Chapter 39

955 31 5
                                    

Chapter 39

Nang makarating kami sa office ay hinubad ko na ang sapatos niya at sinuot ang heels ko. Inilapag niya din ang aking gamit sa lamesa.

"Heels pa rin ba ang susuotin mo? Pagpumunta tayo doon ay sa buhangin parin tayo dadaan."

Lumingon ako sa kaniya. "Wala akong choice, alangan namang pumunta ka doon ng naka medyas lang?"

"It's okay, I can handle." Ang yabang niya naman kung ganon.

"No, kaya ko naman." Resposibilidad ko ang sarili ko, bakit nga kasi nagheels ako? To look professional??

"Just wait me here." lumabas siya ng office ng hindi pa hinihintay ang sagot ko kaya inayos ko na ang mga dadalhin ko.

Nakajeans naman ako at white polo kaya hindi ko na kailangan mamoroblema kung pataas-taas man ang palda ko.

Umupo saglit ako at tinawagan si Manang Linda, nakakamiss naman kasi ang bunso ko. Nang makailang ring ay sinagot na agad ito.

"Oh ija, napatawag ka? Si Jeon ba kakausapin mo?" magalak na bati sa akin ni Manang.

"Opo Manang, nakapasok na po ba siya?"

"Ay oo, andito ako ngayon sa school nila. Binabantayan ko ang anak mo, teka lang tawagin ko."

Pipigilan ko sana kaso narinig ko na lang ang boses ni Jeon na sumisigaw sa kabilang linya.

"Mommyyyy! I miss you so much." nangilid naman agad ang luha ko dahil sa narinig kong boses niya.

"I miss you too anak ko. Kamusta naman ikaw? Behave ka ba diyan habang wala si mommy?"

"Yes naman po, si Jillian lang po ang hindi." Napatawa naman ako ng banggitin niya ang anak nila Kuya Caden.

Lagi siyang nagsusumbong sa akin pero kapag magkasama naman ang dalawa ay sobrang kulit nilang dalawa.

"Wala pa ba ang teacher mo?"

"Recess po namin ngayon mommy pero malapit na po ang bell." Buti naman natimingan ko ang tawag sa kanila kundi baka mamaya ko pa ulit sila matatawagan.

"Oh sige, babye na din baby. Focus ka muna sa class, tawag na lang ulit si mommy later. Babye."

"Babye mommy, namimiss kita agad."

Narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Wonu. Kaya naman tumalikod ako ng konti at mejo hininaan ang aking boses.

"Me too, I'm gonna miss you so much."

"I love you mommy, babye." narinig ko pa ang paghalik niya kaya napangiti ako.

"I love you too pogi." Huling sinabi ko bago ibinaba ang tawag.

Humarap naman ako at tumayo. Nangunot ang noo ko sa kaniya ng may inabot siya sa aking ecobag.

"Ano yan?" may nakita akong rectangular box sa loob noon. Seryoso ang mukha niya pero nakakatakot ang aura, anytime ay pwede yata siya mangangat.

"Basta, kuhain mo na lang." Gaya ng sinabi niya ay kinuha ko iyon at binuksan ang laman ng kahon.

Flipflops?

"Ano toh?" Sinilip ko siya sa may office chair, nakataas pa ang paa niya at magkasalikop ang kaniyang kamay.

"Ipakain mo sa pogi mo." Seryoso ang mukha niya.

Anong pogi ko?

"As you can see, flipflops. Binili ko para sayo." Lumingon siya sa akin at itinaas ang isang kilay.

"Alam mo? Hindi mo na kailangan bumili, sinabi ko sayong kaya ko naman maglakad gamit ang sandals ko."

"It's for you, gamitin mo ngayon."

"Ibabawas mo ba toh sa ibibigay niyo sakin? Wala kang permiso mula sa akin ha." mejo tumaas ang boses ko.

Ewan ko ba, umiinit talaga lagi ang ulo ko kapag nakikita ko siya.

"Isuot mo na lang kasi."

" Huwag mong pinapalaki ang sitwasyon, bakit nga may ganito?"

Tapos isusumbat niya sa akin nabili niyang ito? Ganon ba?

"Hindi ko pinapalaki, ikaw tong nagpapalaki. Pera ko ang gamit diyan, wala akong balak singilin sayo. Basta suotin mo na lang."

Hindi ko na siya inimikan at isinuot na lang ang flipflops. Laking gulat ko pa ng sakto ito sa paa ko.

"How did you know my size?" halos pabulong kong tanong sa kaniya.

"Mula sa bra mo hanggang baba ay alam ko ang size mo. Wag ka na magtaka." he smirked.

"Bastos ka talaga kahit kailan."

"Saan ako naging bastos don? Dahil alam ko ang size ng bra mo?"

Biglang tumaas ang lahat ng dugo ko mula sa kasulok-sulokan ng bawat katawan ko. Is he flirting with me?

"Wag ka naman sana maging bastos sa harapan ko Mr. Tiangson. No wonder kung lahat ng babaeng makikita mo ay tinitira mo. Ganan ka na ba kabastos sa mga babae?" I'm trying to be calmed and relaxed in front of him.

I don't know what my point is but one thing for sure nakakawala siya ng respeto. Kung isa iyon sa mga biro niya well, hindi ako natutuwa.

"What are you trying to say? Binilhan lang kita ng tsinelas tapos babae? Eh ikaw nga lang yung babae ko."

I laugh sarcastically.

"Talaga ba Tiangson? Baka gusto mong isa-isahin ko yung mga babae mo. Magmula sa kabit mo hanggang sa sekretarya mo!" hindi ko parin talaga maiwasan banggitin ang nakaraan.

I'm trying to forgive him, pero sobrang hirap. Ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na huwag siyang tularan ngunit hindi ko mapigilan ilabas lahat ng sama ng loob.

" I told you, listen to my explanation first so that you know my side."

"Know your side? Ano bang side mo? Opposite? Hypotenuse? Adjacent? Sabihin mo! Para macompute ko kung gaano kasama ang ugali mo"

Bumuntong hininga siya at bumulong. "You're not the woman I used to know."

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang dapat na magiging ugali ko? Maging masaya dahil sinaktan mo ako? Matuwa sa mga pinagdaanan ko sayo? C'mon Jay Wonu. People Change!" I burst my heart's out.

Hinilot niya ang sintido niya bago tumayo at lumapit sa akin. He hold my hand. Hinayaan ko siya dahil kung magpupumiglas pa ako ay baka tuluyan na akong ma highblood sa harapan niya.

"Makinig ka sakin, pwede bang sa ngayon muna ay huwag muna tayo magaway? Wag mo munang ungkatin ang nakaraan dahil alam kong mali ako non. Sising-sisi ako kung alam mo lang." he kissed the back of my hand.

"Pwede ba nating subukan muli?"

Nakatingin lang siya sa akin, wari'y sinusuyo ako sa bawat salita na inilalabas niya.

Hinila ko ang aking kamay mula sa mga labi niya at tiningnan siya ng mariin.

"Hayaan mo na lang ako Wonu, masaya na ako at sana ganon ka din. Hinding-hindi na ako uulit sayo. Napagod na ako eh, kung alam mo lang kung gaano kahirap ang kalimutan ang nakaraan ganon din kahirap ang magtiwala sa ngayon."

Tinalikuran ko siya at lumabas ng office.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon