Chapter 36

1K 29 9
                                    

Chapter 36

Hapon na ngayon at napagaralan ko na din ang dapat pagaralan. Bukas siguro ay pwede na akong pumunta sa site kung saan ito itinatayo.

May kumatok ng tatlong beses sa pinto bago ito binuksan, nakita ko si Kleo na may hawak na papel.

"Ah ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir Wonu. He needs to discuss some important things to you po" ngumiti siya sa akin.

"Oh bakit hindi dito sa office ko?" sorry na agad sa rude tone ko, hindi ko naman kasalanan na naasar ako sa boss niya.

"Uh wait po, tanungin ko lang si Sir" kumamot siya sa ulo bago siya tumalikod para umalis.

Siya yung may kailangan, siya dapat ang nagaadjust.

Sinilip ko pa ang office ni Wonu at nakita siyang nakaupo doon habang nakasingkit ang mata.

Lumabas mula doon si Kleo na kumakamot sa ulo. May kuto ba siya?

"Ah ma'am, doon na daw po dahil may ibibigay po siya" sabi niya ng makapasok muli sa loob ng office ko.

"Bakit? Hindi ba niya kayang ibigay dito?"

Umasim muli ang mukha ni Kleo at lumabas ulit para pumasok sa office sa kabila.

Nakita kong umiigting na ang panga niya na para bang kanina pang nagpipigil sa katigasan ng ulo ko.

Ngumisi ako sa kaniya nang mahagip niya ang tingin ko. Nagadjust ako ng apat na taon sa iyo.

"May mga iaabot din daw po kasi si Sir na nandon sa loob ng office niya at mahalaga daw po" hindi ko namalayang nakapasok na ulit si Kleo sa loob sa tagal kong nakangisi kay Wonu habang siya naman ay nakatingin lang sa akin ng mariin.

"Hindi ba pwedeng bitbitin dito?"

Lumabas siyang kamot-kamot ang ulo. Hindi naman nagtagal ay bumukas ulit ang pinto, sa pagaakala kong si Kleo ulit ngunit si Wonu ang bumungad dito.

"Hindi ko naman alam na gusto mo pala akong makasama sa office mo" naningkit ang mata ko sa binungad niya sa akin.

Pumwesto siya sa kaharap ko at inilapag ang folder at susi ng kotse?

"Ang kapal mo naman diyan Jay Wonu, hanggang ngayon ba naman magaassume ka parin na gusto kitang makasama? Tapos na ako sayo"

Ilang ulit pa ba niyang ipapamukha sa akin na nagpakatanga ako sa kaniya? Aware ako sa ginawa ko at sana mas aware siya sa ginawa niya sa akin. Hindi niya lang ako sinaktan, kundi dinurog niya ako.

"I'm just kidding. Eto ang file sa hotel resort na ginagawa. Lahat ng need mong information ay nandito lahat sa folder at here's the key. Pinapahiram kita ng sasakyan." tumingin ako sa inaabot niyang susi ng isang sasakyan.

"Hindi ka pwedeng magdesisyon ng mag-isa lang. Wala si Caleb."

Anong purpose ng pagiging dalawa ang Chief Executive Officer?

"Bakit naman hindi? He decides on his own at ganon din ako" tumayo ako para pantayan siya ng tangkad ngunit mejo nakatingala ako sa katangkaran niya.

" Hindi ka pwedeng magdesisyon para sa akin. Si Caleb ang may hawak sa akin at hindi ikaw."

"Who says that? Ako ang kumuha sayo kaya responsibilidad kita. "

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, lalo naman namuo ang inis na matagal ko ng inipon.

"Para ano? Para saktan ako ulit? Para kontrolin ako na parang hayop? Ganon ba?" hindi ko maiwasang pagtaasan siya ng boses.

Masisisi niya ba ako? Ngayong kaya ko ng magsalita sa kaniya ng hindi niya inaapakan ay gagawin ko. Hindi na ako katulad ng dati.

"Wala akong masamang intensyon. Ayokong makipagaway sayo" halos pabulong na ang boses niya.

Umiigting ang panga neto dahil sa pagpipigil. Bakit pa siya nagpipigil? Saktan niya ako kung gugustuhin niya, ganon naman siya diba? Ano pang dahilan at nagpipigil siya?

" You know what, I'm sick of this. Wag mo na lang akong kausapin" kinuha ko ang susi na inaabot niya at umupo na.

Bahala siya kung iimik pa siya. Gusto ko lang pigilan ang sarili ko.

"Alright, if you're ready to listen to my explanation. Sabihin mo lang sakin. I'm willingly to tell you my side"

Hindi ako humarap o nagsalita man lang. Para saan pa ang explanation niya? Ipakain niya yon sa ari niya, tutal sobrang libog naman niya at lahat na lang ng babae ay kakadyutin niya. Palibasa basta may butas, pasok na lang ng pasok.

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng office. Hindi ko alam ang oras ng labas ko dahil hindi nabanggit sa akin ni Wonu. Siguro bukas ko na lang itatanong, masyado akong nainis sa kaniya na kahit ang schedule ko ay hindi ko naitanong, binuksan ko naman ang folder kaso puros dokumento lang iyon ng itatayong hotel resort.

Bahala na, gagawa muna ako ngayon ng schedule ko. Hindi na ako nagabalang ilock man lang ang pinto siguro sila na ang bahala dito.

"Kleo, pakisabi sa boss mo na nakaalis na ako" hindi na ako naghintay ng sasabihin niya at umalis na lang.

Wala pa din si Caleb hanggang ngayon, siguro may importante siyang lalakarin kaya nagtagal ito. Nagcheck din ako sa cellphone kung may chat ito kaso wala.

Tinext ko din naman siya na mauuna ako sa condo niya kaya kung uuwi man siya ay dadaanan niya ako ay maiiwasan niya.

Lumabas na ako ng kompanya at pumunta sa parking lot kaso...

"Anong sasakyan ba yun?" Tiningnan ko ang susi at nakita itong Toyota.

Madaming Toyota ang nakapark ngayon, pinindot ko ang unlock nito para umilaw ang sasakyan. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala akong nakitang umilaw. Inulit ko pa ng ilang beses habang naglalakad, kaso wala parin.

Bwisit talaga yung lalaking yon. Anong binigay niya sakin? Sa inis ko ay binato ko ang susi. Wala akong pake kung mabasag man iyon, mapera naman siya at kaya niyang palitan. Huwag lang ikaltas sa sahod ko!

Nakapamewang ako ng may magsalita sa likod. "You're annoyed?"

Isang palakang nagtatangatangahan at halatang naiinis ako ay nagtanong pa!

"Obviously, sino ba kasing bibigay-bigay ng susi tapos hindi sinabi kung saan nakapark??" Lumingon sa kaniya.

Tumawa lang siya bago pinulot ang susi na tinapon ko. Humarap siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"Sino ba kasing basta-basta na lang kumukuha hindi naman pala alam?"

"Edi sana sinabi mo kanina diba?"

Ngumuso siya. "Inaway moko agad eh"

Nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya. At ako pa talaga ngayon?

"Kung sana hindi ka bumanat ng ganon edi sana hindi tayo nagkakausap ngayon" sigaw ko sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin. "Let's go woman, pinagtitinginan ka na ng tao baka sabihin nababaliw ka na"

Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo doon.

"Wow, ako pa ngayon ang baliw? Bitawan mo nga ako" inaagaw ko ang kamay ko sa kaniya ngunit ayaw niyang bitawan.

"Konti na lang, sisigaw ako dito" pananakot ko.

"Then go, I'll kiss you then" hinampas ko agad siya gamit ang isa kong kamay.

"Manyakol ka talaga noh? Kiss mo mukha mo" inagaw ko parin ang braso ko kaso mukhang ayaw niya itong bitawan.

Konti na lang talaga, tatadyakan ko ari neto.

"Bitawan moko, susunod ako sayo" mariin kong saad.

"No, baka makawala ka pa. Hindi na kita hahayaan"

The fudge? Sinasabi ba neto? Mukha ba akong presong nakatakas? Konti na lang talaga.

Parang tanga tuloy akong nakasunod sa kaniya habang hawak ang braso ko.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon