Chapter 24

1.4K 40 2
                                        

Chapter 24

"Hoy Caleb" pinuntahan ko ang lalaki.

"Yes babe?" Umirap ako sa kaniya.

"Kala ko binilhan mo ng pagkain si Jeon?" umahon siya mula sa pool at pumunta sa akin.

"Don't go near me, mababasa ako" hinarang ko ang dalawa kong kamay sa kaniya.

"Arte mo, hindi ka pa ba nababasa sa nakikita mo?" tumingin siya sa tiyan niya at parang pinalalandakan ang kaniyang abs.

Namula ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo" kinuha ko ang towel na nasa upuan at lumapit ako sa kaniya.

Inilagay ko ang towel sa buhok niya at pinunasan iyon.

"Sweet naman ng mommy ko" inirapan ko uli siya.

Nabigla ako ng hawakan niya ang bewang ko at inilapit sa kaniya.

"Uy, basa na ako!"

"Oh really? Can I see?"

Ano bang pinagsasabi niya?

"Alam mo dati ang sweet-sweet mo, ngayon ang manyakol mo na"

Binasa niya ang labi niya. "So you just admitted na sweet ako?" full of himself. "Ang sarap ko naman kung ganon"

I'm tired of his words. Ang yabang yabang niya.

"Ewan ko sayo" hinagis ko ang tuwalya sa mukha niya at umalis na doon.

Liit na liit na nga ng pool, pinatulan niya parin.

Pumunta ako sa anak kong naglalaro sa tablet. Tinabihan ko siya.

"Hey baby. I miss you" I hugged him.

"Mommy, kakakita lang natin kanina, you already miss me?" Natawa naman ako sa sinabi niya .

"Super, baby" pinupugan ko ng halik ang anak ko sa mukha.

"Ang sarap naman ng halik ni mommy, ano?" Isang baritanong boses ang nagsalita sa likod ko.

Kapag talaga lagi niyang nakikita na hinahalikan ko si Jeon lagi siyang sumasabat na kesyo dapat siya din. Hinahayaan ko na nga siyang halikan ako sa pisngi.

"Daddy Caleb come here na po. Pinapak na ako ni mommy ng kiss. It's your turn Daddy" umupo naman si Caleb sa tabi ni Jeon.

"Babe ako din" ngumuso siya at pumikit pa. Ngusong-nguso talaga ang loko eh. Mas mahaba pa ang nguso kesa sa stallion.

Nagtagal siya sa pwesto niya kaya naman tinawanan ko muna siya bago siya tinampal sa nguso.

"Wag mo nga akong ganyanin Caleb"

"Mommy, naglalambing lang naman si Daddy Caleb"

Nilalandi niya ako anak, hindi niya ako nilalambing.

Magkaiba yon diba, magkaiba.

"Hayaan mo na yang mommy mo, malaki saltik nan" binuhat niya si Jeon bago pinupugan ng halik.

"Ewan ko sainyong mag-ama." umalis na ako sa salas at pumunta ng kusina.

Magluluto ako ng meryenda para sa amin. Nakakagutom na din at galing akong trabaho. Balak kong magluto na lang ng pasta para sa amin kaya naman nagsimula na akong kumuha ng mga ingredients. Inilabas ko din lahat ng paglulutuan.

Nilagyan ko muna ng tubig at mantika ang malaking kaldero para doon ilagay ang pasta. Sa isang kaldero naman ay naggisa ako ng bawang at sibuyas para lutuin ang sauce.

Habang naggagayat ako ay napatingin ako sa ingay na nanggagaling sa sala.

"John Cena, here I come" sigaw ni Caleb habang nakikipagwrestling sa anak ko.

Grabe! Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nalaman namin na buntis ako kay Wonu. Sobrang hirap pala lalo na't walang ibang gumagabay sayo kung di ang dalawa mong kaibigan lang, si Nathan at Caleb.

Yung mga panahon na nagkaisa kaming dalawa ay nagbunga ng isang biyaya. Lungong-lungo ako sa mga problema noon hanggang sa umabot na kaya kong kitilin ang sarili kong buhay kung hindi lang ako nakita ni Nathan.

At nung kinabukasan din ng araw na iyon ay napag-alaman kong pinagbubuntis ko si Jeon. Puro masasama ang aking naiisip.

Hanggang sa tuluyan ng dumilim ang mundo ko ng maisip na wala na akong mga magulang. Kaya wala ng dahilan pa para tumigil dito sa mundo.

Sinabi ko noon sa sarili ko na ipapanganak ko lang ang anak ko at aalis na ako. Inako ko na din ang aking anak kay Caleb. Hindi nila alam ang plano kong kitilin ang aking buhay pagkatapos kong manganak.

Ngunit nagbago ito ng lumabas siya sinapupunan ko.

Naging masaya ako noong iniluwal ko siya, at sa pagtagal ng panahon. Nakikita ko na lang ang sarili ko na ginagawang inspirasyon ang aking anak para magpatuloy ako sa buhay.

Nasira man ang buhay ko dati sa isang lalaki, hinding-hindi ko na hahayaan pang masira ang buong pagkatao ko dahil lang sa ginawa niya.

Sobrang thankful ako kay Caleb at Nathan dahil kahit na ganon ang pinagdaanan ko ay hindi nila ako iniwan.

I've already talk with Wonu's parents. Hindi ko sinabi ang pinagdaanan ko sa anak nila. Sinabi ko lang na hiwalay na kami at hindi na din sila nagtanong dahil wala din naman ako balak sagutin sila.

Si Caleb ang tumayong ama ni Jeon at binigyan pa siya ng life insurance. Grabe lang diba.

"Kiddos, let's eat" natapos na din ako sa pagluto at tinawag na sila para kumain.

"Iyon naman" lumapit sa akin si Caleb at hinalikan ako sa pisngi.

"Parang mas gusto ko iyon ah" sinamaan ko siya ng tingin.

Pinagsalok ko na sila at kumain na kaming tatlo.

"Babe, walang cheese?"

"Makikikain ka na nga lang, demanding ka pa?"

"Nagtatanong lang naman eh" nagpout pa ang loko.

Kala mo naman napakacute niya.

" Anyways, sino kinuha niyong engineer sa hotel resort niyong itatayo?" I asked.

"Dunno" he shrugged." Si Wonu bahala don, pati nagbabalak pa naman"

" Hindi ba si Nathan ang engineer ng company niyo?"

"Siya"

"Oh balak niyo pang maghanap ng bago?" Bakit pa ba sila maghahanap ng bago? Si Nathan na yon, walanjo kung maging engineer.

"Wala na atang balak, why? Gusto mo bang sumama kay Nathan?" umiling agad ako.

"May project ako with Felix. Pati wala din akong balak magtrabaho sa kompanya niyo" napatawa siya sa sinabi ko.

Ano bang nakakatawa doon? Pati ayoko na ding magkrus ang landas namin ng ex-husband kong hilaw. Galit parin ako sa kaniya.

Pero sa loob ng limang taon, wala akong balita sa kaniya. Siguro kasal na sila ni Brianna. Wala din namang nababanggit si Caleb sa akin dahil sinabihan kong layuan niya ako sa mga ganong balita.

"Anyway how's your school, Jeon?"

Kinder na si Jeon sa isang private school. Spoiled na spoiled na din siya sa dalawa niyang Tito.

"Okay lang Tito Daddy, lagi po kaming pinapatulog ni Mam"

"Hindi ba kayo tinuturuan? Jusko laki-laki ng tuition mo anak" angal ko agad.

40k ang tuition nan, pambili ko na yon ng cellphone noon.

" Lakas mo umangal Ysabelle, hindi naman ikaw ang nagbabayad" inirapan ko ang sinabi ni Caleb.

"Kahit hindi ako, sayang lang tuition kung ganon" lumapit sa akin si Jeon at niyakap ako.

"Mommy don't be mad, kanina lang naman po kami pinatulog dahil tinatamad daw po siyang magturo"

Aba nga naman.

"Oo nga naman, ikaw nga eh magtatrabaho ka lang kapag sinisipag ka." bara sa akin ni Caleb.

Sinamaan ko siya ng tingin, ang daming sinasabi. Palibasa puro kalokohan din.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon