CHAPTER 8

700 19 0
                                    

Chapter 8

Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto ng malakas, balak pa yatang sirain.

"Open this fucking door, Avisa" he's knocking hardly.

Tiningnan ko muna ang oras at nabigla talaga ako. It's 10 in the morning?

Shit lagot talaga ako.

Kinakabahan pa akong buksan ang pinto.

"Wala ka na ngang ginagawa pero ang simpleng gawain lang sa bahay ay hindi mo pa magampanan ng ayos?" bungad neto sa akin.

"Hindi kita pinakasalan para magpakasarap lang sa buhay ha" hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad palabas ng kwarto ko.

"m-masakit Wonu" ang aga-aga niya ako pahirapan.

Kinaladkad niya ako pababa ng hagdan, muntik pa akong matisod kundi lang hawak ni Wonu and braso ko ng mahigpit siguro nagderederetso na ako sa hagdan.

"AHH-AHH" sobrang higpit ng hawak niya siguradong magkakapasa na naman ako. 

Hindi pa nga masyadong magaling ung pasa ko, may panibago na naman.

"Magluto ka don at huwag kang umasta na parang reyna ka, nagugutom na si Brianna. Bilisan mo" bago niya ako itulak ng malakas ng makadating kami ng kusina, tumama ako sa Island counter. 

Pwede niya naman akong sabihan ng bilisan pero hindi, kinaladkad pa talaga ako. Ang sakit tuloy ng katawan ko.

Tumalikod siya at nagsimula na lang ako magluto.

'Lagyan ko kaya toh ng lason?' isip ko sa hinahalo kong itlog.

Balak ko silang bigyan ng omelette at fluffy pancakes with mango smoothies.

Mabilis lang naman ako nakaluto kaya naman pumunta ako ng sala para tawagin sana.

But I caught them kissing each other passionately. 

I was too stunned to speak. Konting respeto naman sa totoong asawa.

Hindi ko na kinakaya ang nakikita ko kaya naman tumikim na ako.

"nakahain na" simpleng sabi ko lang bago umakyat sa taas.

"sinong nagsabi na pwede kang umakyat?" Brianna stated. 

Oh tapos na pala silang maglandian, grabe kala ko naman hindi na sila makapagpigil matikman muli ang isa't isa.

Lumingon ako sa kanila.

"Tapos na akong ipagluto kayo at wala ng dahilan pa para tumigil ako dito" ayoko ng nakikita ko, nasasaktan ako. 

Lumapit ito sa akin at pinalandas ang kaniyang hintuturo mula sa aking kamay pataas.

"Hindi mo pa kami tapos pagsilbihan" nakataas ang kilay niya sa akin.

Tiningnan ko siya sa ulo hanggang paa. From her bralette down to his short shorts, walang-wala ang maluwag kong tee shirt at mahaba kong pajama. 

Maganda talaga siya, I hate her pero hindi naman ako bulag.

"Hindi ako katulong dito. ASAWA ako" diinan ko pa ang salitang asawa.

"Oh? Yun ba pinagmamayabang mo? bakit? mahal ka ba?" at doon ako natamaan.

"Alam ko namang hindi niya ako mahal pero ako ang legal" gusto ko lang naman din siya saktan kaso ako itong mas nasaktan. Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig.

"Pagsilbihan mo kami! Manang!" sigaw niya sa akin.

Napatungo ako at pinipigilang bumagsak ang mga luha. Tiningnan ko si Wonu at nagbabakasaling ipagtatanggol niya ako ngunit umaasa lang ako. 

Masama lang ang tingin neto sa akin kaya alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Sumunod ako sa kabet niya.

Umalis sa harapan ko si Brianna kaya naman pinahidan ko na ang luha ko. Ramdam ko ang mariing titig sa akin ni Wonu na animong binabantayan ang bawat kilos ko.

Tumayo na lang ako at sinundan sila sa kusina. Nakatayo lang ako dito sa malapit sa kanila na para akong katulong talaga.

Nagsimula na silang kumain, hindi ko sila binibigyan ng kahit anong tingin at baka hindi ko sila matantsa.

"Get me some juice yaya" binalingan ako ni Brianna kaya tiningnan ko din siya.

Sana ang makukuha kong juice sa ref ay may lason.

"Babe, look oh. Ayaw sumunod sa akin ni yaya" nagbaby talk pa, kala mo naman isa siyang batang wala pang muwang sa mundo.

Kaya sinamaan ako ng tingin ni Wonu.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo babae, sundin mo siya" kaya inirapan ko na lang siya at kumuha ng juice mula sa fridge.

Nagdadasal ako habang isinasalin ang juice sa baso. Lord, sana may lason.

Natapos na ako at ibinigay ito kay Brianna. Pabagsak ko pa itong ipinatong. 

Sana naman makaramdam na tong higad na toh.

"Here's your juice ma'am" sarkastikong saad ko sa kaniya.

"Nilagyan mo ba toh ng lason?" napataas ang kilay ko sa kaniya.

Sana nga nalagyan ko.

"Oh bakit mo alam?" sarkastiko kong sagot sa kaniya.

Nagulat ako ng ibuhos niya ang juice sa mukha ko.

"Oopss, natapon" 

Tumulo ang juice pababa sa damit ko kaya basang-basa ako.

May araw ka din saking babae ka.

Magpapatalo ba ako? Hinubad ko ang suot kong damit sa harapan nila at tumambad ang bra kong itim.

Nakitang nagulat si Brianna sa ginawa ko. Tumungo ako sa kaniya para mas itambad ang kalakihan kong dibdib.

"Oh? San ka nagulat? Sa paghubad ko ba ng damit? o sa tunay na mas malaki yung akin kesa sayo?" tiningnan ko pa ang hindi kalakihang dibdib nito.

Sinilip ko si Wonu at gulat ang nakita ko sa mukha niya. Well, magulat talaga siya.

Ngayon niya lang ako nakitang walang pang-itaas at tanging bra lang.

I smirked at him then I left.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na gawin yon, but one thing I'm sure. I felt satisfied.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon