Chapter 15

773 26 2
                                    

Chapter 15

Nakaupo ako ngayon sa likod habang nasa unahan si Wonu at Brianna. It's Tita Beth's birthday. At papunta na kami sa mansion kung saan magaganap ang pool party.

Hindi ako nakabili ng regalo para kay Tita dahil hindi na naman ako nakaalis ng bahay. Hopefully, bumili si Wonu at idamay niya ako sa regalo kung hindi naman ay magpapaliwanag na lang ako.

Inayos ko na ang bag kong dala at ready na akong bumaba dahil nandito na kami.

"Hon, wag muna tayong pahalata okay?" napairap ako sa sinabi ni Wonu.

Mga may kabit nga naman.

"Aw, gusto ko lagi nasa tabi mo hon" yumakap pa siya sa braso ni Wonu.

Wow ha? parang hindi kasama ang asawa. 

Bababa na sana ako ng sasakyan ng marinig ko ang sinabi ni Wonu.

"Bawi ako mamaya, tabi tayo sa pagtulog" narinig ko pa ang halikan ng dalawa.

Tuluyan na akong bumaba at pabagsak na isinara ang pinto. May mga linta sa loob!.

Kasalakuyan akong naglalakad papasok sa bahay. Nakasuot ako ngayon ng high jeans at black shirt with sneakers. Ang cute ko kayang tingnan.

Sinalubong ako ng tingin ng mga tao. Lumapit ako kay tita at tito ng makita ko sila.

"Tita, happy birthday!" I hugged her.

Nakipagbeso-beso pa ako kay tita. Bumati din ako kay Tito Wayne at nagmano.

"Thank you sweety. Btw, nasan ang asawa mo?" tumingin pa siya sa likod ko para tingnan si Wonu.

Nasa kabit niya po Tita.

"Nasa kotse pa po, may kinukuha yata" ngumiti na lang ako ng pilit at hindi pinapahalata ang pagkadismaya sa asawa.

" Hey mom, happy birthday" Isang malalim na boses ang nanggaling mula sa aking likuran. Pumunta ito sa mommy niya at humalik sa pisngi.

" Here's our gift for you" ibinigay niya ang box na maliit kay Tita.

"Jusko, nag-abala pa kayong mag-asawa"

Napangiti naman ako, kahit hindi ko alam kung ano ang ibinigay niya. I'm gladly na isinama niya ako doon.

Lumapit sakin si Wonu at hinawakan ako sa bewang.

Jusko, sabi ko kagabi titigil na ako.

Alam ko namang puro kaactingan lang iyon pero ang dali lang paniwalaan.

"Makisabay ka ha" bumulong siya sakin.

Bumuntong hininga na lang ako. Lagi namang ganito ang set-up namin kapag pupunta kami sa family niya.

Sweet lovers.

"Mommy, doon muna kami sa kwarto. Papahingahin ko muna si Avisa"

Nagpaalam kami at dumiretso sa kwarto niya.

Pagpasok pa lang namin sa kwarto niya ay binitawan na niya agad ako.

"Stay here, sa baba muna ako. I'll accompany Brianna" then he left.

Hayst, mabisto sana kayo mga gago.

Humiga muna ako sa kama niya at natulog, pagod din ako ngayon. Mamaya pa namang 6pm ang start ng party ni Tita.

Need ko muna ng tulog para mamaya ay may lakas ako.

NAGISING ako ng mag-alarm ang aking phone.

Alas-sais na pala ng hapon. Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba.

Nakita ko si Wonu na katawanan si Brianna habang nakaupo sila sa sofa. May agwat naman sila na tila ba ayaw nila ipahalata na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Hindi ko sila pinansin at pumunta ako ng pool area kung saan makikita mo ang mga kamag-anak ni Wonu na handa ng mag party.

"Avisa, nasaan ang asawa mo?" Nilapitan ako ni James, pinsan ni Wonu.

Hindi ko alam kung nangloloko ito o seryoso sa tinatanong niya.

"Nasa loob" ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Shot?" Ibinigay niya sa akin ang shot glass na hawak niya.

Tanggapin ko na sana kaso naunahan ako. May Isang kamay ang kumuha noon at ininom iyon.

Tiningnan ko ang asawa kong nakatopless. Ready to swimming na din pala. Samantala ako naka pantalon pa din.

"You're hitting on my wife dude" nag cross arm siya at tumabi sakin.

James just chuckled and did the same position.

Andito na halos ang mga pamilya ni Wonu, at ang iba ay naka bikini at mga naka topless na. Nagsswimming na din sila at merong inuman session na din.

Lumapit samin si Brianna na naka bikini na din.

"Let's go Wonu"

Narinig kong tumawa si James sa tabi ko.

Hindi nagpaalam sakin si Wonu at sumama kay Brianna.

"Buti nakakatiis ka pa sa lagay ng asawa mo?"

Inaya niya ako dito sa may upuan at lamesa na may alak. Umupo kaming dalawa doon.

Nagbukas siya ng beer in can tsaka inabot sakin. Nag alinlangan pa akong kunin dahil baka sitahin na naman ako ni Wonu kaso nakita ko siyang masayang nakikipagkwentuhan sa mga pinsan niya kasama si Brianna.

"Mahal ko eh" tsaka nilagok ang una kong inom.

Nakatitig lang ako sa kanila habang nakikipagusap siya.

"Parang kanina lang, he's acting like a jealous husband tapos nung dumating ang babae niya, basta ka na lang iniwan sakin"

"Wala naman akong magagawa" tumagal din ang usapan namin ni James. Naputol lang nung sinabi niyang magsswimming na din siya.

Pumasok akong muli sa bahay at pumunta ng kwarto. Nakita pa ako ni Tita, at sinabing magpalit ako ng bikini.

Pero tumanggi ako. Wala din naman akong gana lumangoy. Sino ba namang gaganahan kung iyon ang makikita mo diba?

Bumagsak ako sa kama at kinalikot ang aking cellphone.

Naglaro lang ako ng Plant vs Zombies para naman mawala ang kaboringan sa katawan ko.

Nang tamarin na ako ay naisipan kong magpalit na lang ng bikini. Lalabanan ko lang naman si Brianna.

Why not? I'm the legal wife.

Kinuha ko ang two piece bikini na dala ko at sinuot iyon. Tinanggalan ko din ng ipit ang buhok ko at hinayaang nakalugay ang tuwid na mahaba kong buhok.

Confident ako ngayon sa katawan ko dahil wala akong pasa o kung ano mang sanhi ng pang-aabuso ng asawa ko.

Nagsuot na lang ako ng robe at tsaka bumaba.

Nakuha ko ang atensyon ng mga tao na nasa sala. Mga kaedaran nina tita. Bisita yata nila.

"I thought you're not going to swim?" Nakapout na sabi ni Tita.

"Akala ko din po"

Hindi naman ako makakapayag na naglalandian sila sa pool habang ako ay nagmumukmok sa kwarto.

Pumunta na ako sa pool area at nakitang magkayakap na sa isang sulok si Brianna at Wonu.

"Avisaaa! C'mon, talbugan mo sila" Ate Lany shouted.

Ininguso pa niya ang naglalandian sa sulok kaya naman napatawa ako.

Tumingin ako sa kanila at nakitang nakatingin sakin ang dalawa. May halong pangiinis ang ngiti ni Brianna habang naka poker lang si Wonu.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon