Chapter 37

980 28 7
                                    

Chapter 37


Nandito na ako ngayon sa condo ni Caleb at nagluluto para sa gabihan namin mamaya, wala parin kasi siya. Hindi ko alam kung saan na siya sumuot. Tinawagan ko na din siya nung pagkauwi ko kaso unattended.

Habang hinihintay kong bumulak ang adobong niluluto ko ay naalala ko na naman ang naging sumbatan namin ni Wonu.

Binitawan na niya ang kamay ko at hinarap. Kaya naman pala walang umiilaw na sasakyan sa parking lot. Dito pala nakaparking sa VIP. Alam ko bang may ganito dito?

"Sa susunod, makinig ka muna sa kin bago ka ngumawa" naasar ako bigla sa sinabi niya.

" So ako yung hindi nakikinig? Kasalanan ko na naman ba? Edi sana hinayaan mo ako doon hindi yung tutulong ka na nga lang may kasama pang sumbat. Ako na ang mali, lagi naman diba?"

Tila umakyat ang dugo ko dahil sa narinig sa kaniya. Bakit ba ang hilig niyang manumbat? Hindi niya ba nailabas ang sumbat niya ng mga nakaraang taon kaya ngayong nagkita kami ay binuhos niya ngayon?

" Saan don ang sumbat? Hindi kita sinusumbatan" kalmado lang ang mukha niya na parang nanenermon lang ng batang maliit samantala ako itong parang mambubuga ng apoy sa galit.

" Jusko naman Tiangson, para namang hindi mo yan gawain noon."

"Alam ko, bakit mo ba inuungkat pa ang nakaraan? Nagsisisi na nga ako."

"Nagsisisi? Saan? Saan ka nagsisisi? Sa pananakit mo sa akin o sa pagaangkin mo sa akin?"

Hindi ko sinasadyang mabanggit ang huling sinabi ko, sadyang hindi ko makontrol ang aking emosyon dahil nadadala ako sa galit.

" It's not the right time para sumagot ako sayo. Tsaka na lang natin ito pag-usapan kapag malamig na yang ulo mo." akmang hahawakan niya muli ako sa braso para igaya ako sa kotse.

Tinapik ko ang braso niya. "Hindi, bakit hindi ngayon? Nagiisip ka ba ng paraan para mabilog muli ako? Kaya ba ako ang ipinalit mo kay Nathan para magkrus ulit ang landas nating dalawa na limang taon ko ng iniiwasan?"

Wala sa plano ko ang ungkatin ang nakaraan. Sadyang sumasagi lang sa isip ko ang mga dinanas sa kaniya noon kaya ngayon kaharap ko siya ay hindi ko maiwasang sumbatin lahat. I need answers.

Tuluyan niyang hinawakan ang dalawa kong braso. "Makinig ka sa akin. Ikaw lang ang nagiisip non. Wala akong masamang intensyon sayo. Oo, nagkamali ako noon, nasaktan kita pero hindi naman ibig sabihin non na sasaktan kita ngayon. "

Ang bilis, ang bilis umusad ng mundo. Parang kailan lang durog na durog ako, ang lalaking kinaiinisan ko na ng sobra ay makakasalamuha ko na araw-araw.

Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan ang nilulutong adobo. Malapit na ito, pauwi na din siguro siya.

Nabigla ako ng makarinig ng ilang beses na sunod-sunod na pagkakatok. Naglakad naman agad ako sa may pinto.

"Teka lang" hindi ba iyon si Caleb? Pero kung si Caleb iyan ay alam naman niya ang passcode sa dorm niya.

Binuksan ko naman agad at bumungad sa akin ang babaeng ala-alalay si Caleb na lasing. Pulang-pula pa ang lipstick nito.

Naningkit ang mata ko.

"Oh? Boyfriend mo siya miss?" nginuso niya ang gawi ni Caleb.

Tumango ako. "Ano nangyari sa kaniya?" Kinuha ko naman agad si Caleb sa kaniya, yumakap agad ito sakin.

"Kita mo namang lasing diba? Oh ayan niloloko ka ng boyfriend mo" itinuro niya si Caleb bago umalis. Ipinasok ko naman agad si Caleb at dinala sa kwarto niya upang ihiga siya.

Anong sabi niya kanina? Niloloko ako ni Caleb? Sa paanong paraan? May nangyari ba sa kanila?

Nakapamewang ako harap ni Caleb. Nakahiga ang kalhati ng katawan niya habang ang binti naman niya ay nakalawit sa kama.

Hindi ako matali sa sinabi nung babae. Halata namang may ginawa sila, sa paghatid pa lang niya kay Caleb na lasing na lasing at sa magulo niyang lipstick ay hindi na kataka-taka.

I exhaled. A deep exhale.

Lumapit ako sa pwesto ni Caleb at umupo sa bandang tiyan at tumungo sa kaniya. Tinitigan ko ang labi niya.

Nagiinit ang sulok ng mata ko ng mapansing may lipstick ang labi niya. Eto ang ayaw ko eh.

Hindi, papakinggan ko ang explanation niya.

Tinanggalan ko ang butones ng kanyang puting polo na suot. Umalis siya kanina na naka-coat pa ngunit ngayon ay hindi niya ito suot.

Pababa nang pababa ang pagtanggal ko sa butones ay palawak din ng palawak ang pagkabukas ng kaniyang polo.

Kaya kitang-kita mo ang kaniyang tattoo na may bahid ng lipstick sa bawat gilid nito. Tuluyan na akong umiyak sa aking nakita.

Punong-puno ng bahid ng lipstick ang kaniyang katawan. Ni kahit sa abs ay pinapak ng hayop na babaeng iyon.

Umalis ako sa pagkapatong sa kaniya at tinungo ang kusina. Pinatay ko muna ang kalan bago ko pinunasan ang aking iyak.

Kala ko siya na, bakit may sabit pa? Hindi ko alam kung bibigyan pa niya ako ng eksplanasyon sa nangyari ngunit dahil lasing na lasing siya ay napakalabong maalala niya lahat ng mangyari.

Is the girl tried to rape him? Or they both do that willingly? Kung iisipin ko ang pangalawa ay nadudurog na muli ang puso ko.

Sumubok muli ako pero mukhang wala na talaga. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

*

"Good morning love" bungad sa akin ni Caleb, he tried to kiss me kaso umiwas ako at tumalikod, kunwaring may hinahanap.

Kunwari hindi ko nakita, kunwari lang muna sana ang lahat.

"Good morning, yung breakfast mo nasa lamesa" ngumiti ako sa kaniya ng pilit habang sinusuklay ang aking basang buhok.

"Oh I'm late shocks. Mauna ka na ba pumasok?" Lumapit siya sa akin.

Nakita ko ang damit niyang sinuot ko sa kaniya kagabi at ang kaniyang pants na sinuot ko din. Lahat hinubad ko sa kaniya at pinunasan muna bago ko siya suotan ulit. I need to clean him, nadumihan kasi.

"Uhm" kinuha ko na ang bag ko at isinakbit sa balikat ko. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

"Mauna na ako, bye." hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at tumalikod na sa kaniya para umalis.

Explanasyon ang inaasahan kong ibubungad niya sa akin ngunit batid kong hindi niya natatandaan lahat.



__

May baho din pala si caleb HAHAHAHAH.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon