Chapter 2
It's already midnight, pero wala parin bakas ni Wonu. Wala yata siyang balak ilabas ako dito sa bodega. Mabuti na lang talaga ako ay kumain kundi baka nilalamayan na ako dito ng mga lamok.
Magabok dito at siguradong madaming insekto, naglatag ako ng karton dito sa may sahig at doon ako nahiga. Para akong preso dito.
I sighed, alam ko namang walang awa sa akin si Wonu. Bubuksan niya lang ang pinto kapag natripan niya lang. Pero sana naman bilang tao, maawa siya sa akin.
Hindi ako makatulog ngayon siguro dahil sa mahabang tulog ko kanina or sadyang hindi ako makatulog dito dahil pinagpipiyestahan ako ng mga lamok ngayon.
Naglibot na lang ako dito sa loob ng bodega, buti na lang may bintana ito at doon ako nakakahagip ng oxygen. Naghahanap ako ng pwedeng makutkot pero wala akong makita. Karamihan na ang nandito ay mga lumang gamit at mga hindi na kailangan na papel. Pero isa lang talaga ang nakita kong sadyang nasupresa ako.
May Gagamba!
"AAAAA" lumayo ako dito at pumunta sa pintuan at doon nagsimulang mambulabog.
Shutangina, saktan na ako ni Wonu pero yung makakita ng gagamba? Hindi ko yata yon kayang tiisin.
"WONU, GET ME OUT OF HERE!" hindi ko na pinansin ang nanakit kong mga palad.
Binalikan ko ang tingin sa gagamba at nakitang naglalakad ito palapit sa akin.
"POTANGINA, MAY GAGAMBA UHUHUH" nangiyak-ngiyak ko ng sigaw.
Ang laki pa naman ng mga paa niya jusko!
"Wonu, please ngayon lang. Awa mo na"
Ngunit parang hindi rinig ang boses ko kaya wala pang nagbubukas ng pinto.
Sumilip ako sa gagamba at nakitang may parang dala itong puti na pabilog sa kanyang pwetan.
"SHUTANGINA MANGANGANAK YUNG GAGAMBA!!" lalo na lang ako nagpanic ng makitang unti-unting naglalabasan ang mga maliit na anak nito.
"Wonu, help me. Alam ko namang may pinagsamahan tayo pero hindi ko talaga kayang tiisin yung gagamba huhu" I cried harder.
Punong-puno na ng luha ang buong mukha ko nang may magbukas ng pinto kaya naman tumakbo na agad ako ng mabilis palabas.
Tumakbo ako palapit kay Wonu.
"Wonu, may gagamba tanggalin mo" pagsusumbong ko dito, para naman akong tanga dito. Wala siyang pake, kahit ikamatay ko pa iyang gagamba na iyan ay hahayaan niya ako.
"For the fucking sake woman, alam mo bang madaling araw ngayon at dahil diyan sa matinis mong bunganga ay nagising ako? Wala ka na bang alam kundi manira? na kahit pagtulog ko gusto mong sirain? " galit na naman siya, nagsasalubong na naman kasi ang kilay nito.
Sorry dahil naabala ko yang masarap mong tulog.
"Eh hindi ko naman balak-" hindi na naman ako natapos sa sasabihin ko ng putulin ako neto.
"sasagot ka pa?" hindi ako umirap dahil baka makita niya bagkus ay bumaba na lang ang tingin ako sa sahig.
"di ko naman balak gawin yun eh, kundi lang dahil sa gagamba" kasing hina ng boses ko ang loob ko.
Speaking of gagamba baka lumabas iyon mula sa bodega kaya naman itinulak ko ang pinto para magsara ito gamit ang aking paa.
"Tsk, get out of my sight" hindi na ako umimik at dumiretso na sa aking kwarto.
Buti naman pinabayaan niya na akong pumunta sa aking kwarto kundi baka kaladkarin na naman niya ako.
Humiga ako sa aking kama at tumingin sa kisame.
Hindi talaga ako makatulog sa kadahilan ng ewan ko din. Mahaba nga talaga ang naitulog ko.
"I've been loving him for a thousand years, yet he can't give me a love just for a minute" ani ko sa aking sarili.
Mali talagang desisyon na pumayag ako sa kasal, nandito nga siya kaso bakit parang ang laki ng pagitan namin? I should give him the freedom he deserves.
Pero kasi may freedom naman siya, In fact ako itong nakakulong sa ginawa kong desisyon. Ni hindi ko magawa ang gusto ko habang siya naman ay kayang-kaya na mangaliwa.
I've never seen him brings her girls in our house. At least, he still respects me. Pati huwag naman sana, matagal ko ng gustong bumitaw sa kaniya ngunit hindi ko magawa dahil mahal ko siya.
I checked my phone and it's 4 o'clock in the morning, dalawang oras na lang at gigising na dapat ako dahil kailangan ko nang magluto ng makakain niya. Kaso hindi naman siya madalas kumain tapos kapag wala naman akong luto maghahanap siya.
Ano kayang pinuputok ng budhi niya?
May dalawang oras pa naman kaya bumawi muna ako ng tulog.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RandomI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...