Chapter 35

1K 29 3
                                    

Chapter 35

"I know, I hurt you." inirapan ko siya.

Kung kaya lang kita pakyuhan ng sampo, ginawa ko na!

Tumingin ako sa kaniya. "Can you please stop? Binaon ko na sa lupa ang namagitan sa ating dalawa at nandito lang ako para magtrabaho"

Nakita ko pa ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mata nang sabihin ko iyon. Bakit? Para saan? Siya nga eh! Ilang beses ko na ding nasabihan ng masasakit na salita coming from him tapos itong pagpapatigil ko lang sa kaniyang magsalita ngalin-ngalin na siyang madepress?

Akmang bubuksan niya ang kaniyang bibig upang magsalita ng patigilin ko siya. "Shut up. I don't want to hear anything from you"

Sumaktong bukas ang pinto kaya naman mabilis akong lumabas doon. Pero useless ang pagwawalkout ko dahil iisang daan lang pala kami.

Lumiko ako sa isang hallway at nakitang sinusundan parin niya ako. Ano bang gusto nito?

Dumaan na nga ako dito sa hallway kung saan puro empleyado ang nandito. Inis ko siyang binalingan at nakita siyang seryoso parin ang tingin sa daan.

Ng makaramdam siguro siya ay tumingin din siya sa akin at tinaas ang kilay.

"What?"

Watwatin ko yang mukha mo. Patuloy parin akong naglalakad habang nakalingon sa kaniya.

Sana naman makaramdam ka man lang!

"Obvious na sinusundan mo ako" pasigaw kong bulong sa kaniya, madaming empleyado dito at hindi naman ako katulad niya na kayang ipahiya siya sa lahat, I don't want to lose my dignity!

"What? No I'm not, kukuha ako ng kape ko"

Mejo umurong ang dila ko sa hiya. Ang assumera ko talaga kahit kailan!

Bumaling na ako sa dinadaanan ko kaso huli na ng matantuan kong mauuntog ako sa isang pader kung saan may nakalagay na 'lounge area'

"Sabing tumingin sa dinadaanan" tumingin lang siya sa akin bago dumeretso sa may coffee area.

Kailan niya yon sinabi??!! Wala akong natandaang sinabi niyang tumingin sa dinadaanan. Wala!

Narealize ko na inilagay niya pala ang palad niya sa may pader na dapat uuntugan ng noo ko kaya nung sumalpok ako ay hindi masakit. Inilayo niya ako bahagya.

Nakakasura talaga! Bakit ba lahat ng malas napupunta sa akin kapag kasama kita? Anong ginawa ko sayo.

Tumalikod muli ako at binilisan na lang ang paglakad papalayo doon. Madaming nakatambay sa lounge area, nakakahiya yung nangyari sa akin, may narinig pa nga akong bumungisngis.

Lumiko na ako kung saan ang daan papunta sa office ko. Pero dilang maliit ang utak niya at nagawa pang sumunod ang loko.

Pinabayaan ko na lang siya, pero naramdaman kong kapantay ko ngayon siya maglakad, nangunot ang noo ko at naisipang sinusundan niya talaga ako pero naalala ko bigla na parehas ng daan ang office naming dalawa.

Nang lingunin ko siya ay wala siyang dalang kape man lang o kahit anong pwedeng dalhin mula sa coffee area.

"Uh..I forgot that I have secretary, sa kaniya na lang ako magpapakuha" mahinang sabi niya.

May halong hiya pa sa kaniyang salita ng sabihin niya iyon.

Nangunot ng bongga ang aking noo ng makita siya kaninang kumukuha na ng kape. Tumingin muli ako sa kaniya ng naninigkit ang mata.

Nabalisa siya at binilisan ang kaniyang paglakad papasok ng office niya. Sinusundan talaga ako ng hayop.

Nainis ako bigla at pinadyak ang paa. Binilisan ko na din ang paglakad ko papasok ng aking office.

Sinarado ko agad ang pinto at umupo sa upuan doon. Luminga ako buong sulok ng office.

Malinis naman ito at wala naman akong kailangan baguhin at idagdag dito. Ang gusto ko lang idagdag ay Blinds, o kaya iblur ng konti ang wall neto.

Nagtayo pa sila ng office kung ganito lang din naman, edi sana sa labas na lang ako nagooffice? Kung kita din naman nila lahat.

Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa office chair. Mag-rerelax muna ako habang hindi pa ako nasstress ng sobra.

Ipinikit ko ang mata ko at hinilot ang sintido. Nang makalipas ang ilang minuto ay umayos na ako ng upo at inilapag ang folder sa lamesa.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa labas at nakasalubong ko ang dalawang mata na wari ko'y kanina pa ito nakatingin.

Sinamaan ko siya ng tingin bago inirapan. Kung kaya ko lang magtayo ng pader sa pagitan naming dalawa para hindi siya makita ay ginawa ko na.

Bakit ba nakataas ang blinds niya? Masyado ba akong maganda para panoorin?

Nakakainis talaga. Lumabas ako at pumunta sa desk ni Kleo. I leaned my hand.

"Bakit walang blinds ang office ni Nathan?" mahina kong tanong sa kaniya.

"Uh ma'am, kasi ayaw niya po" tumayo siya para pantayan harapin ako.

"Bakit daw?" gusto ba ni Nathan na masilipan siya kung nino man? Anong purpose ng office niya kung kita pati kasulok-sulokan ng singit niya.

"Hindi ko po alam eh" kumamot siya sa ulo at tumawa ng pilit. "Wag po kayong mag-alala ma'am, wala naman pong napasok dito. Kung may papasok man po ay alam ng CEO. Natawag naman po sila kay na Sir kung may ibibigay."

Ngumiti na lang ako at bumalik sa office ko.

"Makapal na ba ako kapag sinabi ko na gusto kong ipablinds?" ngumuso ako at umupo na lang.

Magaaral na siguro ako para konting intindihin na lang kapag nagsimula na.

Ilang minuto ang lumipas at narinig kong bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon.

"Here's your early lunch daw po" nangunot ang noo ko sa bitbit na paperbag ni Kleo.

"Kanino galing?"

"Uh kay ano po" luminga pa ito sa gilid na parang naghahanap ng sagot. "Sa company po" ngumiti siya at lumabas na.

Binuksan ko ang paperbag at nakitang rice ito at pork teriyaki. May salad pa itong nakalagay sa hiwalay na tub.

Naamoy ko bigla ang amoy ng ulam kaya natakam ako. Sakto pa namang mainit pa ito kaya nilantakan ko na agad.

Sa gitna ng pagkain ko ay naghanap ako sa paperbag ng panulak. Nanguya-nguya pa akong naghahalikwat kaso walang nakalagay. Pagkain lang!

Bugok naman ng company. Magbibigay na nga lang ng early lunch, hindi pa kumpleto.

Wala akong choice kundi kuhain ang tubigan ko sa loob ng bag. Buti na lang talaga at nagdala ako kundi baka pinaglalamayan na ako.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon