Chapter 32

1K 30 9
                                    

Chapter 32

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulan ang ginagawa. I've been busy since Caleb went to Manila for his work.

Ang Isang linggo ni Caleb sa amin ay naging pahinga ko na din, gumala kami kasama si Jeon sa iba't ibang lugar na pwedeng puntahan. Wala kaming inaksayang oras na hindi kami nagsasaya. Bumisita din kami ng isang beses kay Nathan sa hospital sa Manila.

Ilang buwan na din ang nakalipas pero hindi parin siya nagigising. Ang dami niyang trabaho na naiwan kaya naman naghahanap sila ng pansamantalang kapalit habang hindi pa siya nagigising.

"Engr. Fiero, may dumating pong letter na nakapangalan sayo" napatingin ako sa sekretaryang pumasok sa office ko.

"Oh, thanks" inabot ko ang sulat at inilapag muna iyon sa tabi, mamaya ko na lang bubuksan.

Wala naman akong ineexpect na sulat, pero meron akong natanggap. Hindi naman siya basta sulat, parang padala ito ng kompanya.

Bakit hindi na lang sila nag-email? Napakaespesyal ko naman at pinadalhan pa ako.

Hindi na ako nakatiis kaya naman binuksan ko na ito. Nagsimula na akong basahin.

Nangunot ang noo ko sa mabasang nirerequest nila na ako ang pumalit sa trabaho ni Nathan. What?

So ibig ba nitong sabihin ay magtatrabaho ako sa kompanya nila Caleb? Goods naman dahil makakasama ko siya ngunit masyadong malayo, hindi naman puwedeng tumigil kami ni Jeon doon dahil paano na lang ang pagaaral niya?

Pati andon si Wonu, hindi ko na lang alam ang mangyayari sa akin kung makita ko man siya at makasama ng matagal.

I will declined their offer.

Nag-email naman agad ako sa kanilang kompanya bilang sagot ko. Madami pa namang mas magaling sa akin na Engineer.

*

"Really? Bakit mo tinanggihan ang offer nila? Laki kaya ng benefit mo doon" bulantang ni Felix sa akin ng sabihin ko sa kaniya na hindi ko tinanggap ang offer nila.

"Malayo kasi pati..." napatigil ako.

Hindi ko na din siguro sasabihin sa kaniya ang tunay na rason kung bakit ko tinanggihan.

"Pati ano?" kumain muna siya ng Belgian waffle bago siya humarap muli sa akin.

"Ayokong iwan si Jeon dito, maganda na din kasi dito dahil nauuwian ko siya" sabay kagat din sa waffle.

"Ayaw mong isama? Pwede mo naman siya doon na lang pag-aralin" may point siya kaso ayoko parin.

Ayoko ng magkrus ang landas naming dalawa.

"Pati tulong mo na din yun kay Nathan, alam mo naman na kaibigan ka niya. Sa iyo lang siya nagtitiwala na salitan muna siya sa trabaho"

Napatigil ako sa sinabi niya. Nagdalawang isip na tuloy ako na iaccept ang kanilang offer. Tulong ko na din nga iyon kay Nathan. Pati, for sure naman na andon si Caleb para asikasuhin din ako.

"Si Jeon?" nababahala pa din ako sa anak ko.

He shrugged. "Ikaw na bahala magdesisyon sa anak mo or kay Caleb muna."

May trabaho din si Caleb sa Manila pati mas mabigat ang trabaho niya kesa sa akin. Siguro tatawagan ko siya mamaya para magdesisyon kami parehas.

Nasa Mall pala kami ngayon parehas ni Felix, may kinita kasi kaming kliyente kanina tapos ngayon ay nabanggit ko na din yung offer nila, kaya baka hindi na ako makasama kay Felix sa project.

Gusto ko din namang tulungan si Nathan, at alam ko na ang baklitang iyon ay hindi basta-basta nagtitiwala sa hindi niya kilala.

*

"Caleb, kasi alam mo naman diba yung nakaraan ko?" ungot ko sa lalaking kausap ko sa messenger.

"Oh ano naman kung ganon? Huwag mong sabihing hindi ka parin nakakamove-on sa nakaraan mo?"

"Hindi naman sa ganon, pero kasi ang hirap... Basta ang hirap"

Napakahina ko naman siguro, simpleng desisyon lang hindi ko pa magawa. Pero kasi sa sitwasyon ko ngayon mahirap ang desiyon.

"Ako bahala sa inyo, okay? Si Jeon naman kahit iwan mo muna natin kay Kuya, patapos na din naman ang school year eh dito na natin itatransfer kung sakali"

I just nodded, may tiwala naman ako sa kaniya.

"Nakausap mo na ba si Ate Jill?"

"Yup, sobra ngang natuwa eh. Kahit wag na daw natin itransfer dito sa Manila"

"Nakakahiya din naman sa kanila"

Matagal pa ang naging paguusap namin ni Caleb. Sinabi na din niya na pumayag ako sa offer. Baka bukas na din nga ako magsimula dahil ang tagal ng nakatambak ng ginagawa doon.

Nagimpake na din ako ng gamit ni Jeon at akin para basta na lang kukuhanin bukas.

*

"Jeon, anak. Magbabait kina Tito Caden at Tita Jill ha? uuwi naman si mommy kapag walang ginagawa. Also kay Manang Linda, she will take care of you kapag wala sila. Behave okay?" Tumango siya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I'll miss you both " niyakap niya ang maliit na braso niya sa aming dalawa ni Caleb.

Tuluyan na kaming umalis ni Caleb doon sa bahay nila Kuya Caden dahil hahapunin kami tiyak na traffic.

Isinama na din namin si Manang Linda sa pag-alaga kay Jeon para naman hindi na poproblemahin ng mag-asawa.

"Drive thru?" lumingon ako sa kaliwa.

"Tayo?"

"Hindi. Baka sila" inirapan ko talaga siya ng sampo. "Ilang beses mo pa ba akong iirapan?"

"Tinatanong ka ng maayos kasi. Common sense love"

"Edi sana tinanong mo na lang ako ulit, dami mong problema Batumbakal!"

Nakita kong inikot niya sa may drive thru sa isang fastfood chain ang kotse.

Akmang sasabihin ko sa kaniya ang oorderin ko ng putulin niya ang pagsasalita ko. "I know your faves, no need to talk"

Okay. I zipped my mouth.

__
Lame siya guys huhu, sorry agad.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon