Chapter 30

1.1K 32 9
                                    

Chapter 30

Nasa bahay na ako ngayon at sobrang pagod ang natamo ko sa pagdadrive. Magtatanghali na din ako nakauwi sa Batangas from Manila.

May trabaho pa akong naiwan kaya hindi naman puwedeng ipagpaliban iyon.

"Mommy, where's Daddy? Did you bring daddy with you?" my son asked me while hugging me.

"No I didn't. Super daming trabaho ni Daddy Caleb mo. Babawi daw siya sayo sa susunod na araw"

Nakakaintindi naman ang anak ko, kapag alam niyang hindi pwede ay hindi maari. He didn't know na hindi niya tunay na ama si Caleb. He's too young to know. Hindi niya pa maiintindihan lahat kapag sinabi ko sa kaniya.

"Okay. Where's Ninong Nathan?"

"Uhm, nasa hospital kasi siya eh. May sakit siya"

I didn't told him that he was on comatose, because surely he didn't know that.

"Can we go to him?" tumingin siya sa akin.

"Sure, sa ibang araw kapag puwede na pumasok ang bata" bawal ang bata sa ICU, dadalhin ko na lang siya siguro kapag nailipat na si Nathan sa room.

*
"Hey, napatawag ka? Ano na balita?" tanong ko sa kavc ko ngayon sa messenger.

Kakatapos lang namin kumain ng dinner ng anak ko at tulog na siya ngayon. Sayang naman at hindi niya makakausap ang ama niya. It's been a week simula nung ako ay bumisita kay Nathan sa Manila.

"Ang sabi ay hindi pa daw alam kung kelan siya magigising, pero umokay na ang lagay niya ngayon. Malakas kasi yung pagkaimpact ng bakal sa ulo niya"

Gumaan yung dibdib ko sa narinig sa kaniya. Thank you Lord.

"Ganon ba? Mabuti naman"

"But the bad news? Maari daw siyang magka-amnesia" kinabahan ako bigla.

Jusko! Laking problema toh, wag naman siguro. May awa naman ang Diyos.

"Basta hindi siya mamatay, ayos na ako don"

He just chuckled."Cute cute mo"

Kinilig naman ako sa sinabi niya. "Nasan ka ba ngayon?"

"Nasa hospital, need ng magbabantay kay Nathan. Pauwi pa lang daw bukas ang parents niya"

Makikita mo ang pagod at antok sa mga mata niya. Mukhang wala siyang tulog.

"Why don't you sleep? Pahinga ka?" I asked habang nagsusuklay ng aking buhok.

"I want to, pero bawal. Kung tutulog ako ay dapat idlip lang. Need ng may magchecheck parin sa kaniya"

Napailing ako ng wala sa oras. Hindi ba't trabaho iyon ng mga nurse? Ang icheck ang pasyente maya't maya?

"C'mon, kung may puwede namang magbantay na iba diyan ay isuyo mo muna. You alse need rest" masuyong sermon ko sa kaniya.

"Sasalang siguro sa akin mamaya si Wonu." hindi ako nakaimik ng sabihin niya ang pangalan ng lalaking kinaiinisan ko.

"Alright you go to sleep na. Iidlip din muna ako"

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa at humiga na din sa tabi ni Jeon.

*

Masayang magkahawak kamay kaming dalawa ni Jeon, ihahatid ko siya ngayon sa school dahil tapos na ang kanilang Lenten Break.

"Behave sa school, okay? Do your best anak" I kissed his forehead before I let him run over his classmates.

Napangiti naman ako dahil madaming sumalubong sa kaniyang kaibigan niya. Friendly siya at mabait kaya naman halos lahat ng mga kaklase niya ay kaclose siya. He waved his hand at me when he turned his gaze outside the door where I'm standing.

" I love you" I mouthed. Nagflying kiss lang siya sa akin kaya naman tumalikod na ako. Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na para pumasok na sa trabaho.

Nasa loob na ako ng kompanya ngayon. I'm making corrections, coming up with a new idea and doing calculations while I don't have a project. I need to improve my knowledge and skills, hindi naman ako pupuwedeng basta-basta na lang tatantsahin ang sukat ng mga poste o kung ano man.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya naman pinapasok ko ito. Nakatingin parin ako sa papel na pinagaaralan ko.

"Engr. Fiero, may nagpapabigay po" nangunot ang noo ko bago ko ito nilingon. It was our engineering team secretary.

Napatingin ako sa hawak niyang paperbag. "Ano yan?" takang tanong ko dito.

"Uhm breakfast daw po eh" breakfast? sino naman magpapabigay nan? hindi naman siguro si Caleb dahil nasa Manila siya, or may inusap lang siya to buy me some breakfast?

Nakapagbreakfast na naman ako with Jeon kanina. "Sino nagpapabigay?"

"Uh" she just shrugged. 

Dahil sa kuryoso ay kinuha ko na lang paperbag na hawak niya bago nagpasalamat sa kaniya. Umalis naman agad ito kaya naman binuksan ko ang hawak ko.

Nangunot lalo ang noo ko ng makita ang tub ng fried rice,hotdogs at spam. Really? 10:30 a.m na pero ganito parin? Pero nagpapasalamat naman ako sa nagbigay kung sino man ito, atleast may panglunch na ako.

Itinabi ko muna ito bago binalik ang tingin sa papel na hawak ko. One of the biggest challenges a civil engineer has to face is to ensure our safety. Dapat talaga ito ang mas pinagtutuunan namin ng pansin, kapag maayos ang pagkagawa at matibay ayos pero kapag hindi delikado. Lalo na kapag oras ng gawaan, tulad na lang nung nagyari kay Nathan, nahulugan siya ng bakal kaya ngayon ayon coma. Dapat hindi na ito maulit sa history ng mga engineer.

I'm busy reading some articles when someone enters. Nilingon ko naman ito. Yung secretary pala ulit. May dala-dala naman ito ngayong kape.

"Pahabol daw po" inilapag na lang niya bago siya umalis.

Sino ba talaga iyon? Parang gago. Hindi kaya isa sa mga nagtatrabaho din dito? Hinawakan ko ang kape at may nakadikit ditong sticky note.

' I'm sorry, nalate yung breakfast. Have a good day ahead gorgeous! '

Sino namang malakas ang loob na magbibigay ng ganito? Hindi na ako natutuwa! Wala namang pangalan na nakalagay. Basta na lang na message.

So sinong nagbigay nito? Multo? Napairap ako ng wala sa oras. Naiinis ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Caleb. Hindi naman nagtagal ay sinagot niya agad ito.

"Yes Ganda?" napawi bigla ang inis ko sa narinig.

Wala siyang ginawa pero napangiti agad ako.

"Have you eaten your breakfast?" ayoko namang deretsahang banggitin sa kaniya na may nagdala ng breakfast sa akin.

"Are you for real? Mag 11 na, then breakfast padin? But yes. Ikaw ba?" 

Hindi ba dapat sasabihin niya na 'Natanggap mo ba breakfast na binigay ko sayo?'

"Wala kang binigay sa akin?" 

"What? Alin ba? Kiss ba? o eto" narinig kong humalik siya kaya naman napatawa ako.

"Wala wala, sige na babye. Nasa trabaho ka pa yata" nagpaalam na kaming dalawa bago ko pinatay.

Sino kaya may padala non?

-----
Hi guys! Thankyou for reading. Hindi na ako minsan nakakapagreply dahil sobrang busy din.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon