Chapter 26
"Bakit mo ako sinundo ngayon?" tanong ko sa lalaking nagmamaneho ngayon.
"Napadaan lang talaga ako vebs" inirapan ko siya sa maayos na sagot niya.
Napaka talaga.
"Yung seryoso, Mr. Batumbakal"
"Joke lang, nagpaload lang talaga ako diyan sa malapit na tindahan eh nagkataong doon lang may bakanteng parkingan"
Hindi ba siya aayos? Hindi na ako nagtanong dahil tiyak na wala akong makukuhang maayos na sagot mula sa kaniya.
Bakit kasi ayaw pang sabihing sinundo ako? Siya lang naman ang sinabihan ko na kakain kaming dalawa ni Nathan sa resto na iyon.
"Si Jeon? Sinong kasama niya?" I asked in the middle of silence.
"Si Kuya Caden" kapatid ni Caleb.
Nakilala ko ang pamilya niya nung simulang malaman nila na may anak si Caleb sa akin which is wrong. Kinuwento ko naman lahat sa kanila at dahil sobrang bait nila ay tinanggap nila ang anak ko.
"Uh nakakahiya kay Kuya Caden, bakit hindi mo na lang sinama?"
"Don't worry, andon din anak niya. Goods na nga yon eh, may kalaro anak natin"
I smiled. This man really set the standard so high.
Bakit ang greenflag mo Caleb?
Kung may pagkakataon nga na una ko pang nakilala si Caleb, siguro dito ako
nahulog. Naalala ko bigla ang tinanong sa akin ni Nathan kanina.
Nanliligaw ba nga sa akin si Caleb? Hindi ko din alam nga eh. Hindi ko alam ang current status naming dalawa. Siguro less lovers but more than friends?
Nahihiya naman akong magtanong sa kaniya, baka isipin niyang ang assuming ko naman. Ang hirap lang kasi talaga nga magassume. Kung friendly way yung pakikitungo niya or more than pa doon.
"San mo gusto pumunta?" He asked me.
Napalingon ako sa kaniya. Alas kwarto ngayon ng hapon at may balak pa ba siyang gumala?
"Iniwan mo na naman ba ang trabaho mo Caleb?"
"Maano kung iwan ko man? Hindi naman nun ako sinusundan" inirapan ko siya." Bakit ba ang hilig mong umirap? Gusto mo ba pataasin ko yan?"
" Anong papataasin? "
Tumawa siya at hindi nagsalita.
" Papataasin sa sarap" narinig ko pang bumulong siya kaya naman hinampas ko agad siya sa braso.
" Kala mo hindi ko rinig yon? " He just chuckled.
" So, saan mo nga gusto? Mag unwind ka muna"
Saan ba maganda?
"Di ko din alam eh"
"Calatagan, want mo?"
Napalaki ang mata ko sa suhestyon niya.
"Okay ka lang ba? Mag-five na oh. Alam mong dulo ng Batangas ang Calatagan"
Nasa Batangas City kami ngayon! At sa Manila naninirahan si Caleb dahil doon malapit ang kompanya nila.
" Oh ano naman? Alam mo namang racer tong bebe mo. Wala pang alas sais nandoon na tayo"
Ang yabang-yabang niya talaga. Pero gustong-gusto ko naman na ganon siya hays.
"No, wag don. At isa pa hindi natin kasama si Jeon. Uwian na lang natin siya"
"Ay nasa bahay yon nila Kuya"
" What? Bakit di mo sinabi sakin?" Okay lang naman kung nandoon dahil sanay na din naman ako na dinadala nila si Jeon sa bahay nila kaso hindi naman ako nainform na dinala pala nila ngayon.
" Nakalimutan kong sabihin sayo kanina. Baka bukas na din daw ng umaga yung iuwi ni Kuya, magliligalig si Jayden kung ganon"
Cute lang din ng pagkakaibigan ng anak ni kuya Caden at ni Jeon. Sobrang close nila.
"Wag ka na magalala mahal. Safe naman don si totoy" nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa legs ko.
Nakaskirt pa naman ako! Naramdaman ko tuloy ang kamay niya sa legs ko. Nakakakiliti.
"Ang dami mong tawag sa akin, ilan ba babae mo?"
"Only one you babybabe" umirap ako sa kaniya at hinayaan na lang na paglaruan niya ang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay hawak ang manibela.
"So san tayo? Doon na lang sa Calatagan? Uwi din tayo agad"
Sumang-ayon na lang ako sa kaniya. Hindi na naman siguro kailangan magdala ng damit dahil saglit lang siguro kami doon.
Habang sinusuyod namin ang dulo ng Batangas ay nakatulog ako.
Nagising lang ako nung naramdaman kong hinahalikan ni Caleb ang buong mukha ko. Exception yung lips ha!
Minulat ko ang mata ko at nakitang kaharap ko ngayon si Caleb. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Tagal mong gumising, siguro na-enjoy mo yung paghalik ko sa'yo" bulong niya.
Dahil malapit lang ang mukha namin parehas ay ramdam ko ang mabangong hininga niya.
Grabe! Anong toothpaste gamit neto? Everlasting eh.
"Yabang mo Batumbakal, hindi mo iyan ikakapogi"
Gustong-gusto ko ang posisyon namin ngayon, ewan ko ba. Tagal ko na ding tinamaan sa lalaki na ito eh.
"Tara na? Andito na tayo. Baka mamaya patulan mo na halik ko" inirapan ko siya.
Nagnakaw pa ito ng halik sa tungki ng ilong ko bago siya lumayo at inalis ang seatbelt sa akin.
Nang makababa na kaming dalawa sa sasakyan niya ay nakaangkla ang kamay ko sa braso niya.
Pagkatapos ng nangyari sa akin noon. I fucking deserve this!!
"What do you want for dinner?" tanong niya sa akin nang makaupo na kami sa mga upuan dito sa loob ng resto.
"Anything, you choose"
Lumingon ako kapaligiran. Open air ito kaya naman malamig ngayon ang simoy ng hangin. Malapit din kami sa dagat.
Nandito kami ngayon sa Lago de Oro, ang pinakasikat na resort sa Calatagan.
"Are we staying here for tonight?" tanong ko sa kaniya nang makatapos na siya sa pagorder.
"If you want or kung ayaw mo ay pwede naman tayong umuwi ng madaling araw"
"You can drive?"
"Yes I am" he smiled at me.
"No, kahit here na lang tayo matulog. It's dangerous"
"Alright, ikaw boss eh" nagtawanan lang kaming dalawa.
Hindi na ako pumayag na umuwi pa kami ngayon dahil gabi na at malayo pa ang amin. Delikado naman kung magddrive siya ng madilim.
Alam ko namang kaya niya, pero mas iniisip ko parin ang kaligtasan naming dalawa.
Habang hinihintay namin ang pagkain ay nagkwentuhan lang kami at minsan ay nagpipicture. Maganda talaga dito! Pang IG.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RomanceI thought marriage would be beautiful. Akala ko sapat na ang pagmamahal ko para sa aming dalawa. Akala ko kapag pinili mo ang isang tao araw-araw, matututunan ka rin niyang piliin. But I was wrong. He never looked at me the way I looked at him. He...
