Chapter 19

947 28 4
                                    

Chapter 19

Changes? Sobrang hirap yet sobrang satisfying.

Isang buwan ang lumipas and all I can say? We're trying to work things out really.

Maganda naman ang kinakalabasan pero there are instances na hindi talaga kami nagkakaintindihan.

"Nako sinasabi ko sayong bruha ka. Sumubok ka na naman sa relasyon niyong dalawa. Baka mamaya lalapit ka saking umiiyak-iyak ha? Masasampal talaga kita" Nathan said.

Nandito kami ngayon sa Starbucks kung saan nagkita kaming dalawa para nga ikwento sa kaniya ang mga pagbabago ni Wonu.

Nakakapagtaka lang kasi. Yung mga kulang niya as husband ay pinunan niya talaga.

Ang bilis naman siguro.

"Eh noon kasi ako lang yung gustong sumubok, but now? I'm with him. Mapapadali ang relasyon namin kapag parehas kami diba?" Sumipsip pa ako sa Neapolitan Frappuccino ko.

"Yun na nga eh. Imagine ha? Ilang beses ka na niyang sinaktan physically and mentally tapos bigla sa isang gising mahal ka na niya?"

"Hindi naman niya ako mahal, pinaramdam niya lang muna" pagdahilan ko pa dito.

Totoo naman diba? I haven't heard him saying those three words.

"Pati, hindi naman totally na sa isang gising niya ay ganon agad siya. Remember? Nung nagaway kami sa bahay nila mommy niya? We've decided na hayaan namin ang isa't isa and naging better naman."

"O yun pala eh, pero hindi ba sobrang nakakapagtaka? You've told me earlier na nung first night niyo ni Wonu, ang tawag niya sayo Brianna? Then pagkagising mo, nilulutuan ka na ng breakfast at naging sweet siya nung nakaraang buwan?" I nodded.

" Eh nasan si Brianna?" Doon ako natigilan.

What if kaya siya ganon sa akin ay dahil wala si Brianna?

"Malay mo may conflict between them?"

" Aish tumigil ka na nga. Ang mahalaga, nagiging maayos na kami. Can you be happy for us?" Saad ko

" Masaya ako sayo, pero hindi ako masaya sa inyo. Bakit kasi hindi na lang si Caleb? "

Speaking of Caleb, I've never seen him in the past few days. The last time I've saw him when we're at Tita's party then after that, nawala na siya.

"Caleb ka diyan, kaibigan ko lang yon noh"

Walang namamagitan samin. We're friends.

" Kaibigan ba nga? Tanda ko pa non nung naikwento mo sakin na nadroga ka then siya ang tumulong sayo. He inser-" nilagyan ko ng cinnamon coffee cake ang bunganga niya.

"Kumain ka na lang diyan"

Inirapan niya ako bago ninguya ang isinubo ko sa kaniya.

Natapos na din ang chikahan namin ni Nathan at sinundo na ako ni Wonu agad.

"How was your chika with him?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Really? Gusto din ba niya makichismis?

"Goods naman, why?" I looked at him.

He's on his suit, galing sa company niya. Hindi ko naman siya sana tatawagan kaso siya na ang nag insist na sunduin ako.

"What do you mean by why? Is it a crime to ask?" Sumulyap pa siya sakin bago ibinalik ang tingin sa daan. "Let's eat a lunch together"

Aangal sana ako dahil kakain ko lang sa Starbucks, but I just nodded. Baka kasi hindi pa siya naglulunch.

"Sure"

"Saan mo gusto?"

Sayo.

"Uhm kahit saan" all goods naman ako kung saan niya ako dadalhin.

"As far as I know walang kainan na kahit saan?" Is he joking? Joke ba niya yan?

"Ahh it's up to you" I awkwardly smile.

He nodded.

Napansin ko na lang na nandito na kami sa Five star restaurant. Ang Josephine. It's a long-running buffet spot in Tagaytay.

Ihahatid niya siguro ako sa bahay. Sa Tagaytay kasi nakatayo ang mansion namin ni Wonu.

"What do you want?" Nang makaupo na kami ay tinanong niya agad ako.

"Tulad na lang din ng sayo"

Matagal-tagal pa ang hihintayin namin bago kumain kaya naman itinuon ko ang pansin sa mga musikero na nanghaharana sa mga tulad din naming kumakain.

Ang cute tingnan.

"You want them to serenade you?" napatingin ako sa nagsalita.

"Uh no, mahal ang bayad diyan noh"

Hindi niya ako pinansin at tumawag ng waiter at may binulong.

Hindi nagtagal ay lumapit samin ang nanghaharana.

Pinanlkihan ko ng mata si Wonu.

Seriously?

Nagsimula ng tumugtog ang mga matatanda at kumanta na din.

"Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago"

Sana nga eh.

"Kailanman. Nasaan ma'y ito ang pangarap ko"

Bakit ganan yung kanta? One sided love lang naman po ang ganap samin.

Nakailang kanta pa sila bago umalis sa harap namin.

Napangiti naman ako sa naganap. Ngayon lang may nang harana sakin, hindi man si Wonu. Pero dahil sa kaniya, naranasan ko.

Lord, sana this time. Ako naman.

Kumakain na kami ngayon ay naguusap naman kami kung may paguusapan.

Sa nangyayare ay masasabi ko lang na mas nakikilala ko ang asawa ko. It felt like heaven.

Ang dating pangarap ko para saming dalawa, unti-unti ng natutupad.

Masaya ako ngayon. Hindi ko maiwasang manganib sa susunod pang araw.

Every happiness there is a sadness.

Di bale na, susulitin ko na lang ang mga bawat araw na kasama ko siya.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon