang kanyang mga luha. "I-Im so sorry, mommy."

Bumuntong-hininga na lang ako dahil parang mag-e-explode na. Bigla namang dumating si Aljun at kita sa mukha niya pagkagulat.

"Ba't ang kalat?" pabulong na aniya saka tumingin kay Ash na ngayon ay tahimik na umiiyak. Ash?

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now