CHAPTER 5

776 19 0
                                    

Chapter 5

Isang linggo ang lumipas at balak ko ngayon maggrocery dahil nauubusan na kami ng stock dito.

Wala naman siyang angal kung ako ang mamimili. Nagsabi naman ako sa kaniya na maggogrocery ako kaya inabot na lang niya sa aking ang black card niya. 

Lumabas na ako ng gate ng short at jacket lang ang suot. Magtataxi na lang siguro ako, sino ba naman ako para gumamit ng sandamakmak na kotse niya?

Nagbayad na ako at lumabas na. I'm currently here at the mall para all in one na.

Mas una kong pinuntahan ang supermarket at namili ng mga kakailanganin.

Kahit ano na lang ang pinaglalagay ko sa cart ko dahil hindi naman pera ko ang gamit. Nakatatlong malalaking cart ako kaya kailangan ko na talaga ng isang assistant.

I'm busy scanning the nutrition facts of the cereal that I am holding when someone's tapped my back.

Nilingon ko ito at hindi na naman ako nasupresa ng makitang si Caleb ang bumungad sa akin.

"Hey Avisa Ysabelle" umirap ako sa kaniya at hindi siya pinansin.

"Oh you're ignoring me. Why are you here?" hindi ko alam na ang matatalino pala ay nagiging bobo din.

"Obviously, namimili. Ano ba dapat ginagawa ko?" nakakairita itong lalaking toh. Buti na lang isang cart na lang ang dala ko at pinapila ko na yung dalawa sa assistant kundi baka binundol ko na siya.

"Ano ba nga dapat? Wearing bikini habang nagsiswimming or bumibili ng bikini para may bagong size?" Dahil sa irita ko ay tinalikuran ko na lang siya at nagpunta sa sanitary pads section.

Naghahanap ako ng magandang pad dito na pwedeng saluhin lahat ng dugo incase suntukin ko ang mukha ng lalaking kanina pang sumusunod sa akin.

"Woah, you're having mens? Hindi ka ba binubuntis ni Tiangson?"

"Halikan nga ako eh hindi niya magawa, bayuhin pa kaya ako." Aware naman si Caleb sa sitwasyon namin ni Wonu kaya hindi ko na kailangan pang itago sa kaniya ang anuman sa relasyon namin.

"Then, I insist" he smiled from ear to ear.

"Nanggagago ka ba Mr. Batumbakal?" tiningnan ko ito ng masama.

Hindi ako natutuwa sa pinagsasabi niya. Nilagay ko ang napili kong napkin sa aking cart at tiningnan siya.

"What if I'm not, Mrs. Tiangson? What will you gonna do?" Lumapit ang mukha niya sa akin kaya hindi ako nagdalawang isip na tuhudin ang kaniyang kaibigan.

"AAAAA FVCK. OUCH MY BABY" impit niya, nagtinginan ang mga tao sa kaniya. Nahiya akong kakilala siya kaya umalis na ako sa tapat niya.

"How would I supposed to impregnate you?" sigaw pa niya.

POKINGINANG LALAKING TOH.

Pinagsigawan ba naman niya na bubuntisin ako, as if naman na magpapabuntis ako sa kaniya.

Pumunta na ako sa counter at nakitang pinapunch na ito ng cashier habang ang assistant naman na ibinigay sa akin ay nilalagay ang mga pinamili ko sa table.

Natapos na ang pagpupunch. "Do you have any additional ma'am?" the cashier smiled at me.

"Uhm three packs of Marlboro Gold please" 

"Okay ma'am, wait lang po" 

Nagbayad na ako at ipinahabilin muna ang aking pinamili sa kanilang store. Safe naman sa kanila.

Magshoshopping muna ako at mag uunwind. Jusko nastress yata ang buong pagkatao ko dahil kay Caleb lalong-lalo na sa asawa ko.

Nagpunta ako sa Girls Boutique at bumili ng mga gusto ko. 

Pinicturan ko ang extra black card ni Wonu at ibinackground ang mall. Balak kong ipost ito sa ig ko with close friends. Tinakluban ko naman ang dapat takluban sa blackcard.

'He loves to spoil me'

Kunware na lang na ganan, wala akong magandang pangcaption eh.

Itinago ko na ang phone ko at nagsimula ng mamili.

Lumipas ang ilang oras at umuwi na din ako, hapon na din kasi. Nagtaxi na lang ako at sinabi sa driver na ipasok ang sasakyan niya sa gate dahil hindi ko keri kung sa labas ng gate niya iiwan ang mga pinamili ko.

"Thank you ma'am" nagpasalamat din ako sa kaniya. Nakaalis na siguro ang kaniyang taxi kaya naman pumunta ako sa gate para saraduhan ito.

Kumuha na kaya ako ng guard? or magsabi na talaga ako kay Wonu na baguhin ang gate.

Nakabalik naman agad ako sa tapat ng bahay at inisa-isang bitbitin ang mga box papasok.

Iniwan ko talaga ang malaking kahon na mabibigat, hindi ko yun kayang dalhin noh. Sabihan ko na lang siguro mamaya si Wonu, sana naman alam niyang hindi ko yun kayang dalhin.

Inilagay ko na ang iba sa mga cabinet at fridge. Nagluto na din ako ng dinner naming dalawa.

Nauna akong kumain dahil alam kong hindi naman siya papayag kung magkasama kaming kakain.

Narinig ko ang doorbell kaya naman tatakbo ako papunta sa gate para pagbuksan siya.

Hanggang sa makapark siya ay sinundan ko lang siya, lumabas na din ito ng sasakyan at walang sabi-sabing pumasok sa bahay, hindi pa ito tuluyang nakakapasok ng pinto eh inunahan ko agad ito at humarang sa kaniya.

Kaya nagsimula na namang mangunot ang noo niya.

"get out of my way, woman" I sighed.

"Wonu, pwede bang pabuhat neto sa loob?" at ninguso ang kahon sa gilid. 

Tumingin ito doon at bago humarap sa akin.

"Do it yourself" at nilampasan na ako.

"Huy Wonu, kasing laki ba naman kasi ng balikbayan box ang mga kahon, hindi ko yan kaya" sinundan ko siya.

"Make a way" ang cold ng boses niya.

"Seriously? sa liit kong ito, pagbubuhatin moko non? hinintay nga kita para ipabuhat eh. Pati groceries naman yan, may benipisyo ka din" tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.

"So, inuutusan mo ako?" hindi ba halata?

"yun lang naman eh-" naputol na naman ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.

"Then do it yourself, hindi na nga ako umalma ng bumili ka din ng mga luho mo gamit ang pera ko tapos ipapabuhat mo pa sa akin? how dare you!"

Sumakit ang ulo ko sa sinabi niya, nakalimutan kong nakikita pala niya sa phone niya ang record ng blackcard nito.

Hindi ako nakaimik. Pero kasi totoo ang sinabi niya na ginamit ko ang pera niya para bumili ng gusto ko.

"Hindi ka lang pala desperada, gold digger ka din pala" at tinalikuran ako.

"edi ibawas mo sa pera ko sayo, yung mga binigay nila sa akin na pera nung kinasal tayo. Ngayon ko lang ginamit yan sa mga luho ko"sinigawan ko din siya at nagkamali ako sa ginawa ko dahil lumapit itong galit sa akin at tsaka hinawakan ng madiin ang panga ko.



Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon