Chapter 47
Nakahiga na ako sa tabi ni Jeon nang may biglang tumawag sa aking cellphone. Antok na antok man ay tiningnan ko ang caller kaso ang nakalagay lamang ay 'Unknown'
Sa pag-aakalang emergency ito ay sinagot ko na.
"Hello?" I heard my sleepyvoice. Ngunit makalipas ang trentang segundo ay wala parin na-imik.
Tiningnan ko naman ang cellphone pero hindi pa naman patay ang tawag.
"Alam mo kung sino ka man sana alam mong nakakaabala ka sa tulog ko!" naiirita kong sigaw
Akmang ibababa ko na ang tawag ngunit bigla itong nagsalita. "Nasa baba ako, it's cold here".
Sabay patay niya ng tawag, walanjo. Ang ama ng katabi ko ay nandito sa bahay!
Kinuha ko ang robe tsaka itinapis ito sa aking katawan, naka spaghetti strap lang ako at tsaka naka maikling short. Alam niyo naman kung gaano kalandi ng lalaking yan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng buksan ko ang pinto ng aming bahay.
Kakauwi ko lang dito sa bahay dahil hinatid ako ni Caleb buti na lang at tulog na din si Jeon.
"Namiss lang kita" a guy with the black suit and messy hair said.
Pagkatapos kong mabaliw sa mga sinabi ni Caleb ay hindi ko na talaga alam ang aking gagawin. Masyado ng puno ang aking utak para gumana pa ito.
Lalo na nung sinabi ni Caleb na ang life insurance pala ni Jeon ay galing talaga kay Wonu, o diba? Masyadong pabida ang ama ng anak ko.
"Who told you na pwede kang pumunta dito? Tulog ang anak mo kung yan ang ipinunta mo." nakataas na kilay at nakakrus na brasong saad ko.
"I am sorry" he paused for a while. "Sorry, kung naging duwag ako."
"Buti alam mo, ang laki-laki ng bayag mong lalaki ka pero napakaduwag mo. " he chuckled after what I say.
Maayos naman kaming dalawa nung huling kita namin, pero ewan ko ba sa sarili ko at nababanas na naman ako pag nakikita siya.
Aminado naman akong namiss ko din naman siya, pero syempre dapat magpa hard-to-get muna ako noh!
"Sa lahat ng pwede mong sabihin, alaga ko parin ang nabanggit mo. Ganon ba ito kalaki para hindi mo makalimutan?" lumapit siya nang dahan-dahan sa akin.
"Hoy, huwag kang lalapit! Nasa pamamahay kita Tiangson." iniharang ko pa ang aking dalawang kamay para pigilan siya.
"Ang akin ay iyo......." bago pa ako tuluyang makaatras ay nahawakan na niya ako sa aking bewang.
"Pero hindi ibig-sabihin non na ang akin ay iyo din. Hiwalay na tayo, remember?" nakasangga parin ang aking kamay sa matipuno niyang dibdib.
"I know, pero ung nangyari sa atin? Isa lang naman ang ibig-sabihin non diba?" nakatingin ako sa kaniyang mata na tila'y nilulunod ako sa tingin niya pa lamang.
"Na ako'y sayo" hinawi niya ang mga buhok kong nakaharang sa aking mukha at ikinawit ito sa gilid ng aking tenga. "At ika'y akin lamang."
Tuluyan ko siyang itinulak. "Ang kapal naman Jay Wonu. Baka alam mong hindi pa rin kita napapatawad sa mga ginawa mo?"
I lied, hindi na naman ako immature pa para hindi maintindihan ang namamagitan sa amin. Napatawad ko na siya sa totoo lang.
"I'm tired babe, tara sa taas?" kita ko ang pagod sa kaniyang mukha.
Sino ba naman kasing gago ang magdadrive from Manila to Batangas nang malaman lang na umuwi ako dito.
"Wow, hindi ko talaga kinakaya ang kakapalan ng mukha mo noh?" lumapit pa ako dito at pinisil ang pisngi.
Hindi siya umangal at niyakap lang ako. Oh tamo, ang lambot ko na agad.
"Dun ka sa guest room tutulog ha? Hindi ka kilala ni Jeon." hinalikan niya lang ako sa noo.
"Tabi muna, sasaraduhin ko lang ang pinto." sumunod naman siya sa akin at sabay kaming umakyat sa taas.
Bakit ba ang bilis kong magpatawad?
Siguro dahil madami na din kasing oras ang lumipas na puro sama ng loob lamang ang aking nararamdaman sa kaniya. Hindi ko pa din naman kasi alam ang point of view niya kaya siguro ganon.
"Do you have anything to wear?" umiling siya sa akin.
"May damit dito si Caleb, you can use them for now." pero sa sinabi kong iyon ay nagsalubong ang kilay niya.
"So it's true? He makes you his girlfriend?"
"Eh anong gusto mong iparating?" tanong ko sa kaniya pabalik.
Napaalis siya ng tingin sa akin at dumiretso sa kama at humilata doon. Ipinatong pa niya ang unan sa mukha."Nothing"
"Hoy alisin mo muna ang sapatos mo at magpalit ka dun ng damit." Nakapang-office pa din ang kaniyang datingan at napaka-uncomfy naman kapag matutulog nang naka ganon.
"My body's tired, I can't even open my eyes." mahahalata sa kaniyang boses ang pagod
Marahil galing ito sa kaniyang opisina at dito dumiretso kaya sobra na lang ang pagod.
"Kasalanan ko ba?" pumunta ako sa harap niya at nagpamewang.
"Bumangon ka na diyan, kundi sisipain kita!" sinigawan ko na't lahat ngunit hindi parin siya natitinag.
"Isa..." Napakakulit talaga ng lahi nito! Manang-mana talaga si Jeon sa ama niya.
"Dalawa...Huwag mong hintayin na umabot ng tatlo at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" bigla siyang bumangon at lalong nagulo ang kaniyang buhok dahilan ng lalo pa itong gumwapo sa harap ko.
"What will you gonna do huh? So excited babes." iniyakap niya ang braso sa aking bewang at pinaghalik-halikan ang aking tyan.
"Sure naman akong magugustuhan mo eh" nilambingan ko pa ang aking boses at hinaplos ang kaniyang magulong buhok.
"Uhhh...Excited" he moaned.
Tumungo ako sa kaniya at bahagyang inamoy siya...Ang bango pa rin!
Hinalikan ko pa ang kaniyang pisngi at bumulong. "Papalayasin ka."
Sabay layo sa kaniya. "Kaya kapag hindi ka pa tumayo dyan, humanda ka na." sigaw ko sa kaniya.
Nakatingin lang kami sa isa't isa at tila wala siyang balak gumalaw kaya tinaasan ko na siya ng kilay.
Ginulo niya muna ang buhok at tumayo. "Kahit kailan talaga ang ugali mo, napakataray."
Lumapit ito sa akin at kinurot ang aking ilong bago ginawa ang pinapagawa ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinuhubad ang kaniyang suit. Kinindatan pa niya ako habang tinatanggal ng butones ang kaniyang suot. Pilit kong tinatago ang init ng pisngi ko kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Titig na titig babe ah?" mas lalo namang sumama ang timpla ng aking mukha nang sabihin niya iyon.
"Tse! Akala mo naman kagandahan ang katawan mo, wala pa yan sa kalingkingan ni Wonwoo noh?!" ngumisi lang siya sa sinabi ko at tuluyan na siyang nagpalit ng damit.
Humiga na siya sa kama at tiningnan ako. "Ano? Game na!"
"Ha? Anong game na?" nangunot ang noo ko bago lumapit sa kaniya.
"Tara na maglabing-labing."
Napanganga ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RandomI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...