CHAPTER 3

818 17 0
                                    

Chapter 3

Naalimpungatan ako ng marinig ang malalakas na katok sa pibto.

Nagising na naman siya.

Tamad kong binuksan ang pinto at nakita ang napakagwapong nagaagresibong mukha ng asawa ko.

"Didn't I told you to always cook for my breakfast?!" agang-aga niya naman manermon.

"Alas diyes na ng umaga dahil nalate ako ng gising dahil sa ginawa mo kanina and now magigisnan kong wala ka man lang nilutong pagkain?" kumamot ako sa ulo niya.

Magtatanong siya tapos kapag sumagot ako sasabihin bakit ako sumasagot kaya naman pinili ko na lang manahimik.

Ang tagal pala ng naging tulog ko. Bakit kasi hindi agad ako natulog.

"Sorry na" nasa sahig parin ang tingin ko.

"Anong magagawa ng sorry mo ha? Apakawalang kwenta mo talaga" then he left.

Bumalik na lang ako sa loob para magayos, mukha siguro akong bruha sa harap niya kanina kaya pagbukas ko pa lang ng pinto ay ganon agad ang sinabi niya.

Bumaba na ako at tiningnan siya kung nasa bahay pa.

"Magluluto ako saglit" sabi ko sa kaniya nang makita siyang nagsusuot na ng coat mula sa coat rack.

"No need, ipakain mo sa aso yang lulutuin mo" at his second time, umalis na naman siya.

Bumuntong hininga na lang ako at nagdesisyong magluto na lang para sa sarili.

Nakatapos na ako kumain at magsisimula na ako ngayong maglinis ng bahay.

Hindi naman madumi ang bahay, sino ba namang magkakalat pa? Eh kaming mag-asawa lang ang naririto tapos madalas pa siyang wala.

Nang makapagpispis ng konti ay lumabas na ako para tingnan ang mga aking halaman.

Namumulaklak na ang aking mga mirasol ganon din ang ibang bulaklak na nakatanim. Diniligan ko sila at nagtanim din ako ng ibang halaman sa mga open space.

Pagkatapos ko dito ay dumako ako sa pool area.

Gusto kong maligo. Sige na nga.

Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng bikini.

I'm wearing two-piece bikini, just a bra and panty.

Kumuha na lang ako ng robe at dinala ito sa pool.

I also brought juice para naman hindi ako mauhaw. Nilagay ko ang necessities ko sa tabi ng pool at nagsimula ng magdive.

I'm not a good swimmer pero maalam ako. Nagswimming ako pataas dahil baka kapusan ako ng hininga.

I brushed my face down to my long hair. I feel sexy today.

From my curvy body? Hays, so damn sexy.

Pero nawala ang confidence ko sa sarili nang makita ang pasa sa aking braso. His tight grip marks on me.

Pang-ilan ko na itong pasa kaya hindi na bago sa akin, manhid na nga ako eh. Hindi ko man lang maramdaman na masakit. Para bang kasama na sa araw-araw kong pamumuhay ang pasa sa aking katawan.

Hindi ko na lang ito binigyan ng pansin at nagsimula ng lumangoy muli.

Ilang minuto pa akong lumangoy-langoy at ngayon naman ay nagffloating ako.

Naka sunglass ako ngayon para naman hindi ako masulo sa araw na tumatama ngayon sa buong katawan ko.

Tumigil lang ako sa pagfloating ng may marinig akong tikim mula sa kanino mang nilalang.

Binuksan ko ang mata ko at umayos ng tayo dito sa pool. Itinaas ko ang salamin ko para makita ko siya ng maayos.

It was Caleb, my husband's bestfriend.

Nagtataka ako kung bakit andito siya, mukhang may kailangan kaya naman pumunta ako sa grab bars ladder para umahon mula sa pool.

Before I faced him, kinuha ko muna ang robe ko at sinuot ito. Nakakahiya namang haharap ako sa kaniya ng ganito ang suot.

Pagkatapos kong magsuot ay pumunta na ako sa harapan niya.

Dinilaan niya pa ang labi niya bago nagsalita.

"Where's your husband?" umirap ako dito.

"Obviously, nasa office niya"

"Wala siya doon. I'm wondering kung nandito siya kaya nandito ako ngayon"

Saan naman siya pupunta kung ganon?

"By the way, nice body Avisa" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Kanina pa ba siya andito? Kung kanina pa siya edi kanina pa niya ako pinapanood? The fuck this man.

Umirap ako sa kaniya at inayos pa ang aking robe na parang nakikita pa niya ang katawan ko kahit hindi naman.

Napakafuckboy talaga neto.

"So gotta go, I've already watched you." Tumalikod na siya sa akin ngunit hindi pa ito nakakahakbang ng lumingon ulit ito sa akin.

"Make sure to wear your size. Sumisilip ang nipple mo" he winked at me.

Kaya naman lalo akong nainis dito at tumalikod na sa kaniya.

Apakawalang-hiya.

Tama naman itong size na sinuot ko, mejo hindi lang sakop sadya ang buong dibdib ko. Gifted pa naman ako.

Paano ba siya nakapasok? Eh sarado ang gate ah? Wag mong sabihin na hindi sinaraduhan ni Wonu?

Dahil sa badtrip ay bumalik na lang ako sa aking kwarto uli.

I locked the door and went inside to my room fully naked.

Nagbanlaw na lang ako at pinatuyo ang aking buhok.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon