Chapter 25

1.1K 36 3
                                    

Chapter 25

Isang buwan ang nakalipas at andito ako ngayon kung saan tinatayo ang bahay ni Mr. Baticos. Finalizing na lang at matatapos na ang pagpapatayo ng bahay niya kaya ililipat ko na ito ngayon sa interior designer na kaibigan ni Felix.

"Congratulations Engr. Fiero, job well done" Maewnam told me, ang interior designer.

"Thank you so much, Miss. I'm glad that it went well."

Maewnam was a Thai. She's the most-paid interior designer in Thailand. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang kinuha ni Felix na magdesign ng bahay ni Mr. Baticos.

Higit pa sa sabon ang malinis na pagkatao keme niya daw. Kaya gusto ng malinis tingnan ang bahay. Sino ba namang hindi diba?

Sa bahay daw kasi nagsisimula makita sa isang tao kung malinis ba ito o hindi.

Madali lang ang paguusap namin dahil hindi ko naman siya ganon ka-close. Nagkita na rin kaming dalawa ni Felix last week para mag-usap.

"Engr. Fiero" boses ng isang lalaki ang tumawag sa pangalan ko.

Nilingon ko ito at nagulat ng makita si Nathan. Tumakbo ako sa kaniya at niyakap siya. God! I miss this man so much.

"Nathan, I miss you" I kissed his cheeks. Silang dalawa ni Caleb ang pinaglihian ko noon nung pinagbubuntis ko si Jeon. Kaya naman todo bitin na ako sa lalaking ito.

"Grabe, lalaking-lalaki ka na ah?" inirapan niya lang ako.

"Tss, mas bet ko pa rin ang papa ketchup noh" sabi-sabi niya lang iyan, nabalitaan ko nga na may girlfriend siya eh.

"Oo na lang, btw bakit ka andito?"

"Just wanna check up on you"

"Ang sweet naman ng beshy ko" niyakap ko siya sa braso niya.

"Tsk. Walang kupas si Felix, ang gaan ng ambiance ng bahay" red herring.

"Weh nabuhat mo?" nakapamulsa siya at sinamaan ako ng tingin.

"Saan inaanak ko? pinapakain mo ba ng ayos? namayat ka oh"

Namayat? Mas lalo nga ako sumexy oh.

"Hoy mahiya ka nga, tumaas nga size ng bra ko eh tapos nalift pa ng bongga ang butt ko" bulong ko sa kaniya.

Nakakahiya naman kung ipangsisigawan ko dito sa bahay, eh andaming construction worker.

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa may dibdib ko at tsaka umirap.

"Oo na lang Ysabelle, you're full of yourself"

Natapos na ang kontrata ko ngayon kaya naman nandito kami ngayon ni Nathan sa five-star para kumain.

"Baka bumisita ako sa inyo bukas, prepare ka ha"

Nginuya ko muna ang Italian pasta na kinakain ko bago nagsalita.

"Prepare?"

Anong ipeprepare ko?

"Alangang hindi mo ipaghanda ng makakain ang nagbabayad ng tuition ng anak mo"

"Hindi ko naman sinabi sayo na bayadan mo ah. Gusto mo ba ibalik ko na sayo?"

"Oh tamo naiinis ka na agad. Joke joke lang naman. Pati mas malaki sahod ko ngayon kesa sa mga normal na gawa lang. Sino bang magkukuripot sa galing at ganda kong ito?" umirap ako sa kaniya.

"Anyways, kumusta ka?" nangunot ang noo ko sa pagbabago niya ng tanong.

"Kita mo naman, ayos lang. I'm starting doing the things I love"

I should!

"What about him?" napatigil ako sa pagikot ng pasta, lumingon ako sa kaniya. "Your ex-husband"

I sighed. "Wala akong balita sa kaniya" nasabi ko na lang. "Wala din naman akong balak alamin kung ano na lagay niya. The time I signed the divorce papers, wala na akong pakealam sa kaniya. We have our own life, meron akong Jeon tapos siya ewan ko na lang."

" Baka kasal na siya sa babae niya" ano naman kung kasal diba? labas na ako doon.

I have my own life. Hindi ko na dapat pinagaaksayahan ng oras ang mga taong wala namang ibang ginawa kundi saktan ako.

"About Jeon? wala ka bang balak sabihin kay Wonu na may anak ka sa kaniya?"

Ano nga ba? Hindi ko din alam. Hindi naman kami nagkikita at sana nga ay hindi na.

"Wala akong balak ipaalam okayy? Pati ano naman kung may anak ako sa kaniya diba? Hindi niya ako mahal pati" napatigil ako saglit at may inalala. "Si Caleb naman ang nasa birthday certificate ng anak ko"

Dala-dala din ni Jeon ang apelido ni Caleb, siya ang naginsist na iyon ang gamitin. Wala namang problema yon sa kaniya pati sa mga magulang niya.

"Karapatan din naman ni Wonu na malaman diba? Siya ang totoong ama, Avisa" naiinitindihan ko naman ang pinupunto niya kaso hindi ba mahirap iyon? O mas mapapadali?

Hayst, ewan ko naguguluhan ako.

"Bahala na, habang hindi ko pa nakikita ang presensya niya ay hindi muna ako mamomroblema"

Laking problema na nga nung naging mag-asawa kami ano pa kaya kung may anak kami? Pati natatakot din ako na baka kuhanin niya ang anak ko sa akin. Kung mangyayari yon baka tuluyan na akong mabaliw.

Jeon is my life. When I'm on my lowest point in my life, siya ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo.

I even asked myself kung bakit pa ako nabuhay sa mundo. Nabuhay pala ako para gampanan ang pagiging mabuting Ina kay Jeon.

Kung pinagkait man ng mundo ang kasiyahan para sa akin, hinding-hindi ko hahayaan na maranasan iyon ng aking anak. Tama nang ako na lang. Ako na lang ang magdusa sa lahat ng mga problemang ako din naman ang dahilan kung bakit ko nararanasan.

"Let's go na" natapos na kami sa usapan at ngayon ay tumayo na kami para umalis na.

"Ihahatid pa ba kita?" Nathan asked.

"Iwan ko ung kotse ko sa bahay nila Mr. Baticos. You'd bring me here, at dapat ibalik mo din ako"

Responsibility niya iyon noh. Naginsist pa ako na dadalhin ko sasakyan ko kaso hindi niya ako pinayagan. Well, tama naman siya.

More space, less pollution.

"Hindi na, may sumusundo na sayo oh" ngumuso siya sa nakapark na kotse sa tabi ng kotse niya. May isang lalaking nakasandal doon na nakashades pa, tila nagpapapogi sa chix na dadaan.

Lumapit sa akin si Nathan at inilagay niya ang braso sa aking likod na parang inaakbayan ako bago bumulong.

"Nanliligaw ba yan sa'yo?"





Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon