CHAPTER 1

1.4K 22 0
                                    

Chapter 1

Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom sa aking tiyan. Tiningnan ko ang oras at nakitang alas siyete na ng gabi. Matagal pala akong nakatulog. Bumaba na ako mula sa guest room dahil dito ako pinapatulog ni Wonu, ayaw niya akong makatabi sa isang kama. 

Nakita kong nakataklob parin ang niluto ko kanina at wala man lang nabawasan. Hindi rin kasi ako kumain, pagkatapos kasi akong saktan ni Wonu ay dumeretso na agad ako sa kwarto at doon inilabas ng emosyon ko.

Pinainit ko na lang muli ang pagkain bago kumain. Wala akong kasama dito sa mansyon dahil pinaalis na ni Wonu ang mga dating kasambahay dito. I'm his wife, and being his wife daw it's my task to do all the chores here. 

I'm eating my food when someone's banging the doorbell. 

Grabe, hindi man lang ba makapagintay? Sana aware siyang malayo ang gate sa mismong bahay. Hinayaan ko siyang paglaruan ang doorbell at pumunta na lang sa kwarto.

Bahala siya, it's his punishment for hurting me earlier. Bahala siya diyan!

Kunwareng bumalik ako sa pagtulog, nagtaklob pa ako ng kumot para maging tulog talaga. Lumipas ang trenta minuto nang biglang may agresibong nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Hinayaan kong nakapikit ang aking mga mata kahit alam ko sa sarili kong ninenerbyos ako sa takot. Sino bang hindi magagalit? na sa halip na pagbuksan ko ng gate lalo ko pa itong tinulugan. Bawian lang kami noh.

"Hey woman" I feel myself getting up. He's pulling my hair!

"a-aray wonu" pinaharap niya ako sa kaniya.

Nakita ko ang magagandang mata niya na nagsisigaw na siya ay galit.

"bakit natutulog ka? hindi ba dapat naghahain ka na? at hindi mo pa talaga ako pinagbuksan ng gate?" kinaladkad niya ako kung saan.

Masakit na ang anit ko kakasabunot niya.

"Aray ko, nasasaktan ako. Tao lang din naman ako, syempre inaantok ako!" wrong move Avisa, ginalit mo siya.

Lumingon ito sa akin.

"sumasagot ka na ngayon?" umigting ang mga panga niya.

"bakit? ikaw lang ba ang may karapatan na---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman kong tumama ang palad niya sa kaliwang pisnge ko.

Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Naging matapang ako kanina, pero bakit ngayon? nagiging mahina na naman ako,

Sapilitan niyang hinawakan ang panga ko at iniharap sa kaniya.

"huwag na huwag mo akong sasagutin kundi makakatikim ka sakin, try me Avisa" I love his deep voice but his words are hurting me.

Nakita ko na lang ang sarili ko na itinulak niya sa may bodega at nilock ang pinto sa labas.

"Ilabas mo ko dito Wonu, parang-awa mo na. Hindi ko na gagawin" kahit anong hampas ko sa pinto ay alam kong hindi niya ako pagbubuksan.

"I will break this fvcking damn door, buksan mo toh Wonu" nabalot ng kalampag ang bawat sulok ng kwarto.

I feel my body giving up, napaupo na lang ako at sumandal sa pinto.

This aren't new to me. Nasanay na ako sa lahat ng pinagagawa niya. Saan ba naman ako hihingi ng tulong? I don't have a family, friends or what. I don't even know my relatives!

Kakilala ko ang mga magulang ni Wonu, they are good to me. They took care of me when I'm on my lowest point in my life. Kaya ang pagpapakasal kay Wonu ang tanging nahanap kong paraan para makabawi man lang sa kanila.

In fact, I'm inlove with this man. Kaya hindi na din ako nagdalawang isip na sumang-ayon sa alok nila,

Kahit noon pa man ay ayaw na ayaw sa akin ni Wonu dahil kuno kinukuha ko ang mga bagay na dapat daw sa kaniya. Lalo na lang lumala ang galit nito sa akin ng malaman na ikakasal kami.

Tandang-tanda ko pa kung paano siya lumuhod noon sa akin at nagmamakaawa.

FLASHBACK

"I'm begging you Avisa. Mahal ko si Brianna. Please cancel our wedding" he's on bended knee.

He's begging me to cancel our wedding, he's crying in front of me. Umiiyak siya na palayain ko siya sa kasal naming dalawa para tuluyan na niyang makasama ang minamahal niya.

"How I wish I could, Wonu." hinawakan ko ang mga pisnge niya at hinawi ang mga luhang pumapatak.

Napakaswerte ni Brianna, mahal na mahal siya ni Wonu na kahit na ang kilala kong Wonu na malamig at walang pakealam ay nagawang lumuhod sa harapan ko.

"You can. Tell them na hindi mo ako mahal" 

Mahal kita Wonu, sobrang mahal kita. Kung alam mo lang na bawat araw na hindi kita nakikita ay para akong pinapatay lalo na kapag kasama mo ang tunay mong mahal. 

"I can't. Ito lang ang naisip kong paraan para makabawi sa magulang mo" kaya kitang pakawalan Wonu pero nabulag ako sa pagmamahal ko sayo. Na kahit pwedeng umayaw ako ay hindi ko ginawa.

"You let me to marry you? hindi kita mahal Avisa!" tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinarap ako.

"Kahit alam kong kayang-kaya mong humindi ay hindi mo gagawin dahil ano? dahil gusto mo akong malunod sayo? gustong mong masira ako diba?" 

Umiling-iling ako. 

"Gusto kitang buoin na kahit ang sarili ko ay hahayaan kong madurog"

"then let me! pakawalan mo ako sa kasal na hindi ko kailanman gugustuhin" umiling ako sa kaniya. Hindi ko kaya!

"You can't?" I nodded. I'm such a pain in the ass.

"Then I'll make your life miserable, my unwanted wife"

END OF FLASHBACK.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon