Chapter 43

842 19 5
                                    

Chapter 43

Nagising ako sa masarap na pagkatulog ko sa sasakyan ni Wonu, inikot ko pa ang aking ulo para alisin ang ngalay na naramdaman ko.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, pero pamilyar ang lugar sa akin. Nasa mataas kaming lugar ngayon.

Nakapark ang sasakyan at inaya niya akong bumaba. Madilim na ang kalangitan dahil hapon na.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya habang sinusundan siya.

"We're at Tagaytay" napahinto ako sa aking narinig

"What? Really? At sa Tagaytay pa talaga?"

Hindi naman ako manhid para hindi malaman ang ibig niyang gawin. Ano dadalhin niya ako mansion niya? Ibabalik niya ako sa nakaraan na matagal ko ng tinakasan?

Hinarap niya ako "This is the only place where I can confess everything to you"

Sabi ko na nga ba at mali talaga na sumama pa ako sa kaniya, kahit kailan hinding-hindi siya mapagkakatiwalaan.

I chuckled. "Really? How many times I'll told you na hindi ko na kailangan ng explanation mo. Ibalik mo na nga ako!"

Nagsimula na namang mamuo ang galit sa dibdib ko.

"Please, hear me out first." He tried to hold my hand pero iwinaksi ko ang aking kamay.

"Hear you out? Noon ba pinakinggan mo ba ako?" Buti na lang talaga at walang tao ngayon sa parking lot, may konting hiya pa din naman ako.

"I know...Alam ko, that's why here I am para makabawi sa lahat ng ginawa ko sayo. I can't lose you again"

"Putangina naman bullshit Jay Wonu." Napahilamos ako sa aking mukha. "Bakit ba ang hilig mong bigyan ako ng sakit ng ulo? nakakastress ka na"

I started to feel my tears flowing down on my cheeks. Hindi ko na kinaya ang emosyon at ngayon ko lang ulit nilabas gayong kaharap ko na siya.

"Kailan mo ba ako papakawalan? Kasi alam mo? Sa tuwing gustong-gusto kong umalis sayo hindi ko magawa dahil ganun kita kamahal. Putanginang pagmamahal na to sayo."

Kahit ilang beses kong sabihin na hindi ko siya mahal, mas lalo lang nadadagdagan ang kasalanan ko. Nagsisinungaling ako.

Nakatingin lang kami sa isa't isa habang parehas nararamdaman ang init ng luha naming dalawa. Sa ilalim ng makulimlim na ulap, mahangin na kapaligiran at sa ngalan ng pagmamahal. Nilunod namin ang isa't isa.

Eto siya at umiiyak, nagsusumamo ang mga mata. Eto siya na hindi alam ng iba.

"Can you? please?" Halos hindi ko na marinig ang aking sinabi.

Umiling-iling siya, na parang alam kung ano ang aking hinihiling.

"No, I can't. Hindi ko na kakayanin. I love you so much. I do love you, kahit noon pa" lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mukha gamit ang dalawa niyang kamay.

Marahan niyang inangat ang paningin ko sa kaniya.

"Too late, Jay Wonu." nadurog mo na ako noon, mahihirapan na akong magtiwala pang muli sayo.

"I can explain everything to you, mahal. Makinig ka muna sa akin"

Umiling-iling ako sa sinabi niya. Para saan pa, kung puro kasinungalingan lang naman ang lalabas?

"Nabilog ako ng pamilya Salvitore. I'm on their control at ginawa ko iyon para maprotektahan ka. They're watching every move I made. I was also a v-victim, mahal. Hindi ko ginusto ang saktan ka noon, ni kahit pag-lapat ng palad ko sayo ay labis-labis na akong humihingi ng tawad." ang maiinit niyang luha ang nagpadagdag sa emosyon na dala-dala niya ngayon.

Pamilya Salvitore, ang kinatatakutan ng karamihan pagdating sa business industry. Kaya kang bilugin at utuin, kayang patumbahin ang kung ano mang meron ka.

"Pero ginawa mo parin. Alam mo ba? sa b-bawat pagdaan ng kamay mo sakin, iniisip kong nakalimutan mo ang pagiging lalaki? Wala kang bayag Wonu! Napakaduwag mo" isinigaw ko na ang mga katagang iyon sa kaniya.

"I know baby, I know. Kaya ngayon hayaan mo akong bumawi sa lahat ng pagkakamali ko sayo. I'm such a jerk to hurt someone like you. Wala na sila, I already beat them, nakabaon na sila sa lupang kailanman hindi na sila makakabangon pa."

Kaya niyang pumatay para sa akin?

"Mamamatay-tao ka. Ayoko sayo" hinawi ko ang mga kamay niyang nakahawak sa aking pisnge at lumayo sa kaniya.

"No baby, sila ang nagbaon sa sarili nilang bangkay."

Inuuto ba ako ng lalaking ito?

"Wala ka na bang maisip na dahilan at puro kasinungalingan na ang pinagsasabi mo? How come?"

"Hindi mo maiintindihan-"

"Edi ipaintindi mo sakin, ang laki mo namang tanga kung ganon." napatawa ako sa gitna ng pagiyak.

Nababaliw na kami parehas dito, parang kanina lang ayos na ayos pa ang trabaho ko tapos ngayon muka na akong falls dito dahil sa walang tigil na pagtulo ng aking mga luha.

Nakakatanga lang kasi, bakit kasi ganto? Wala akong alam sa kaniya, napakadaya!

"Hindi ko gustong sabihin sayo ito pero sila ang pumatay sa mga magulang mo."

Naramdaman kong gumuho ang aking mundo sa aking narinig, halos hindi ko na maramdaman ang aking mga binti kaya unti-unti akong natumba.

Bakit? bakit ngayon ko lang nalaman ito? Halos mabaliw na ako noon kakaisip kung nasaan sila, kung maayos pa ba sila.

Nakaluhod na ako dito sa sahig nang daluhan niya ako at niyakap ng mahigpit. Eto na yata ang pinakamasakit kesa sa naranasan ko noon.

"Anong kasalanan ng pamilya ko!? Anong ginawa nilang mali?" hawak-hawak niya ang muka ko at pinupunasan ang aking mga luha.

"Hush baby. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganan, ayoko na."

"Sabihin mo sakin kung anong ginawa nilang mali sa pamilya Salvitore para patayin nila?"

Sawa na akong maging tanga na walang alam sa mundo kundi ang mabuhay lamang.

"Ayoko ng maging walang alam Wonu, ayoko na."

"Dadalhin muna kita sa bahay, doon ka muna magpahinga. Sobra na ang emosyon mo, you need rest mahal."

Yes, I fucking need rest.







Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon