Chapter 33
Kinuha ko na ang sling bag ko at binitbit na, ganon din ang ginawa ni Caleb sa bag kong malaki. Kaya niya naman siguro iyon.
"Kaya mo ba?" tanong ko sa kaniya nang magsimula na kaming maglakad papunta sa condo niya.
"Ginawa mo naman akong mahina" he chuckled.
Inabot niya sa akin ang card at ako ang nagtap doon sa pinto niya. Nang makapasok na kami ay namangha ako sa loob ng condo niya. Nakita kong inilapag niya ang gamit ko sa kaliwang kwarto. Dalawa yata ang kwarto dito.
"Sure ka bang ayos lang ako dito sa condo mo?" sinundan ko siya kung saan niya nilapag ang gamit ko. Walang bakas na may gumagamit ng room na ito, so I bet that this room is much more like guestroom?
Gusto ko siyang isigurado na papatuluyin niya ako dito. Nakakahiya kasi sa kaniya, ang dami ko ng utang na loob.
"Jusko, para namang hindi kita girlfriend. Pinatira nga kita sa resthouse ko sa Batangas." tumawa siya bago lumapit sa akin, hinawakan niya ang dalawa kong pisngi gamit ang dalawa niyang kamay at iniharap niya ako sa kaniya.
Pinatira niya ako sa resthouse niya hanggang sa magka-anak ako at maging licensed engineer niya kaya naman nakapagpagawa ako ng bahay sa Batangas City, malayo sa Tagaytay at lalong mas malayo kung saan nakatayo ang kompanya nilang dalawa ni Caleb. Bakit kasi magkasosyo silang dalawa?
"Huwag kang mahiya sa akin" hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "Boyfriend mo ba ako?"
I nodded. "Kaya nga girlfriend mo ako eh" niyakap ko ang braso ko sa leeg niya.
"Ganda mo" hinalikan niya ako sa aking labi kaya naman tinugunan ko ito.
Una siyang lumayo sa halik naming dalawa. "Mamaya na to, baka ako pa makapagbihis sayo eh."
Pinalo ko ang braso niya at tinulungan siyang mag-ayos ng gamit ko.
***
"Mommy!" ngumiti ako ng makita ang itsura ng anak ko sa cellphone.
"Hi anak, kamusta ka diyan?" napatawa naman ako ng sumulpot ang anak ni kuya Caden sa screen.
"Hi Tita Avisa" masiglang bati sa akin ni Jillian.
"Hi Jillian. You're so pretty" bati ko sa kaniya. She's really pretty, kamukha niya ang mommy niya.
"Mommy ang kulit ni Jillian" pagsumbong ng anak ko. Tumawa naman ako sa kaniya. Parehas silang makulit.
"Always love each other ha? bawal ang away" they just nodded at me.
Hindi din naman nagtagal ang paguusap namin dahil gabi na din at kailangan na nilang matulog at maaga pa sila bukas sa school.
"Bye kiddos, I love you both" I kissed my phone na para bang hinahalikan silang dalawa.
Pinatay naman agad nila ang phone. Bumuntong hininga na lang ako. Namimiss ko na ang anak ko. Baka sa sobrang pagkamiss ko kay Jeon eh magpahatid agad ako kay Caleb bukas. Sayang nga lang at iniwan ko ang kotse para hindi ko na naabala si Caleb kung may lakad man ako.
Well, hopefully provided na iyon ng kompanya. Siguro nga ay magsisimula na ako bukas, pagaaralan ko parin kasi ang blueprint ng itatayong building.
"Let's eat baby girl" pumunta ako ng kusina at nakitang nakaluto na si Caleb ng gabihan namin.
Umupo na kaming dalawa sa dining room at nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan.
***
"Don't be nervous Ysabelle, andito lang ako" hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
Nawala naman ang kaba sa aking dibdib. I don't know why kung bakit ako kinakabahan, siguro kasi masama ang huling punta ko dito sa kompanya niya na ngayong alam ko na pagmamay-ari din pala ni Caleb.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at ikinawit niya ang kamay ko sa braso niya at nagsimula na kaming pumasok sa kompanya.
May mga ibang empleyado na bumabati kay Caleb at ngumingiti sa akin. Usapan din pala na ako ang papalit na engineer muna. Nakapasok na kaming dalawa ni Caleb sa elevator kung saan siya sinalubong ng sekretarya niyang lalaki.
Namukaan ko siya, ito yung assistant secretary ni Wonu dati na pumipigil sa akin. Secretary na siya ni Caleb? Eh yung sekretarya kaya ni Wonu? yung higad parin kaya? Bakit ba ako mangengealam pa? Wala na yon sakin.
Lumabas na kami ng elevator at pumunta sa CEO's office. Eto ang office ni Wonu dati sa pagkakatanda ko. Nagtakbuhan na naman ang mga daga sa loob ng dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan?
Nang pihitin ng sekretarya ni Caleb or Wonu man ang pinto ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman kong lumingon sa akin si Caleb ng higpitan ko ang hawak sa braso niya.
Nang tuluyan ng magbukas ang pinto ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang nakaupo doon sa office chair niya. Bakit wala siya? Hindi ba office niya ito?
Lumapit ako sa table niya at tiningnan ang name plate. Nabigla ako ng pangalan ni Caleb ang nakalagay dito? Luminga-linga ako sa buong loob ng office, wala namang nagbago dito. Ganon parin ang ayos.
Office ito ni Wonu, hindi ako puwede magkamali. Dito ko pa nga siya nahuling may kachukchakan.
"Why? Are you looking for someone?" takang tanong sa akin ni Caleb habang ang sekretarya ay nasa likod lang.
"Uh wala. Sino naman hahanapin ko?" tumawa na lang ako at lumapit sa kaniya.
"Nasa kabila ang office ni Wonu and this? Office ko ito, ngayon ka lang siguro nakapasok dito noh?" naningkit pa ang mata niya.
Ilang beses na akong nakapunta dito dahil ito ang pagkakaalam kong office niya. Baka nagswitch lang siguro sila, baka nga.
" Uh siguro nga" inayos ko ang pagkahawak ng bag ko at lumingon ulit sa kaniya. "Anyway, where's my office then?"
Hinawakan niya ang kamay ko at inakay akong lumabas ng office niya at pinapasok ako sa isang room na puro transparent ang wall. Wala akong privacy!
"Office ito ni Nathan noon, you will be occupying his office temporarily. Katapat neto ang office ni Wonu." tinuro niya mula sa loob ang isang pinto, tulad din ng office ko ay transparent din siya kaso may blinds kaya hindi parin makikita kung ano man ang nangyayari sa loob noon.
Naguguluhan talaga ako.
"If may kailangan ka, call Kleo or my secretary Charlene para maddress agad ang needs mo. But if you need me, call me instead." he smirked. Pinalo ko agad siya sa braso.
So yung assistant secretary pala noon ni Wonu na napagkamalan kong secretary ni Caleb ay secretary ngayon ni Wonu? The F, tongue twister!
"Sir, may meeting po kayo kasama ang management. Ipapakilala na po si Ms. Fiero sa shareholders" pumasok ang isang babaeng may hawak na clipboard, wari ko'y ito ang sinasabi ni Caleb na sekretarya niya.
Ang bilis naman nilang inotify na nasa kompanya na ako? Wala man lang bang pahinga?
Tiningnan ko ang kabuuan ng babae. Mapagkakatiwalaan naman, hindi naman siguro aahasin ang boyfriend ko.
"Nagkataon po kasing nandito po ang shareholders kaya nagkameeting na po agad." She added.
"Okay. So, let's go? Sabay na tayo" Inilahad niya ang kamay sa akin, tatanggapin ko sana ito ng alisin niya at ang inilahad niya ay braso niya.
"Uhm wait. I have to retouch, feeling ko haggard ako ngayon" tumalikod ako sa kaniya at binuksan ang bag.
Sa totoo lang, naghahanda pa talaga ako. May meeting ngayon, syempre andoon siya. Hindi pa ako handang makita siya ng matagalan at makasama. Ikakamatay ko siguro. Nang makita ko na ang makeup kit ko ay nagsimula na akong magretouch. Nag spray pa ako ng Aficionado f68 na pabango by Britney Spears.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
De TodoI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...