Sa nagdaang mga araw ay naging mahinahun at matagumpay naman ang trabaho namin. Maganda't maayos naman ang resulta ng pagdi-design kahit na kulang kami sa pahinga at minsan nga sa pagkain. Ngayon, hinihintay ko na lang iyong may-ari nitong gown para maisukat niya ito.
"Good morning!"
Napalingon ako sa may pintuan at napangiti na lang nang makita ang kliyente ko. Finally, nandito na siya at makita ko na kung ito ba ay babagay sa kanya.
"Good morning po," sabay beso na sabi ko.
"Ito na ba ang gown ko?"
"Yes po and I hope you like it," masiglang sabi ko na tila ba'y nai-excite.
"I like it and I really love it so much! Can I try it now?" tanong niya sa akin habang nasa gown lang ang paningin.
Sa mga matatanda, sinasabi nilang bawal daw isukat ng bride ang gown dahil daw kapag ginawa ito ay may malas na darating o 'di kaya'y hindi matutuloy ang kasal. Sinabihan ko naman itong kliyente ko about doon pero hindi naman daw siya naniniwala sa gano'n.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement and I feel happy also because this is a fulfillment kasi. Habang tinutulungan namin siyang isukat ito ay hindi mawala-wala ang hanggang taingang ngiti niya't parang kumikinang pa ang kanyang mga mata. Nang maayos na ay kaagad namin siyang iniharap sa salamin. Ang ganda niya and I hope maranasan ko rin ang ganyan, someday.
"Sobrang bagay na bagay po sa inyo," wika ko at iyon naman talaga ang totoo.
"Excited na tuloy ako," aniya at umikot-ikot pa.
After niyang isukat iyon ay nakipag-chikahan pa siya sa akin ng ilang minuto and then pinag-usapan naman namin ang about sa deal. Matapos ang halos isang oras ay saka pa lang siya umalis. So ngayon pinag-usapan namin ng kasamahan ko ang pag-deliver ng gowns. Dito na rin kasi siya nagpapasukat ng gowns para sa bridesmaid, flowergirl, groomsmen at iba pa.
"Bell?" tawag sa akin ni mommy. "We have important things to discuss," aniya habang tinatahak ang daan papuntang office niya. Kaagad naman akong sumunod at nagtatakang umupo. "I think that is our last client," diretsong sabi ni mommy at nangunot naman ang noo ko. "Sobrang hina na ng sales natin. Nalulugi na tayo at wala tayong sapat na pera para iahon itong negosyo natin. So, I and your dad decided na isara na lang muna natin ito. Siguro pansalamanta lang muna at kung makahanap na tayo ng pera ay bubuksan natin ito ulit," aniya at tila ba bumagsak ang dalawang balikat ko sa balita. Natigilan ako at parang umurong ang dila ko para magsalita. "Is that okay with you, Bell?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sumasakit bigla ang ulo ko sa kakaisip ng paraan para hindi maituloy ang sinasabi ni mommy. Mahal ko ang boutique na ito at alam ko na una pa lang pinaghirapan namin itong itayo pero ngayon, mawawala na lang lahat ng pinaghirapan namin.
"Mommy, wala na ba tayong ibang paraan?" namumublemang tanong ko at sobrang bigat na talaga sa pakiramdam na isasara na ito. "Mom, baka may pera si kuya. Pwede tayong magpatulong sa kanya."
"Huminto na nga sa pagmomodel ang kuya mo. Wala na ngang trabaho iyon," sagot naman niya at napahilamos na lang ako. "Ano bang desisyon mo?"
"Mom, please 'wag mo munang isara itong boutique. Baka may mga paparating pa tayong customers." Iniisip ko kasi na kung isasara ito ay mahihirapan kaming kukuha ng customers if ever bubuksan namin ito ulit. "Maghahanap po ako ng trabaho at magsa-side line rin po ako. I'm sure may magkakagusto naman po sa mga designs ko na ina-upload online," sabi ko pero hindi sumagot si mommy sa halip ay hinihilot-hilot niya lang ang kanyang sintindo.
YOU ARE READING
Bloom After The Dark
RandomCOMPLETED Ysabella Hazel Castro. A.K.A The Love Explorer. Nabigo, umasa, umibig muli. Hoping for an endless love. She's a woman who always choose to be strong. Madaming beses siyang nadapa, binigo, pero still wants to stand again and fight the battl...
