Chapter 28

1K 29 3
                                    

Chapter 28

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Kuya Caden, dito na din kami dumiretso ni Caleb para sunduin si Jeon.

"Mommy" salubong sa akin ng anak ko ng makita niya ako sa pinto.

"I miss you baby" lumuhod ako at pinantayan siya.

"I miss you too mommy, where's Daddy Caleb?"

Ako yung nandito pero iba ang hinahanap.

"Kausap lang si Tito Caden mo" binuhat ko siya at dinala sa may sala kung saan siya nakaupo kanina.

"Mommy wala ako kagabi. Sino kasama mo sa house?"

"Ako baby" saad ng lalaking kakapasok lang.

" Daddy Caleb" bumaba siya mula sa pagkakalong ko at tumakbo sa kaniyang ama-amahan.

Binuhat naman nito si Jeon at pinupugan ng halik.

" Kumusta ka dito? Nakakalamang na ako sayo bunso. Tabi kami ni mommy kagabi" napairap ako ng wala sa oras.

" Daddy Caleb, you're still hitting on my mom"

" Eh sadya, patay na patay ako sa mommy mo eh"

Hinayaan ko silang magbiruan doon.

"Huy Ysabelle, hiniram ko anak mo" napatawa ako sa pagbati niya bago binesohan siya.

" Jusko naman, parang iba ka naman sa akin" nakabiruan ko pa ang asawa ni Kuya Caden.

Hindi din naman kami nagtagal dito at umalis na din kami.

Nasa bahay na din kami at nagpaalam na sa amin si Caleb na papasok na siya sa trabaho sa Manila.

"Bye Mahal, take care of Jeon and yourself ha" he kissed me on my forehead.

"You too, ingat" niyakap ko siya ng mahigpit bago siya umalis.

Same company sila ni Wonu kaya namang pinipigilan ko ang sarili ko na sumama kami sa kaniya. Nagtatayo sila ng business around the country kaya sobrang yaman na talaga nilang dalawa.

Ako naman ay nagpapahinga muna habang wala pa akong project na natatanggap. I should spend my time with my son.

Kaya naman inaya ko siyang magmall kami dahil wala naman kaming gagawin sa bahay, wala din naman siyang pasok ngayon.

We spend our day with each other. Namili din kami ng bagong toys niya at mga educational books.

Nagwiwithdraw ako ngayon kaya naman sinabihan ko si Jeon na dito muna siya sa tabi ko.

"Wait mo si mommy ha" binitawan ko ang kamay niya bago nag-tap sa
machine.

Hinintay kong ilabas ng makina ang pera at ng lumabas na ito ay sinilid ko na ang card ko at pera sa aking bag.

Nang hahawakan ko ang kamay ni Jeon ay nagulat ako ng wala ito sa tabi ko.

Bigla akong kinabahan at hinanap siya.

"Jeon?" kahit mukha akong tangang naghahanap sa kaniya ay wala akong pakealam!

Kailangan kong mahanap ang anak ko.

Naipagtanong ko na din sa ibang staff dito kung may nakita silang bata na naka blue polo ngunit wala daw.

Lagot ako sa ama niya!

"Aish" kinuha ko ang cellphone sa bag at dali-daling tinawagan si Nathan.

Hindi ko sasabihin kay Caleb dahil baka bigla itong umuwi sa Batangas ng wala sa oras.

Habang nagriring ang cellphone ko ay may bigla akong natanaw na lalaki.

Nagulat ako at muntik ko ng mabitawan ang cellphone na hawak ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. Siya iyon. Kilala ko ang tindig niya.

Langya ni Nathan, ayaw sagutin!

Kinabahan ako sa bigla aking naisip.

Posible kayang magkita sila? Nagkataon pang nawawala si Jeon.

Jusko! Huwag naman sana. Mapuputulan ko talaga siya ng ari!

Nang makita ko itong haharap sa pwesto ko ay bigla akong tumalikod at naglakad pasalungat sa kaniya.

Kailangan kong hanapin ang anak ko, hindi na siya mahalaga. Pinatay ko na din ang tawag kay Nathan dahil mukhang walang balak itong sagutin or may ginagawa lang.

Pumunta ako sa arcade at nagbabakasaling naririto siya. Ngunit nalibot ko na yata ang buong sulok nito ay hindi ko parin siya makita.

Jusko anak, nasan ka na?

Hindi parin mawala sa isip ko na baka nagkita sila. Teka, hindi naman sila magkilala.

Isinawalang bahala ko na lang ito at naglakad-lakad pa habang nililingon ang bawat nadadaanan ko.

Nakita ko ang matipunong likod niya habang bumibili ito ng ice cream. Kaya naman naglakad ako palayo sa kaniya.

Ano ba, bakit ako kinakabahan. In fact, dapat hindi na diba.

Tumaas ako sa second floor at doon naglibot-libot. At ng hindi ko siya makita ay nagpahinga ako saglit sa bench dito.

Jusko anak, nasan ka na.

Pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking mata.

"Mommy" inangat ko ang ulo ko at nakita ang anak kong matagal ko ng hinahanap.

"Anak, saan ka ba nanggaling? Sabi ko sayo hintayin mo ako diba?" niyakap ko siya at binuhat.

Napalingon ako sa likod ng aking anak ng makita ulit ang likod niyang naglalakad palayo sa amin.

Siya ang nagdala kay Jeon? No, please no.

" Mommy sorry, hinabol ko po kasi yung mascot na nakita ko. Hanggang sa nawala na po ikaw"

Ikaw yung nawala anak, hindi ako.

" Huwag mo ng gagawin yun ha, kanina pa si mommy naghahanap sayo" ibinaba ko na siya at naglakad na para umalis sa Mall.

Nandito na kami ngayon sa bahay at pinapalitan ko siya ngayon ng damit.

Hinubad ko ang polo niyang suot ng may mapansin ako na mantsa sa bandang dibdib ng polo niya.

Hinawakan ko ito at hinaplos.

Wala naman ito kanina ah?

Inamoy ko ito at nanlaki talaga ang mata ko sa naamoy.

Bakit may ice cream na mantsa siya?

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon