CHAPTER 12

2 0 0
                                        

Patuloy lang akong hinihila ni Lely hanggang sa makarating kami rito sa isang space na puno ng mga berdeng damo. Hindi ko alam kung anong mayroon at nagtataka ako kung bakit may mga tents, may mahabang lamesa at mga upuan, at sa bandang kanan naman ay may set up na para sa bonfire.

"Para saan ba to?" tanong ko sa kanya habang inisa-isang tinitingnan ang mga ito.

"Para mamayang gabi. Kanina kasi naisip ko na gusto kong mag-camping tayo."

"Alam na ba nila kuya 'to?"

Umiling-iling siya saka lumapit sa akin. 'Hindi pa pero walang problema iyon. Alam ko namang gusto rin nila to," aniya at tumango-tango na lang ako. "Bell, tika nga lang. Tapatin mo nga ako. Pumapayag ka ba sa deal ni Miguel noon?"

Napatingin naman ko sa kanya. 'Anong pumayag? Umuwi nga ako sa amin dahil 'don kasi ayoko. At saka alam mo namang trip lang niya iyon 'di ba? Ikaw pa nga nagsabi sa akin kahapon."

"Aba, malay ko ba kung tinuloy ninyo yung deal. Parang may naaamoy kasi akong something sa inyo." Binigyan pa niya ako ng ngiting may halong panunukso.

Nginiwian ko naman siya saka lumabas dito sa tent. "Napakamalisyuso talaga iyang utak mo no?" sarkastikong sabi ko ngunit mas lalo lang niya akong tinutukso. Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko. 'Ano ba, Lely! Tigilan mo nga ako," saway ko.

Huminto naman siya saka humarap sa akin at pinagkrus ang kanyang braso. "Actually, bagay talaga kayo. Sabi ko naman sa iyo 'di ba na bet ko siya para sa iyo. Mukha naman siyang mabait, loyal, at saka responsible."

"Ewan ko sa iyo, Lely. Kakakilala lang natin nong tao at hindi ko pa nga alam kung anong background niya."

"E 'di tanungin natin iyong kuya mo."

"Naku 'wag na. Magdududa na naman iyon." Isinara ko pa ang zipper nitong tent. "Tara na nga baka hinahanap na tayo nila mommy."

"Oo, tara na baka hinahanap na rin tayo ng kuya mo."

Taas kilay akong humarap sa kanya. "Napapansin ko na iyan, Lely. Parang napapadalas mo nang banggitin si kuya. Crush mo pa siya no?"

"Rawrr!" sabay tawang aniya at biglang takbo papuntang hotel.

Alam ko na kung anong sagot niya. Mula highschool kasi kami ay crush na niya si kuya. Kahit pa may boyfriend siya ay parang kinikilig pa rin siya kapag kasama or kausap niya ito. Alam na alam niyang may pagkababaero si kuya pero ewan parang wala paki eh.

Lakad-takbo ang ginawa ni Lely kaya hindi ako nakasabay sa kanya. Nang makarating na ako sa lobby nitong hotel ay napahinto akot nagtataka sa nakikita ko. Napalingon naman ako kay Lely na parang patagong tumatakbo papunta rito sa akin.

"Ba't nandito iyang bruhang auntie mo at iyang pinsan mong loka-loka? Are they invited to come over here? Okay na ba kayo?" sunod-sunod na tanong niya.

"Hindi ko nga rin alam. Wala namang nabanggit sa akin sila mommy't daddy na pupunta iyan dito."

"Hanggang ngayon naiirita pa rin akong tingnan iyang babaeng iyan. Ang arte-arte hindi naman nababagay sa mukha," tukoy niya sa pinsan kong si Camille.

Camille Santiago ang full name niya. Pinsan ko siya sa ama at talagang hindi kami close. Masyado siyang plastik at ang arte. Hindi rin siya bet ni Lely kasi minsan na rin silang magkaaway. Palaban tong kaibigan ko at kahit sino ay hindi aatrasan.

"Mommy, daddy." Pagkatapos noon ay saka pa lang ulit ako humarap sa bisita namin at sinabayan ang ngiting plastic nila. "Hi auntie, hi Camille."

Bloom After The DarkWhere stories live. Discover now