CHAPTER 7

675 18 0
                                    

Chapter 7

"Good morning, I'm looking for Jay Wonu Tiangson" sabi ko sa front desk nila.

"Any appointments ma'am?"

Asawa po ako ng gago niyong CEO.

"Uhm nothing" syempre hindi ko yung sinabi edi lalo kong ginalit iyon.

"I'm sorry ma'am. Pero hindi po kasi kami nagpapasok sa office niya kapag wala pong appointment. Kabilin-bilinan po iyon ni Sir."

Napairap ako ng patago.

" I'm his friend, don't worry. I have already texted him na pupunta ako ngayon" sinabi ko na lang at tinalikuran siya.

Hindi niya na ako pinagbawalan kaya naman sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor ng office niya.

Papasok na sana ako ng office ni Wonu ng pigilan ako ng assistant secretary niya na lalaki.

"Uhm ma'am, pinagbabawal po ni Sir na may pumasok kahit sino po" humarang siya sa daan.

Itinaas ko ang kilay ko sa kaniya. Bakit ba ang daming barrier dito?

"Kaibigan niya ako and he already knows na pupunta ako ngayon" kahit hindi naman.

Ibibigay ko lang naman ang lunch niya eh, kahit pinagbabawalan niya ako pumunta sa office niya ay hindi ko sinunod. Sayang naman ang punta ko dito noh.

"Mam bawal po talaga eh, lagot po ako kay sir neto. Baka po matanggal ako" nagkamot siya sa ulo at halata ang nerbyos sa tindig niya.

Grabe naman yang boss mo.

"Ako bahala sayo, don't worry" ngumiti na lang ako sa kaniya at pinihit na ang pinto ng office niya na dapat pala hindi ko na lang ginawa.

Nakaupo sa kandungan ni Wonu ang secretary niya at naghahalikan sila. Kitang-kita pa ang kamay neto sa dibdib ng babae.

Nasaktan ako, pero hindi ko pinahalata.

Tuluyan akong pumasok sa loob at hindi man lang inabalang lingunin pa silang dalawa.

Inilapag ko ang lunch box sa lamesa niya mismo.

"Eto lunch mo kung ayaw mong kainin, ipakain mo diyan sa kajugjugan mo ng mawala ang pagiging makati niya" hindi ko siya nilingon at umalis na lang.

Tangina naiiyak na naman ako. Kahit naman magbulagbulagan ako eh apektado parin ako sa nakita ko.

Mabilis akong sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor.

Ayoko na dito.

Dapat nga talaga sumama na lang ako kay Nathan na bumalik sa condo niya para naman hindi ko makita ang kababalaghang ginagawa nila.

Nandito na ako sa parking lot at balak hintayin si Nathan kaso mukhang matatagalan siya kaya naman umupo ako sa bench dito at kumuha ng sigarilyo at sinindihan.

Ibinuga ko na lang ang galit ko sa kaniya.

"I don't know that you're smoking" umirap ako sa narinig kong boses.

" Wala ka na don" at humithit pa ng sigarilyo.

" Kaibigan ko ang asawa mo, paano na lang kung makita ka niyang naninigarilyo? "

Bakit ba ang hilig niyang mangealam sa buhay ko?

" Wala siyang pake sa akin, kahit makipagsex pa ako sa iba wala siyang gagawin" hindi ko siya nililingon.

" Kahit makipagsex ka sakin?"

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Siraulo ba siya? As if naman makikipagsex ako sa kaniya.

"Well, I'm just protecting your image towards to your husband"

"At bakit? Bakit ka ha nangengealam?" Hindi na ako makatiis at nilingon ko siya.

"Asawa ka ng kaibigan ko, I should take care of you." the fuck?

"Kaibigan ka man ng asawa ko eh labas ka na sa buhay ko" bago tinalikuran siya.

Took care of me? Really? Dahil lang hindi nagagampanan ni Wonu ang pagiging Asawa niya sa akin ay siya ang pumupunan? Crazy Bastard.

Magkaibigan nga sila ng asawa ko, parehas gago.

Pumara na lang ako ng taxi at umuwi na lang. Bahala si Nathan don maghanap sakin, text ko na lang siya mamaya.

At dahil wala akong magawa ngayon sa bahay eh natulog na lang ako.

Nagising ako ng magaalas sais at buti na lang wala pa si Wonu kaya naman nagluto ako ng dinner.

Nang matapos na akong makaluto ay inihain ko na ito at binuksan ang gate dahil nagdoorbell na ito.

Nagpark na siya at inunahan ko na siya pagpasok sa bahay.

Nang inaayos ko ang mga plato eh may narinig akong boses babae.

"Hon, let's go" nagsalubong ang kilay ko ng marinig kung sino iyon. Nilingon ko ito at nagulat ng makita kung sino iyon.

His true love, Brianna.

Anong ginagawa niya dito?

Para akong hangin lang dito dahil hindi man lang sila lumingon sa pwesto ko. Umakyat na silang dalawa sa taas.

Pinunasan ko naman agad ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.

Nagbalikan silang dalawa? Kailan pa?

Sabagay, sino ba naman ako para umalma? I'm his Unwanted Wife.

Niligpit ko na lang ang pagkain na hinain ko, hindi na ako kumain. I lose my appetite.

Pumunta ako sa mini bar namin dito sa bahay at doon kumuha ng alak. Minsan ko lang naman toh gawin kapag sobra na akong nasasaktan

Binuksan ko ang alak at walang atubling nilaklak ito na parang tubig lang.

May punto talagang kahit na alam mo sa sarili mong ginawa mo lahat, parang kulang parin.

Wala naman akong ginawa masama diba? Ginawa ko lang naman ang kagustuhan ko eh, mali ba iyon?

Kagustuhan ko na ayaw ng lahat.

Umakyat ako sa taas para kumuha sana ng sigarilyo ngunit nakarinig ako ng masama sa pandinig ko.

Lumingon ako sa pinanggalingan ng ungol. Sa kwarto ng asawa ko.

"Uhhh W-wonu...... deeper"

Natumba ako sa pagkatayo ko at napasandal na lang sa pinto ng kwarto niya.

Hindi ko na kaya. I can't help but to cry.

Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit kahit anong punas ko ay patuloy parin ito sa pagtulo.

I be like 'I don't care' then my chest start hurting.

"Ginusto mo akong pakasalan diba? Ngayon, gustuhin mo naman ang kagustuhan ko" bago niya ako tinadyakan sa aking sikmura

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako saktan noon nung nakita ko siyang may kahalikang iba sa office niya. Sinaktan at tinadyakan ako niya noon sa office ng sabunutan ko ang babae niya.

Kontiing tiis na lang Avisa, konti pa.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon