Chapter 16

761 23 3
                                    

Chapter 16

Tiningnan ko bawat sulok ng area na ito. All of them are watching me.

Kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataon at hinila ko na ang tali ng robe ko at hinayaang pumatak ito sa sahig.

Now, my body was exposed.

I heard them gasped.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan ng pool at unti-unting nilubog ang aking katawan.

Nagswimming na ako papunta sa gawi nina Ate Lana.

Nakita ko pa si Caleb, kaya eto siya ngayon. Nakangisi sa akin.

"You got slayed Avisa, look at your hubby" Ate Lana said.

Hindi ko tiningnan ang gawi nila Wonu at nginitian na lang si Ate Lana.

" Sexy as always Ysabelle" Caleb smirked at me.

Lumapit siya sa akin at naramdaman kong humawak siya sa magkabilang bewang ko.

"Gusto ulit kitang makitang pinapasaya ang sarili" bulong niya sa akin.

Nag-init ang pisngi ko at bahagya siyang tinulak sa balikat. Ngunit hindi siya natinag.

Mabuti na lang talaga madilim sa pwesto namin at hindi kami makikita nina Tita kung sakali mang pumunta sila dito.

"Wrap your arms around me Ysabelle" Patuloy parin si Caleb sa pagbulong sa akin.

Habang si ate Lana naman ay nakipagkwentuhan sa mga ibang pinsan niya kaya kaming dalawa lang ni Caleb ang naiwan.

"Why would I do that?" mariing bulong ko sa kaniya.

" Paselosin natin ang asawa mo, ewan ko na lang kung hindi pa siya lalapit sayo at aagawin ka mula sa akin" I hate his idea pero nakita ko na lang ang sarili kong tumango sa kaniya.

Isn't it interesting?

" As if naman gagawin niya yon" tuluyan kong pinulupot ang mga braso ko sa leeg ni Caleb.

Itinulak niya ako palapit sa kaniya hanggang sa magkalapat na ang mga katawan namin.

"Trust me, Ysabelle"

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pagkatapos niyang sabihin ang totoo noon sa amin, nagtiwala na ako sa kaniya. Kahit loko-loko ay may respeto parin ang gago.

"Paano kung" I paused for awhile.

"Paano kung hindi niya gawin?" Kinakabahan parin ako. Baka masayang lang ang effort naming pagselosin siya.

Pati as if naman magseselos yon? Kaakbay niya nga ang babe niya eh.

"Edi ipilit natin"

"At kung hindi parin mapilit?" nauto na naman ako ni Caleb.

" Edi akin ka na" bahagya ko siyang tinulak.

" Just kidding. I don't have any intention to you"

Inirapan ko siya.

Matagal pa kaming nagkakatitigan. Hinihigop niya ako sa bawat tingin.

Nakita kong napatingin siya sa likuran ko at bigla na lang niyang inilapit ang mukha sa akin at akmang hahalikan ako nang may biglang malakas ang humila sa akin palayo.

"Wag ang asawa ko, Batumbakal" mahina ngunit madiin na banggit ni Wonu.

"Bitawan mo nga ako" nagpupumiglas ako mula sa pagkahawak niya, madiin kasi siya humawak, feeling ko tuloy namumula na ang braso ko.

Hindi niya ako binitawan at hinila ako paalis ng pool. Pagkaangat namin ay ramdam ko ang simoy ng hangin na tumatama sa katawan ko.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya hindi na ako nagpumiglas pa sa kaniya. Nakita ko na lamang ang sarili ko na kasama siya sa likod ng bahay.

Binitawan niya ako tsaka hinarap.

"Bat mo ba ako dinala dito?" sigaw ko sa kaniya dahil kung normal lang ang boses ko ay tiyak na hindi niya ako maririnig.

"Pati ba naman si Caleb? Ano? Nasarapan ka ba noon kaya tinutukso mo ulit siya ngayon? Para ano? Para tir-" hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin ng sampalin ko siya.

"Ang kapal mo" halos pabulong na ang pagkabanggit ko ng magsimula na namang tumulo ang mga luha ko

"Ang kapal mong sabihin yan" napuno na ako ng galit sa loob-looban ko, sumama pa ang alak na nainom ko kanina.

"Nung kalampungan mo ang babae mo. May narinig ka ba sakin? Kapag ba lagi mo siyang kasama? laging dinadala sa bahay, may narinig ka ba? umangal ba ako? Hindi diba? Hindi" 

Nakakatawa lang kung paano kami nagpakitang tao sa harapan ng mga magulang niya kanina ay dito pa kami nagbangayang mag-asawa sa likuran ng bahay nila.

"Pero yung siraan mo ang pagkatao ko? Hinding-hindi ko yon kayang tiisin. Pagod na ako Wonu, pagod na ako maging asawa mo. Yung tadyakan? sampalin? saktan? at ikulong? Ginawa mo akong hayop Wonu!"

Dinuro-duro ko ang dibdib niya.

Hindi ko na kaya, sobra na akong nasaktan. Wala na namang dahilan para ipagpatuloy pa ang kasal na ito. Parehas na kaming nasasaktan.

"You know what? Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan. Babalikan ko ang mga oras na dapat iniwasan ko ang makilala ka."

Nakatingin lang kami parehas sa isa't isa.

Ako na basang-basa ang mukha dahil sa luha, siya namang hindi mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya.

"Dahil simula nung makilala kita? Isinampal mo na din sa akin kung bakit hindi na lang ako sumama sa mga magulang ko. Alam ko namang kasalanan ko lahat kaya ganon ang mga ginagawa mo sakin, pero"

"Pero bakit mo ako kailangan saktan ng paulit-ulit? Tanggap ko na naman eh, tanggap ko na ang pagkakamali ko. Pero dapat ba ganito yung balik?"

Ilang beses ko pa siyang sinuntok sa kaniyang dibdib hanggang sa mapagod ako.

Pinahid ko ang mga luha ko at pilit na tinitigasan ang pagsalita.

" Kung ganito na lang din naman, mabuti pang hayaan na lang natin ang isa't isa hanggang sa puso ko na mismo ang sumuko sayo"

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon