Chapter 42

1.3K 25 8
                                    

Chapter 42

This man really got into my nerves, sabi ko na nga ba at guguluhin niya na naman ako. Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko na siyang minura sa isipan ko.

"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang trabaho sa opisina mo?" halata na sa boses ko ang inis sa kaniya.

"I'm the C.E.O, this is also my project and..." lumapit ang mukha niya sa akin. "This is my responsibility."

Itinulak ko siya kaya naman kinilabutan ako ng hawakan ko ang kaniyang dibdib.

"Alam ko at hindi ako tanga para hindi yun malaman. Pero araw-araw? Required bang icheck mo ang site araw-araw?" hindi ko namalayan ang pagtaas ng boses ko sa kaniya kaya ang ibang trabahador ay napatingin sa gawi namin.

"Yes, ang icheck ka araw-araw." he calmly said.

His audacity to stay calm and relaxed while me? I'm stressed of his appearance.

"Icheck ako araw-araw? Ano ba tingin mo sa'kin? Bobong engineer? Hindi maalam? Edi sana ibang engineer na lang ang kinuha niyo."

Tinalikuran ko siya at tinanggal ang hard hat na nakasuot ngayon sa'kin.

Ayos lang kung andito siya araw-araw pero huwag namang mayat-mayay ako'y kinukulit, ang dami pa niyang tanong, hindi siya nauubusan. Magaling sana kung yung mga tanong niya ay related sa building na tinatayo eh hindi! Puro na lang 'kung kumain ka na, pagod ka na ba, pahinga ka muna.'

Sinong matutuwa doon diba? Tas nagrereklamo pa siya kanina kung bakit daw ang init-init ng ulo ko sa kaniya, eh sino bang may dahilan? Diba siya!

Umupo na lang ako dito sa tent na tinayo nila na mejo may kalayuan sa site. Tanaw na tanaw mo dito ang malinis na dagat dahil nasa tabihan lang ito nakatayo. Masarap sanang lumangoy ngayon kaso tingkad naman ang init.

Kumuha ako ng buko juice mula sa cooler at ininom ito.

Dumaloy ang malamig na masarap na sabaw ng buko sa aking lalamunan.

"Haay, now I found my peace." sinandal ko ang aking likod sa sandalan ng aking inuupuan bago pinagkrus ang aking hita.

Sana ganito na lang lagi, malayo sa mga taong magugulo!

"Hey, sit down properly. I can see your black undies here."

Napabalikwas ako sa nagsalita. "Aba't! Cycling toh noh. Manyakis ka lang." sigaw ko sa kaniya.

Umupo na lang ako ng ayos, parang kanina lang ang tahimik ng buhay ko dito, hindi talaga ako tinatantanan ng problema.

Umupo siya malapit sa akin at hindi na naman ako tinatantanan at ibinaba ang skirt ko.

Tinampal ko ang kamay niya na nasa hita ko. "Stop touching me."

Ngumiwi lang siya sa akin at isinandal ang kaniyang ulo sa braso niyang nakataas din.

My day went very bad dahil sa isang ulupong na walang ibang ginawa kundi ang kulitin ako buong araw, I swear hindi na talaga ako magpapakita sa kaniya.

Ano pa bang gusto niya? Ginulo na niya ako noon at hinding-hindi na ako makakapayag pang muling makapasok siya sa aking buhay. I have Caleb, and all he can do was to respect my relationship with his friend.

Mahirap bang intindihin iyon? I'm currently face timing with Caleb pagkagaling ko sa work.

Nagusap lang kami ng konti dahil nagpaalam na siya sa akin. I understand him naman since galing din siya sa work and probably he needs some rest like me.

Gabi na ngayon at nagpapahinga ako sa balcony, I need some air to refresh my mind. Andami ng nangyare simula ng lumipat ako dito sa Manila kaya nahihirapan ako isink-in lahat-lahat.

Hindi ko alam ang ginagawa ko ngunit nakita ko na lamang ang sarili ko na sinisindihan ang sigarilyong nasa tabihan ko.

I don't want to get back on this hobby again, but life pushing me to do this. This is only my therapy kapag ako lang mag-isa.

Natutulungan ako neto makapag-isip ng mas malalim at maayos. I just need this to sink all the happenings in my life recently.

Nakatuon ang mga braso ko sa railings ng balcony at tahimik na hinihithit ang sigarilyo habang nakatingin sa citylights dito sa Manila. 

Binabalikan ko yung mga panahon na sobra akong nasira, iniisip kung paano ko iyon lahat nagawa?

Minsan may nagtanong sa'kin.
"Ang lakas mo, paano mo kinaya?"

Napaisip ako bigla, paano ko nga ba kinaya? Sumuko naman ako ngunit iba ang naging resulta.

Hindi...kasi magkaiba ang pagsuko sa pagtanggap.

Tinanggap ko na lang, kasi wala naman na akong magagawa. Para saan pa't sumuko, edi alam mo talaga sa sarili mong talunan ka.

*

Umaga na naman at nandito ako ngayon sa office ko na tinutuluyan, hindi ko naman regular na bibisitahin ang site dahil paghalo pa naman ng semento ang kanilang ginagawa. Kakababa ko lang ng cellphone matapos kong kausapin si Jeon, konting araw na lang at makakauwi na naman ako sa Batangas.

"Hey, have you eaten?" napabaling ang mukha ko sa taong pumasok sa pinto bago ko siya tiningnan.

"It's not your responsibility to ask me that question, but yes" ayoko namang masira ng kay-aga ang araw ko dahil sa kaniya, kaya nakisama na ako.

"Uhm okay"

I've been tapping my keyboard for like three minutes kahit wala naman talaga akong naiintindihan sa tinatype ko. It's just to prevent some awkwardness between us.

"I think you're working? But, mind if I ask you to go on a coffee date?"

Napatigil ako sa aking ginagawa kaya nakaangat ang aking mga daliri. I think there's no malice to have a coffee date with him, he's the CEO anyway.

At isa pa, dito lang naman sa company at sobra ko namang bastos kung tatanggihan ko siya. "Sure."

I saw how his face lift up to happy one unlike kanina na pale siyang tingnan.

"What's with you? Bakit ang bait mo ngayon?"

So ganun, kapag nagmamataray ako sa kaniya sasabihin niyang ang taray-taray ko, ngayon namang trying hard akong magbaitbaitan ngayon may masasabi parin siya. Ano ba talaga gusto niya?

"So ayaw mo? Okay then, you may leave now." I sarcastically smiled at him.

"Uh no, sunduin kita mamaya. See you later, pretty" he winked at me.

At grabe yung epekto ng kindat niyang yun, nag-init buong mukha ko.

"Ugh, ang hina naman ng aircon." pinaypayan ko ang sarili para mawala ang naramdaman kong iyon.

Shit what have you done, Tiangson?

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon