Chapter 41
Isang buwan ang lumipas at kakabalik ko lang galing sa Batangas. I spent my weekends with Jeon only. Inaaya ko naman si Caleb kaso hindi siya sumama dahil may mahalaga pa daw siyang ginagawa. Pabalik-balik kasi ako dito sa Manila para sa trabaho, at tanging sabado at linggo lang kami nagkakaroon ng oras kasama ang aking anak.
Minsan nga napapaisip ko na lang na dapat pala hindi ko na lang inalok ang offer nila. Simula kasi nung napalipat ako dito sa Manila ay parang nagbago ang lahat, si Caleb. Hindi niya na ako madalas tawagan, maiintindihan ko naman siya kung busy siya at kakausapin niya ako about sa schedule niya kaso wala man lang akong natanggap galing sa kaniya na excuse.
Kailangan kong kausapin siya about sa aming dalawa, I need answers.
"Ysabelle, pwede ba tayong mag-usap?" napatigil ako sa pagsipsip ng aking kape ng sumulpot mula sa aking gilid si Caleb.
May balak din akong kausapin siya kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na pumayag sa gusto niyang magkausap kami.
"Bakit?" umupo siya sa may tabi ko.
"I'll be gone for a month, may business trip ang Corp sa Cebu, doon namin imemeet ang ibang shareholders. So yah, is it okay to you?"
Naibaba ko ang aking tasa at nilingon siya. "Anong okay sa akin? May magagawa ba ako kung ayaw ko?"
Gustong-gusto ko siyang kausapin para linawin ang tunay na namamagitan ngayon sa amin, masyado akong okyupado kaya hindi ko mabuksan sa kaniya ang gumugulo sa aking isipan.
"I'm sorry, kung gusto mo naman sumama ka sa'kin?" napatawa ako sa sinabi niya.
"Seriously? Ano namang kinalaman ko doon sa business trip na yon eh hindi naman ako kasosyoso? Pati may trabaho naman ako dito."
Siguro, I'll be fine here.
"Are you sure? Kung gusto mo pwede ka magpalipat ng condo. Sa condo na tinitirhan ni Wonu?"
Why do I feel na parang pinamimigay niya ako? Lalo na at sa ex-husband ko pa. Boyfriend ko siya ngayon at sa loob ng ilang taong nagkasama kaming dalawa ay kilalang-kilala niya na ako. Alam niya ang mga ayaw at gusto ko, alam niya kung paano ko kinakahumunihan si Wonu.
Bakit parang biglang nawala ang pagiging protektado niya sa akin? Or ako lang ang nagiisip noon?
I remove that thought in my mind, kapag kasi blangko ang utak ko ngayon ay naaalala ko na naman ang naging usapan namin ni Caleb nung isang araw. Currently naglalagay ako ng tubig na mainit para sa aking dinner, tinatamad akong magluto ng heavy meals. Kakagaling ko pa naman trabaho kaya pagod ako.
Isang araw ang lumipas simula nung nakaalis si Caleb patungo sa Cebu, minsan lang siya makatawag dahil wala daw signal doon kaya naman sinabihan ko siya na huwag muna akong pagtuunan ng pansin.
Napatigil ako sa paghahalo ng noodles ko nang may kumatok sa pinto. Sino naman iyon? Ipinatong ko muna ang bowl sa lamesa bago ako nagtungo doon.
Natatakot akong buksan ito, paano kung pinaguutangan ito ni Caleb? Tapos hindi siya nakabayad kaya pinuntahan siya dito para tapusin? O kaya nakaaway niyang business man?
Huwag naman sana, unti-unti kong binuksan ang pinto at sumilip muna. Nagulat ako sa aking nakita.
Hindi niya pinagkakautangan o nakaaway man lang, kundi isang taong papangarapin kong hindi ko makita.
"Anong ginagawa mo dito? Wala dito si Caleb" iniluwa ko ang aking sarili.
Alas nueve na na ng gabi pero heto siya nanggugulo. Kung si Caleb man ang ipinunta niya dito ay tanga na siya kung ganon, alam kong alam niya na may business trip siya sa Cebu.
"I know, ikaw ang pinunta ko dito." napatingin ako sa supot niyang dala.
"At bakit? Gabi na Mr. Tiangson, don't tell me na office hour pa ito. "
Bumuntong hininga siya. "It's not, ikaw talaga ang sadya ko."
"Then anong kailangan mo sakin? Wala akong panahon sa tulad niya.
I crossed my arm and raised my left eyebrow.
" I brought some dinner for you."
Napaawang ang aking bibig. "Really? Anong tingin mo sa'kin? Hindi afford umorder? Hindi maalam magluto?"
"Uh" Luminga-linga siya sa gilid na parang naghahanap ng maisasagot.
Gago to ah.
"Actually, napadaan lang ako dito. May binisita akong kaibigan dito lang din sa building, then naalala ko na dito ka pala natigil. Saktong may dala akong pagkain." mahabang eksplanasyon niya.
Tinaas ko lang ang kilay ko, sa tingin niya ba madadala ako sa paganan-ganan niya?
"Kainin mo mag-isa mo." Akmang sasaraduhan ko na ang pinto ng iharang niya ang katawan niya doon.
"Ano ba? Iipitin kita diyan." naiinis na hamon ko sa kaniya.
Makasama ko nga lang siya sa opisina ay inis na inis na ako. Eto pa kayang nagpupumilit siyang pumasok sa condo.
"Dinalhan lang naman kita, baka kako hindi ka pa nakain kaya sa'yo na lang ito."
Ano bang pinuputok ng butchi niya? Lakas ng apog neto ah.
"Anong pakealam mo kung hindi? Ipakain mo yan sa iba, nagluto na ako."
Hindi parin siya umaalis kaya ang ginawa ko ay sinarado ko talaga, inipit ko siya ngunit masyado siyang malakas kaya napigilan niya iyon.
"Tanggapin mo na lang, sayang kasi."
"Edi kainin mo nga, wala akong pakealam."
Tuluyan na siyang nakapasok sa condo. "Sige pumasok ka, trespassing ka! Isusumbong kita."
Naglakad ako at kinuha ang aking cellphone na nakapatong lang sa table. Naramdaman ko ang presensya niya sa aking likod.
"Don't call anyone, dinala ko lang talaga ito at wala akong balak na masama sayo. Tanggapin mo na lang at aalis na din agad ako."
Nilingon ko siya. "Kung isa ito sa mga plano mong paibigin muli ako, pwes sinasabi ko na agad sayo na tigilan mo. Wala akong balak magpauto muli sa'yo, I'm done with you."
Nakita ko ang bakas ng sakit sa kaniyang mata. Wala akong pakealam kung ano man ang maging reaksyon niya, kulang pa ito sa mga pinaggagawa niya sa akin noon, nararapat lang ito sa kaniya.
"I know, pero hindi ako titigil."
Hindi ako nakagalaw ng halikan niya ang aking noo. "You should eat real foods, instant noodles is not healthy."
Ipinatong niya ang supot sa lamesa bago siya umalis. Sumulyap pa muna ito sa akin bago saraduhan ang pinto.
Napatulala ako bigla, ramdam na ramdam ko ang pagiinit ng aking pisngi.
"No, tangina niya talaga." ginulo ko ang aking buhok bago umupo.
Wala akong nagawa kundi kainin na lang ang dinala niyang pagkain, pagod ako kaya kailangan ko talaga ng nakakabusog hindi dahil gusto ko siya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RandomI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...