Chapter 14

750 23 1
                                    

Chapter 14

Kinuha ko ang stick na mahaba na may net at nagsimula ng ilublob ito sa pool.

"You know what Ysabelle, the dress really suits on you. Suotin mo ulit yon"

Manyakol talaga ang hayop na ito. Aish hinding-hindi ko yun susuotin.

"And uhh, last night was a hot night. Nahulog lalo ako sayo"

Konti na lang talaga, itutusok ko na itong hawak ko sa kaniya.

"Grabe, may side ka palang ganon noh? Tingnan mo sarili mo ngayon, oversized tee shirt and long pajama. Tapos kagabi, sexy fit dress, fuck-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Alam mo kapag hindi ka pa tumigil itutusok ko na toh sayo. Nakakagigil ka" tiningnan ko siya at itinuturo pa ang panungkit na hawak ko.

"Ang harsh mo naman babe. Diba bisita mo ako? Ikaw may kailangan sa akin tapos ganan ka" ng guilty pa talaga ang hayop.

"Alam mo kung ganan ka lang, maari ka ng umalis. Hindi na pala ako tumatanggap ng bwisita" bago lumipat sa kabilang side ng pool.

"Grabe diba mabigat yang dala mo? Hindi ka ba nabibigatan?"

"Hindi ka talaga aalis???" inangat ko ang panungkit na hawak ko at hinabol siya.

Tumakbo na si Caleb palabas ng pool area hanggang sa makarating na siya sa kotse niya.

"BYE BABE. NEXT TIME ULI!"

Pinakyuhan ko siya ng sampo sa utak ko.

Kabadtrip naman yon, parehas sila ng kaibigan niya.

Hindi ko na lang tinapos ang paglilinis ko at nagpahinga na lang ako.

Sa isang araw ay birthday ni Tita Beth, Wonu's mommy. At inaaya niya ako with Wonu sa pool party na magaganap sa Mansion nila.

Lahat ng pamilya nila ay invited. Ewan ko na lang kay Wonu kung isasama niya ako. Nasa kaniya lang naman lagi ang magiging desisyon ko.

Gabi na ngayon at nakapagluto na din ako at ngayon ay kumakain na din si Wonu sa dining area, habang ako ay kumakain sa island table. Hindi naman nagkakalayo ang pagitan naming dalawa. Magkaiba lang talaga ng kinakainan.

Imagine ha? Ang lawak ng dining table. Tapos hindi pa niya ako pinapayagang makasabay. Grabe! Ganon na ba niya ako kinamumuhian?

"Mom said you'll come with me on her birthday" napatigil ako sa pagsubo sa sinabi niya.

"What time?"

" 7pm onwards"

Sumang-ayon na lang ako at pinagpatuloy ang kain.

Hindi naman nagtagal ay tapos na kami kumain at naghuhugas ako ngayon ng plato ng may marinig akong boses babae.

"Hi hon, I miss you so much"

Brianna hugged Wonu.

Kala ko ba ayaw niya mapalapit sa akin dahil may balak eme daw akong patayin siya sabi ng magaling kong Asawa?

Wag mong sabihin kasama siya sa part ni Tita? Ang kapal naman nila siguro magpakita doon.

I was right, walang nakakaalam sa relasyon nila Brianna at Wonu, kung meron man. Sa mga magpipinsan lang ni Wonu ito umiikot dahil kapag nakarating iyon sa mga magulang ni Wonu ay tiyak malalagot siya.

Wala ng maingay at matinis na boses akong naririnig kaya I assume na umakyat na sila sa taas.

Umupo na lang ulit ako sa mini bar at kumuha ng beer in can. 

Kailangan ko lang kasi makapag-isip.

Alam ko namang hindi lang basta sila magtatabi o matutulog. Alam kong higit pa doon ang mangyayari. Masakit man sa part ko pero ano pa bang magagawa ko? I'm his unwanted wife.

Tatlong linggo na nga silang naghoneymoon, hindi pa ba nila pinagsasawaan ang katawan ng isa't isa? Sana naman aware si Wonu na may asawa siya, kasama sa isang bahay.

Pinalipas ko ang ilang oras bago umakyat sa taas. Sana naman tapos na sila, ayokong marinig kung paano nila ako niloloko. Pero hindi naman ako bulag para hindi makita ang panloloko.

Palapit ako ng palapit sa second floor ay naririnig ko parin kung paano nila inaangkin ang bawat isa.

Dinaanan ko na lang ang kwarto ng asawa ko, naka-awang pa ang pinto. 

Hindi ko naman sinasadyang makita ang ginagawa nila. Nasa ibabaw si Brianna habang tumataas-baba ito sa ari ng asawa ko.

Hindi ako nagtagal at binilisan ang paglakad papunta ng kwarto ko. Sinaraduhan ko ang pinto at napasandal ako dito at agad na nagtuluan ang mga luha mula sa mga mata ko

Sumasakit na naman ang puso ko sa nasaksihan ko.

Ilang beses na nila iyon ginawa at ilang beses ko na din sila nahuli kaya hindi na bago sa akin kaso bakit ang sakit parin? 

Napansin ko na lang ang sarili ko na nakaupo na sa sahig habang nakasandal parin sa pinto.

Hinawakan ko ang puso at pilit pinapakalma, sumisikip kasi. Matagal akong nakatigil sa posisyon na ganon hanggang sa makaramdam na ako ng kaginhawaan sa paghinga ko. Tumayo ako at lumapit sa picture frame naming dalawa.

Itinaas ko ito at tinitigan. Ako na nakangiti habang si Wonu ay walang emosyon. Sobrang saya ko nung araw na iyon kahit alam kong magiging trahedya ang buhay ko pagkatapos ng araw na iyon.

Tinitigan ko ang mukha ni Wonu. Dahil sa pamamagitan ng ganito? kaya kong ilabas lahat ng gusto kong sabihin sa iyo.

Matagal na kitang pinapangarap, kaya nung nalaman kong ikakasal tayo ay pumayag agad ako. Sobrang saya ko noon, na para bang lahat ng mga pinagdaanan ko sa buhay biglang nawala. Nung mga unang taon nating-magasawa, pinahirapan mo ako sobra. Dumating sa point na muntik mo na akong alisin sa mundo. Pero pagkatapos noon? Pinagbigyan kitang muli. Sinubukan kong muli ang relasyon natin, sinubukan nang sinubukan hanggang sa tinatanong ko na ang sarili ko 'bakit ba ako sumubok?' 

Nawawalan na ako ng pag-asa, kaso nanaig parin ang pagmamahal ko sa iyo. Sabi nga nila 'sundin mo ang puso mo'. Sinunod ko naman, kaso naligaw ako ng landas habang ikaw masaya, ako nanlulumo. Ilang beses kitang nahuling nangangaliwa sa akin at saksi ang aking mga unan at kumot sa mga milyo-milyong luha na lumalabas mula sa aking mga mata. Saksi sila, kung paano ako umiyak ng dahil sayo. Ang sakit mo kasing mahalin.

Pero patagal nang patagal? Unti-unting nawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Siguro mag mula sa ngayon? Pipiliin ko muna ang sarili ko.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon