Chapter 40
Lumabas ako ng office dahil sa naging sagutan namin ni Wonu. Naiistress talaga ako sa lalaking iyon, ano pa bang gusto niya?
Kinukuha niya ulit ang loob ko tapos ano? Magpapakita ng motibo bago ako sasaktan? No, never again.
Tama na yung naging katangahan ko noon, and I bet he's on relationship with Brianna, kasal na nga at may anak na siguro sila. Bakit ba ayaw niya ako tantanan?
Eto na nga ba ang sinasabi ko kapag nagtagpo ang landas naming dalawa. Naglalakad lang ako palayo sa office at dumako sa malapit sa dagat. Inilibot ko ang aking paningin at napansing maraming tao ngayon na nagdadagat. Halatang mga turista at mayayaman.
May mga stalls din pala dito ng kahit ano kaya pala hindi na nahirapan si Wonu na bilhan ako ng tsinelas dahil may mga souvenirs din dito na tinitinda.
Nilingon ko ang dagat. It's very calming and relaxing. Gusto ko man tumigil dito ngunit hindi matutuloy dahil naririnig ang pangalan ko mula sa boses ng isang lalaki.
"Let's go, here's your bag." tumingin ako sa kaniya.
Inabot ko naman ang bag ko at hinayaan siyang maglakad pauna habang hawak-hawak ang mga documents. Nakatingin lang ako sa dinadaanan naming dalawa.
"Sa isang sasakyan na lang tayo dahil mejo malapit naman. Don't worry I will drove you here kapag sinabi mo."
Hindi na ako umimik at nang makita ang sasakyan niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat pero binuksan ko ang likod at doon pumasok.
Nakita ko pa ang saglit na pagtigil niya bago umikot at sumakay sa driver seat. Hindi ko siya pinansin pero ramdam ko ang titig niya mula sa rear mirror ng sasakyan.
I crossed my arm then my legs. Deretso lang akong nakatingin sa harapan. Nakita ko pang inilapag niya ang documents sa may dashboard.
"Dito ka sa tabi ko." sinilip ko siya sa rear mirror.
I rolled my eyes at him. "No, I'll be fine here."
He sighed. "Gagawin mo akong driver?" tuluyan na siyang tumingin sa akin.
"Bakit? Diba dapat ganon naman? Hatid-sundo ang engineer ng driver ng company?"
Ano bang pinuputok ng butsi niya? Pumayag na nga akong isang sasakyan na lang kami papunta doon.
"I'm not a driver." mahinahong saad niya, wari ko'y nagpipigil na naman siya ng inis.
"Eh bakit ikaw yung sumama? At hindi yung driver ng company niyo?" hindi ko maiwasang magtaas ng boses, nakakasura lang.
Humarap na siya sa harapan kaya hindi niya makikita kung irapan ko man siya ngayon. "It's my responsibility to be with you during your first visit. Kaya ako ang kasama mo. I don't want to repeat myself again pero kapag ikaw sige lang."
"Tatabi ka ba sa akin? O tatabi ako sayo?" his deep baritone voice shivers me.
"Kapag ba tumabi ka sa akin? Sino ngayon ang magdadrive Mister Tiangson?"
I didn't mean to say that, gusto ko lang ipamukha sa kaniya na ang bobo niya sa parteng iyon.
"Edi hayaan natin, baka aandar siya mag-isa. Ano, gusto mo talaga sa backseat noh? Para mas maluwag." he smirked.
Hindi na ako nakapagpigil at bumaba na sa backseat at sinarado ko talaga ng malakas. Masira na kung masira, mayaman naman siya kaya niya ngang bumili ng babae eh.
Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at walang alinlangang umupo doon.
Akmang lalapit pa siya sa akin para ipagkabit ako ng seatbelt kaso tinapik ko ang kaniyang kamay at ako na ang nagkabit noon. Sinamaan ko pa siya ng tingin.
"Oh ano pang tinitingin-tingin mo diyan? Magdrive ka na." inirapan ko siya.
He chuckled. "Did you just rolled your eyes at me?"
"Hindi ba obvious?"
"I'm just wondering kung saan mo natutunan yan, may nagturo ba sayo nan?"
Bakit ba ang dami niya bang tanong, trabaho yung pinunta ko dito, hindi yung pakikipagchismisan kasama siya. He's too unprofessional.
"Can you please just drive? I'm not here for an interview. I'm here to work. " pinigilan ko ang aking inis dahil baka hindi ko siya matantsa.
*
Lumipas ang maghapon at nakaupo ako ngayon dito sa loob ng mini office, lounge area lang ito exclusively for engineers and officers.
Nagaayos lang ako ng mukha ngayon dahil paalis na din ako. Pero dadaan muna ako sa may malapit sa resort para kuhain ang sasakyan.
Pinapahiran ko ang aking mukha gamit ang tissue ng may pumasok sa loob. Akala ko pa ay si Wonu ngunit si Caleb ang binungad nito.
"Hey, how are you? Have you eaten?" Lumapit sa akin si Caleb at hinalikan ako sa pisngi.
"Um" I just nodded and continued on what I'm doing.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko ng umupo siya sa aking tabi ay niyakap ang aking bewang, sumobsob pa to sa aking lap.
Hindi na ako nabahala sa position niyang iyon dahil sigurado naman akong walang basta-basta papasok dito.
"Galing ako sa Brialliantes Corp."
Bakit mukhang araw-araw siya doon? Araw-araw bang may kailangan siya? May dapat ayusin doon? Pirmahan at meeting lang naman ang magaganap doon. Why he needs to be always there?
"Si Nathan, kailan mo bibisitahin? Andon na din pala sina Tita kaya batak ako ngayon sa trabaho. I need rest."
"Siguro bago ako umuwi sa Batangas." nagsimula akong maglagay ng foundation sa aking mukha.
Lumipas ang ilang minuto ng hindi ko na marinig ang boses niya dahil malalim na hininga ang naririnig ko. He fell asleep.
Tumingin ako sa maamong mukha niya, lumapit ako doon at hinalikan siya sa kaniyang noo.
Sa paglapit ng aking labi sa kaniyang noo ay hindi ko maiwasang masaktan dahil sa naamoy kong pabango ng babae. I'm not stupid para hindi maamoy iyon, I've been with Caleb for almost six years at saulong-saulo ko na ang kaniyang amoy.
This isn't him, hindi ito si Caleb na maalaga at mapagmahal. He's cheating on me.
Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si Wonu, with his tiring eyes.
Bakit naman siya pagod? Naghalo ba siya ng semento? Eh ako nga tong pagod at project ko toh.
Napatigil siya ng makita niya si Caleb na nakahiga sa mga hita ko.
"I'm sorry, tatanungin lang sana kita kung uuwi na tayo? Pero" lumipat ang tingin niya sa tulog na tulog na si Caleb.
"Pero mukhang may maghahatid na sayo. So, I gotta go. Bye, ingat ka." akmang magsasalita pa ako ng lumabas na siya ng opisina.
Bahala siya sa buhay niya.
Ginising ko na si Caleb at inaya na siyang umuwi na. "Bakit ka ba puyat? Hangover ba yan?" tanong ko ng tumayo na siya at inayos ang buhok.
"Uh yeah, sakit ng ulo ko. Pinuntahan kita dito dahil miss na kita." yumakap agad siya sa akin.
"You don't have to do that, andito naman si Wonu para asikasuhin ako. Baka mamaya, pagod ka. Ayokong makaabala."
"Nah it's fine."
I'm expecting his answer to be 'hindi ka abala sa akin' but it turns not. Minsan talaga kailangan nating ibaba ang ekpektasyon natin para hindi tayo nasasaktan.
Inakay niya na ako palabas at pasakay ng sasakyan niya bago pinatakbo pauwi sa condo.
"Gusto mo ba kumain muna tayo? Para hindi na tayo magluluto mamaya." he asked me.
"Ikaw bahala." iniliko niya ang sasakyan sa isang resto.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
RandomI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...