Chapter 21
Ayoko ng magpakatanga at magpakahinang babae. Wasak na wasak na ako, siguro panahon na para ako na lang muna.
"Mga hayop kayo" sinugod ko ang babaeng nasa ibabaw niya bago ito hinawakan sa buhok at kinaladkad pababa.
Wala akong pake kung wala siyang suot. Nasusura ako sa isip na kung anong unang hinubad nila. Damit ba o konsensya?
"Ouch" kinaladkad ko talaga siya pababa ng kama.
Kakaladkarin ko siya paalis ng pamamahay ko.
"Bitawan mo ako...." Brianna groaned.
"Hindi ako bibitaw at una sa lahat wala kang titulo para pumasok sa pamamahay ko at lalong lalo na ang ahasin ang asawa ko"
Alam kong ilang beses na nila itong nagawa ngunit hindi na ako makakapayag kung papalampasin ko ito ngayon. Masyado na akong naging bulag.
Nakalabas na ako ng kwarto at malapit na kami sa may hagdanan nang may humawak sa aking kamay para pigilan. Nasa hallway kami ngayon.
"Don't touch her" Wonu's anger voice echoed all around the house.
Tuluyan kong binitawan si Brianna kaya nakasalampak siya ngayon sa sahig at umiiyak.
Hinarap ko ang aking asawa at walang pasabing sinampal ito.
"Hayop ka. Napakahayop mo" sinampal ko uli siya.
"Wag siyang hawakan? Bakit? Dahil ikaw lang ang pwedeng humawak sa kaniya ganon ba? Ganon ba ha?" I slammed his chest.
Napaiyak na naman ako sa sitwasyon naming dalawa.
Hinding-hindi na talaga magwowork ang relasyon namin. Siguro hanggang dito na lang.
"Kaya ka ba hindi ka sumipot dahil sa kachukchakan mo ang babae mo? Kaya ba? For the fcking sake Wonu. Limang oras! limang oras akong naghintay sa oo mo"
Tinitigan ko ang mukha ng asawa ko.
Paano niya natitiis ang saktan ako?
" Nung una kitang nakitang may iba, pinalampas ko hanggang sa nagsunod-sunod na. Hinding-hindi na ako makakapayag na alilain mo na naman ako. Kase putangina pagod na ako sayong hayop ka" I burst into tears.
Nakatayo lang siya habang pinapanood ako.
" Hinayaan na kita noon Wonu. Humingi ka ng isang tyansa para subukan natin pero ano? You disappointed me again"
" Nung una mong beses na pag buhatan ako ng kamay? Kinalimutan mo yatang lalaki ka. Ang hirap mo mahalin Wonu"
Nanghihina na ako sa harapan niya.
"Can you stop your drama manang?" Lalong nangalaiti ako sa galit ng magsalita si Brianna.
At talagang sumasagot ka pa ha?
Pinuntahan ko siya at sinabunutan muli.
"Hindi ako tree, pero punong-puno na ako sayong babae ka ha" hinila ko talaga ang buhok niya hanggat kaya ko.
May pumulupot na braso sa bewang ko at binuhat ako para pigilan sa ano mang pwedeng gawin ko sa kaharap ko.
"Ano ba bitawan moko.... Kadiri ka" pinadyak padyak ko pa ang aking mga paa.
Ibinaba niya ako at humarap ako sa kaniya.
"Nakakadiri ka. Sana nga hindi na lang kita pinakasalan, nakakasawa kang mahalin Wonu" at sa huling pagkakataon hinampas ko siya sa kaniyang dibdib hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kamay ko.
" I'm sorry, I tried." yun lang ba?
"Edi sana hindi mo na sinubukan. Stop making me feel special and leave me after that"
" Nasan ang divorce papers? " Pumasok ako sa kaniyang kwarto at pinaghahalikwat ang kaniyang gamit doon.
Binaliktad ko na lahat para lang mahanap iyon. Hanggang sa nahanap ko na.
Kumuha ako ng ballpen at walang atubling pinirmahan iyon.
Humarap ako sa kaniya habang nakataas ang hawak kong divorce papers.
"Eto, wish granted. Malaya ka na, isaksak mo toh sa baga mo" itinapon ko ang papel sa kaniya bago inalis ang sing-sing na tanda ng naging akin siya.
Ipakain niya yan sa kabit niya, magsama sila.
Pumasok ako sa kwarto ko para kuhain lahat ng gamit ko at ilagay iyon sa maleta.
I did everything I could for you, for us to work.
Umasa kasi akong pwede pang magwork. Lalo tuloy akong nasaktan.
Napakatanga ko, sobra. Wala man lang ako naging awa sa sarili ko noon. Ngayong wasak na wasak na ako, hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit.
The real struggle is just letting the heart shatter, it's learning how to not fight for someone who doesn't want to be fought for.
To let them go is hard but it's the right thing to do. I have broken a million times.
Last month, I told myself never again and now? I did it again.
If there would be a stupidest person in the whole wide world, it must be my name.
Now I'm done packing my things. Lumabas na ako ng kwarto ko.
"Avisa, let's talk. I can explain everything to you. Please hear me out first" bumaba na ako ng hagdan.
"Avisa, please"
" Bitawan mo ako" humarap ako sa kaniya bago ko siya sinampal.
"Explain? Ayoko na Wonu. Pabayaan mo na ako"
I think he realized what he have done to me that's why he let go of my arm.
Dumiretso na ako gate. I don't care kung gabi na. Hindi ko na kayang mag-stay pa sa loon ng bahay nato.
Nakita kong nagtataka pa ang guard na pagbuksan ako ng gate. But he let me, I'm his boss anyway.
"Ma'am hatid ko na po kayo" bumalik ang tingin ko sa kaniya.
Siguro iyon ang paraan niya para pagsilbihan ako pero naasar ako sa sinabi niya.
"Tanga ka ba? May maglalayas bang nagpapahatid? Di bale na, parehas tayong tanga kuya" bago ako nagsimulang maglakad muli.
Palabas na ako ng Village ng may huminto sa gilid ko na isang kotse.
Lumabas dito si Caleb.
"Ysabelle, anong ginagawa mo ngayon dito? For the fucking sake gabing-gabi na. Nasaan ang asawa mo ha??" niyakap niya ako ng mahigpit.
Nadala na din ako sa sitwasyon kaya bumagsak na naman ang mga luha ko habang nakayakap din sa kaniya.
"Caleb..... Ilayo mo ako dito" hindi ko alam kung naintindihan niya ako dahil kahit ang sarili ko ay hindi ko maintindihan.
"That's good to hear. Trust me Ysabelle, let go of your jerk husband "
Hindi ko alam ang sunod na nangyari dahil wala talaga ako ngayon sa wisyo.
Ang alam ko lang, dinadala ako ni Caleb sa malayong lugar para ilayo sa gago niyang kaibigan.
Nagampanan ko na naman ang pagiging asawa ko sayo, siguro ngayon, gagampanan ko muna ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RandomI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...