Chapter 31

1K 30 2
                                    

Chapter 31

Sa mga nagdaang linggo ay wala namang naging problema. Patuloy parin ako sa trabaho habang inaalagaan parin ang dalawa kong bansot.

"Babe, penge" sinilip ko si Caleb ng inganga niya ang kaniyang bibig sa akin.

Naglalaro sila Jeon ng ps4 ngayon sa condo ni Caleb. Umuwi pala siya nung isang araw dahil namimiss na daw niya kaming dalawa at sinabi din niyang babawi siya kaya heto siya ngayon. Hindi na ulit ako nakabisita kay Nathan dahil tambak talaga ako ngayon, pinagdadasal ko naman siya tuwing gabi na sana ay gumaling na siya.

Isinubo ko ang hotdog na nasa tinapay kay Caleb at kinain naman niya ito.

"Sarap naman ng hotdog mo, anong brand nan?" 

"Tender Juicy" alam ko namang dila'ng maarte ang lalaking ito at gusto pang tj ang kaniyang hotdog.

"Ayan nadale mo. Masarap ang hotdog na iyan" inirapan ko na lang siya bago sinubuan si Jeon na tutok sa pakikipagboxing kay Caleb.

*

Gabi ngayon at tulog na tulog si Jeon sa gitna naming dalawa. Naramdaman kong hinawakan ni Caleb ang kamay ko at dinala iyon sa bibig niya at hinalikan.

"Alam mo ba? First love kita?" napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Umangat bigla ang kilay ko.

Hindi ako naniniwala! 

"Ako? First love mo? Seryoso ka na ba diyan?" alam ko kasing madaming babae ito dahil ang una kong nakainteract siya ay yung nasa pool na matagal na pala niya akong pinapanood habang naliligo.

"Maniwala ka man o hindi, pero totoo. Sa'yo ko kasi naramdaman yung tunay na depinisyon ng pag-ibig"

Naramdaman kong lumundag ang puso ko. 

"Ano ba ang depinisyon ng pag-ibig sa'yo?" nakakacurious lang kasi.

Ex-wife ako ng kaibigan niya at sa naging lahat ng pinagdaanan ko ay kasama ko siya. Hindi siya umalis sa tabi ko.

"Pag-ibig? Yung handa akong maging tanga at maging sunud-sunuran para lamang sa taong mahal ko" nakita ko ang pagiging emosyonal sa mga mata niya, may bahid itong lungkot. "Ayon, ayon yung depinisyon ng pag-ibig sa akin"

Anong ibig niyang sabihin?

Hawak-hawak parin niya ang isa kong kamay. " Sa akin? Ano nga ba?"

"Tulad din ng iyo, handang isakripisyo lahat-lahat. Kahit alam mong sobrang sakit na pero wala kang magawa dahil mahal mo siya. Nagiging sefish ka sa lahat ng bagay na hindi mo na alam na kinukuha mo na sa kaniya yung happiness na gusto niya"

Natatandaan ko tuloy ang mga bawat sandaling nagawa ko para lamang sa kaniya. Yung ginawa ko ang lahat pero uuwi parin sa salitang wala, walang nangyari. Tinaggap lahat ng sakit makita lang siyang masaya. 

"Yung kahit na durog na durog na ako, maging buo lang siya" naramdaman ko ang luhang pumatak sa mata ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pinunasan ang mukha ko gamit ang isang kamay.

Healing is so weird. One day I'm in love with who I'm becoming, the next I'm crying for letting shit in my past slide.

"Mahal mo pa?"

Napatingin ako sa kaniya ng itanong niya iyon. 

"Ano bang klaseng tanong yan?" halos pabulong na sambit ko. "Kasama kita Caleb sa bawat problema ko, kasama sa pagbangon. Saksi ka sa bawat pagheal ko" 

"You're my healing place, Caleb" 

Tiningnan ko siya ng masuyo. "Hindi naman porke nasabi ko lang ang depinisyon ng pag-ibig na naramdaman ko sa kaniya ay mahal ko pa"

Mahal ko pa nga ba? Hindi...Alam ko sa sarili kong hindi.

"Pero mahal ka non, ayaw niya lang ipakita. May ganon namang case eh, hindi mo alam na ang nararamdaman mo na pala sa isang tao ay pagmamahal, masyado lang nabubulag. " mahal? nagloloko ba siya? sa lahat ng ginawa niya sa akin? mahal ang tawag niya doon?

Kung mahal niya ako, hindi ko dapat nararanasan ang mga bagay na naranasan ko noon.

Kung may rason man siya. Ano iyon? Sa pagkakaalam ko, walang naman akong ginawang masama na ikakagalit niya talaga.

Pero siguro yung marriage, siguro doon nga nagsimula lahat.

"No, I didn't believe you"

Para saan pa't sinabi niya iyon? Alam ko namang hindi niya magagawa ang mahalin ako noon. Hindi na ako tanga para hindi iyon maramdaman.

Tumawa lang siya. "Tulog na tayo mahal" bumangon siya para lumapit sa akin ng hindi iniipit ang anak kong nasa gitna naming dalawa.

"Good night Caleb" he kissed me on my lips, nagtagal iyon ng dalawang minuto. Iniyakap ko pa ang braso ko sa kaniyang leeg para damhin ang init ng kaniyang halik.

Mapusok pero maingat.

Lumayo na siya sa akin at kinumutan na ako, humabol pa ito ng halik sa aking tungki ng ilong bago siya lumayo at tumabi sa kabila ni Jeon. Nakita kong pumikit na siya kaya naman nagkaroon ako ng oras para titigan siya ng matagal.

I really admire this man.

Sa sobrang greenflag, mararamdaman mo na lang na ikaw yung red flag. Sobrang swerte ng babaeng papakasalan niya. Hindi ko naman sinasabi na iba ang papakasalan niya gayong nandito ako sa tabi niya.

May pagkakataon kasing pwede pang magbago ang lahat. Bakit? Dahil wala namang permanente sa mundo. Lokohan lang kung meron man.

The only permanent in this world is change.

Everything changes and nothing remains still. Tulad na lang noon nung nasa puder ako ng ex-husband ko. Madaming nagbago at hanggang ngayon ay patuloy na nagbabago. Time changes everything. Sometimes it hurts a lot, but sometimes it's for the best

Pero siguro ang hindi lang magbabago ang pag-ibig ng Panginoon. Makasalanan ka man, tatanggapin ka niya at papatawarin.

That's also my goal, to live a life with no anger, no unforgiveness, no hatred. Just living with love.

I'm wondering kung ganito parin ba kaming dalawa pag nagtagal? Sobrang hirap na din kasi tumaya eh.

Pero kung siya na nga, bakit hindi?

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon