Chapter 20

946 26 0
                                    

Chapter 20

Isang linggo ang lumipas at ngayon ay namimili ako para sa regalo kong ibibigay kay Wonu.

Fourth Anniversary namin bukas, at balak ko siyang sopresahin sa dinner date namin.

Nagpareserve na din ako ng place at pinaayusan ko na din.

Bibisitahin ko ulit bukas ang venue para i-finalize.

Binilhan ko siya ng relos. Wala na kasi akong maisip na pwede eh, halos lahat naman meron siya.

Ako na lang talaga kulang sa kaniya.

Natapos na din ako at sumakay na ako ng Taxi pauwi.

Nag-ayos na ako ng dinner naming dalawa ngayon. Para hihintayin ko na lang siya.

Umupo muna ako sa sofa para dito sa kaniya mag-hintay. Sinubukan ko pang tawagan siya ngunit unattended ang phone niya.

Tatlong oras ang lumipas at wala parin siya kaya naman niligpit ko na ang hinain ko.

Baka nagovertime lang siya. Tama, baka nga.

Umakyat na ako para matulog.

Sana naman bukas tumupad siya sa usapan.

UMAGA na ngayon at balak kong puntahan ang resto na pinareserve ko.

Hindi pala umuwi ngayon si Wonu, baka doon siya natulog sa office niya. He's workaholic anyway. I'll chat him later na lang to inform him para sa mamaya.

Nagtaxi na lang din ako papunta doon. Nang makarating na ako ay kaagad kong pinuntahan ang likuran neto kung saan dito kami magdidinner date.

"Good morning, settled na ba ang lahat?" Tanong ko sa staff na nag-aayos ngayon.

"Yes ma'am, settled na po ang lahat. Okay na din po ang magpaplay ng violin, foods, place and others. Waiting na lang po ang time ng punta po ninyo" he smiled at me.

"Uhm mauuna kasi ako dito, siguro mga 6pm ay nandito na ako and susunod na din ang asawa ko"

" Noted po ma'am. Ang swerte naman po ng asawa niyo sa inyo ma'am. Ngayon lang din po ako nakahawak ng ganito na babae ang nagpapadinner date"

Napatawa ako sa sinabi niya. After kong siguraduhing ayos na ang lahat ay umalis na ako.

Nasa taxi ako ngayon at tinawagan ko ngayon si Wonu, nang hindi siya sumagot ay tinext ko na lang siya.

To Wonu:

Mister ko, don't forget our dinner date later in Shang Palace.

Sent.

Pinatay ko na ang cellphone ko at bumaba na ako ng Taxi nang makadating na kami sa bahay.

Hapon na ngayon at namimili na ako ng pwedeng suotin mamaya.

I want this day to be memorable. Our first anniversary na magkasundo kami.

Habang namimili ako ngayon ay biglang may nag pop-up sa phone ko.

From Wonu:

Yes, I will.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ba niya natatandaan na anniversary namin ngayon? Or somehow may pa surprise din siya?

"ACKKK IM SO EXCITED"

At dahil nga sobrang excited ako ay 5:30 pa lang ng hapon ay nandon na kaagad ako.

Nagprepare na din sila para sa pagdating ng asawa ko.

Umupo ako ngayon sa table namin at hinintay siya.

Tinext ko na din siya kung anong oras ay nandito na siya. 6:30 ang sabi ko sa kaniya.

6:22 pa lang ngayon kaya naman todo tingin ako sa salamin upang icheck ang hitsura ko kung ayos pa ba.

Trenta minutos ang lumipas pero wala pa din siya. Binigyan na din ako ng waiter ng wine.

Baka naman kais traffic or nag-aayos pa siya.

Tinadtad ko na din siya ng text.

To Wonu:

Wonu, nasan ka na? I'm already here.

I'm waiting.

Punta ka haaa! Ingat.

I love you.

Tatlong oras na ang lumipas ngunit wala pa din siya. Kaya naiiyak na ako.

Umasa na naman ako kaagad.

"Ma'am, sure po ba kayo na dadating si sir?" the administrator asked me.

" I don't know" tuluyan ng pumatak ang mga luha ko.

Bakit nga ba ako umasa agad? Hindi naman kami totally okay. Nag exagge naman ako masyado.

Pero kasi pumayag siya. Nag 'Yes, I will' naman siya.

Siguro nakalimutan niya lang.

"Uhm, ibigay niyo na lang itong event ngayon sa couple na nakain sa loob. Sayang naman kung tatanggalin agad"

Tumayo na ako bago nagpaalam sa kanila.

" I'm so sorry to disappoint you everyone. Hindi talaga kami ayos ng asawa ko. Thank you" bago ako umalis at pumara ng taxi.

For god sake, it's 10:30 in the evening. Halos limang oras ako nagintay sa kaniya doon kaso hindi siya dumating.

Pumasok ako sa loob ng bahay ng may luha sa mga mata. Deserve ko siguro ito. Wala naman akong ginawa kundi sirain ang buhay niya, tama nga siya.

It didn't really work.

Gusto ko mang isipin na may iba siyang ginagawa or nalate lang siya, ngunit kahit isang text man lang sakin ay hindi niya nagawa.

Kung may text lang siya sakin ay maintindihan ko pa, kaso wala eh. Umasa na naman talaga ako.

Tinanggal ko ang heels ko at basta na lang itinapon kung saan.

Susubukan kong intindihin kung may explanasyon man siya. Umakyat ako sa itaas. Pero habang paakyat ay may naririnig akong tiyak na ikakaguho ng buong pagkatao ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya and then I saw him.

And for the last time, you disappointed me again, Tiangson.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon