CHAPTER 4

756 20 0
                                    

Chapter 4

Gabi na ngayon at naghanda na ako ng dinner namin. Hinihintay ko na lang si Wonu na dumating.

Hindi ko alam kung nasan iyon kanina dahil hindi ko naman siya pwedeng tawagan. Ni wala nga akong number niya eh.

Hindi din nagtagal ay nagdoorbell na ito kaya naman para hindi masermunan ay tatakbo akong pumunta sa gate.

Ipabago ko na kaya ang gate? Yung automatic sana. Para isang tapat lang ng card ay kusang magbubukas na ito o kaya naman kapag nadetect niyang kotse ni Wonu ay kusang magbubukas. May ganon ba.

Nakakapagod kayang tumakbo papunta ng gate lalo na't ang pagbubuksan mo ay mainitin ang ulo.

Binuksan ko na ang gate at hindi pa ako nakakatabi ay pumasok na agad ito kaya naman nagulat talaga ako.

Muntik na akong madali. May balak ba siyang patayin ako? Sinarado ko na lang ulit at mag-isang pumasok sa mansion.

Pagpasok ko sa bahay ay nagtungo ako sa kusina tapos nakita ko si Wonu na kumakain na.

Grabe! Hindi nag-aaya.

Uupo na sana ako sa harapan niya ng magsalita ito.

"Who told you that you can eat while I'm eating?" Hindi siya nakatingin sa akin.

Tumayo na lang ako at umalis sa kusina.

Ang damot niya ha.

Nagtungo na lang ako sa salas at nanood na lang ng tv.

Buti pa itong tv, konektado sa wifi. Samantala ang kaisa-isa kong cellphone ay hindi.

Napakadamot niya talaga, kaya kailangan ko pang magpaload kung mag bubukas ako ng social media. Pero ang tagal ko ng hindi nakakalabas kaya naman hindi na ako nakakapagbukas.

Ni minsan nga nag Facebook ako gamit ang smart tv namin, well thanks to him dahil ang binili niya ay touchscreen.

Nang wala akong makitang magandang mapapanood ay pumunta na lang ako sa kusina uli. Hindi parin siya tapos kumain. Panong hindi sasagal? Eh nagcecellphone pa habang nakain.

Hindi ko siya pinansin at pumunta na lang sa counter para kumuha ng maiinom.

No to alcohol tayo, kaya naman kinuha ko ang chuckie na nasa ref at isinalin iyon sa baso ko.

Naglagay pa ako ng pearls at whipped cream sa ibabaw ng chuckie ko.

Hindi ko din naman nakalimutan lagyan ng yelo.

Kinuha ko din ang Hershey's chocolate syrup at pinalibutan ang whipped cream neto.

Pumunta ako sa may wall cabinet at binuksan upang maghanap ng pepero. But sadly wala kaya stik-o na lang muna.

And charan, I'm done with my drink.

Ng babalik na ako ay nakita kong nakakunot ang noo sa akin ni Wonu.

"B-bakit?" Umirap siya at nagsimula ulit kumain.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang paakyat sa kwarto. Dun ko yon iinumin.

Hindi na ako kakain, mabubusog naman ako dito sa chuckie ko.

Habang hinihigop ito ay biglang may kumatok sa pinto, Ayan na naman siya.

Pinagbuksan ko ito at kinunotan ng noo.

"Wash the dishes"

Sus! Yun lang naman pala. Bumaba na ako at ginawa ang inuutos niya.

Nasa sala siya ngayon at nanonood ng tv nang matapos akong maghugas.

Biglang pumasok sa isip ko ang pagpunta ni Caleb kaya balak ko siyang tanungin.

"Wonu, San ka pala galing kanina?" nangunot ang noo niya, nagtataka siguro siya kung bakit alam kong wala siya sa office kanina.

"Ahm, galing kasi si Caleb dito kanina at hinahanap ka. Kaya I'm wondering kung bat wala ka sa office mo" matagal siyang hindi sumagot kaya naman balak kong tumalikod na sa kaniya dahil mukhang hindi naman niya ako sasagutin.

"Wala ka ng pakealam don"

Naramdaman kong tumulo ang ilang butil sa mata ko.

Oo nga naman, labas na ako don.

Bakit ko ba siya tinatanong? Alam ko namang hindi ko kayang ukatin buhay niya.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at tinuloy ko ang paginom ng chuckie.

Hays, nasstress talaga ko sa asawa kong iyon. Ni kahit katiting ba wala siyang pagmamahal sa akin?

Kumuha ako ng sigarilyo sa drawer ko at sinindihan yon.

Pumunta ako ng balcony at doon nanigarilyo.

Malamig ang simoy ng hangin ngayon, tamang-tama sa nagiinit kong mga luha.

Iba't ibang what ifs na naman ang tumatakbo sa isip ko.

Paano kung hindi namatay ang mga magulang ko? Hindi ko nakilala ang mga magulang niya? At hindi siya pumasok sa buhay ko?

Ano kayang buhay ang mayroon ako? Marangya ba? O tulad na lang din ngayon?

Naubos ko na ang sigarilyo at nagsindi pa ako ng isa.

This is my therapy, ang paninigarilyo.

Ewan ko ba at dito ko nahanap ang pagkalma. Kahit alam kong sinisira nito ang baga ko eh ayos lang sakin.

Who am I to live anyway? Wala na namang rason para tumigil pa ako sa mundong ito.

Nasayang ang pinagaralan ko, ang pagiging Engineer ko. Wala akong pamilya, wala akong kilalang mag-anak at higit sa lahat wala na akong silbi sa mundo.

But atleast, I have Jay Wonu Tiangson.

Kahit ilang beses niya akong saktan pero sa huli sa kaniya parin ako bumabalik.

I really love that man.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon