CHAPTER 9

714 23 0
                                    

Chapter 9

Isang linggo ang lumipas at isang linggo ding nandito si Brianna. Hindi niya ako tinatantanan sa pananakit sa akin lalo na kapag wala si Wonu dito, tulad na lang ngayon.

"Bakit ba hindi ka na lang umalis dito?" nasa harapan ko ngayon si Brianna.

Naglilinis ako ng pool ngayon pero heto na naman siya para awayin ako. Hindi naman halatang immature siya.

"Hindi ba dapat tinatanong mo yan sa sarili mo? Ikaw yung sabit dito" 

"At ako pa ngayon? Ako naman dapat ang asawa niya ngayon kundi ka lang umepal" sinigawan niya ako at itinulak.

Hindi naman ako nagpatinag sa kaniya.

"Ang hilig mo naman sa away, ganan talaga kapag walang pinag-aralan"

"Wow, eh sino itong desperada sa ari ni Wonu?" 

Tumawa ako ng sarkastiko sa kaniya. 

"Ganan talaga kapag kabet, nakikihati sa bayag ng may asawa na" at sinampal niya ako.

"What's going on here?" dumagundong ang baritanong boses ni Wonu.

Lumingon ako kay Wonu at gulat ko ng tumakbo ito palapit sa amin at tsaka ako itinulak palubog sa pool.

Masama ang pagbagsak ko pero nakaya ko naman umangat.

Pagkaangat ko ay nakita kong buhat-buhat ni Wonu si Brianna, animo'y sinagip ito mula sa pagkalunod.

Itinayo ni Wonu ang babae at may binulong dito sanhi ng pag-alis ni Brianna habang nakangisi.

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at tiningnan lang si Brianna papaalis hanggang sa mawala ito. Nararamdaman ko parin ang titig ni sa akin ni Wonu kaya naman hinarap ko siya.

"You pushed her!" sigaw neto sa akin.

Nangunot ang noo ko dito.

Malinaw na malinaw na siya ang tumulak sa akin, kamalayan ko bang bakit nasa pool din yung babaeng iyon.

Hindi na ako umimik sa kaniya dahil alam ko namang hindi niya ako papakinggan at papaniwalaan.

"I'm tired to explain my side, so I accept that all of it was my fault."

Nagtiim bagang siya. Hindi ko maiwasang mamangha sa paggalaw ng panga niya.

Hindi siya umimik kaya naman ako ang bumasag ng katahimikan.

"Ano pang hinihintay mo? Gawin mo na ang madalas na ginagawa mo sakin! Lunurin mo ako kung gusto mo. Go, hindi na kita pipigilan"

Kasi pagod na ako, na kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na susubukan kong muli para maayos ang relasyon namin ang ending sisihin ko ang sarili ko kung bakit ko sinubukan.

"Diba iyon ang gusto mo? Ang makitang miserable ang buhay ko? Eto oh! Kitang-kita mo na, hindi ka pa ba nasisiyahan?"

Hindi ko na kinaya ang sitwasyon at tumulo na naman ang luha ko.

"Gustong gusto ko ng sumuko pero hindi ko kaya..... Hindi ko kaya kasi mahal kita. Putanginang pagmamahal ko sayo na dapat hindi ko na lang ginawa"

Nakatitig parin siya ng mariin sa akin. Hindi ba siya magsasalita?

" Ano? Bakit nawalan ka ng boses?" tumigil ako sa pagiyak at pilit na pinapatigas ang boses ko.

"Kasalanan mo lahat ng nararanasan mo ngayon!" he shouted

"Oo na kasalanan ko na lahat. Kasalanan kong pinakasalan ka. Kasalanan ko lahat! Pero sana hindi mo ako ginaganto. Tao lang din ako Wonu, napapagod din ako't nasasaktan." Tumingin ako sa itaas at pinunasan ang luha ko bago tumingin ulit sa kaniya.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang batok ko at inilapit sa kaniya.

Akala ko'y hahalikan niya ako ngunit nagkamali ako.

" I'll never loved a woman like you. You ruined my life, and I'll do the same to you" then he left.

Nandito parin ako sa pool at umiiyak.

Paano niya nagagawa sa akin ito? Paano niya natitiis na nakikita akong nasasaktan?

Hindi din nagtagal eh umalis na din ako sa pool at dumiretso ng kwarto ko.

Ipapahinga ko na lang siguro ito, baka kaya pa.

Hindi ako nagatubling magpalit ng damit sa halip ay hinubad ko lahat ng suot ko at dumapa sa kama at nagtaklob na lang ng kumot.

I'm too tired to change my clothes.

Umaga na ngayon, hindi talaga ako umalis ng kwarto maghapon at mabuti naman ay hindi ako pinarusahan ni Wonu sa ginawa kong iyon.

Nanonood lang ako ng TV ngayon nang makita ko silang pababa na may bitbit na bag.

Saan sila pupunta? Gusto ko man siyang tanungin kaso alam kong hindi siya sasagot.

"We will be having vacation somewhere far to you, baka mapatay mo pa siya" nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Wonu.

So kaya ba magbabakasyon sila na malayo sa akin? Baka ano? Baka mapatay ko ang babae niya?

"Ganan na ba kasama ang tingin mo sakin? Na kahit hindi ko gawain ay pilit mong isinisiksik sa pagkatao ko?" Tumayo ako at hinarap siya.

"Opps, stop Avisa, baka hindi matuloy ang honeymoon namin ni Wonu" humawak pa ito sa braso ng asawa ko.

Aminin ko man o hindi pero nasaktan talaga ako sa sinabi niya.

"Then go, magpatira ka sa kaniya hanggang sa laspag ka na"

Wonu slapped me.

" Ang pangit ng lumalabas sa bibig mo, ganan ba kapag walang nalakihang mga tunay na magulang?" He smirked.

At dinamay niya pa ang mga magulang ko!

Lumapit ako sa kaniya at tumiad upang maabot ang mukha niya.

"Hindi na lang ako iimik Wonu, baka kasi pag binara ko pa kayo. Magwala na yang babae mo" I sexily whispered at him then I kissed his cheeks, napalayo lang ako ng itulak ako ni Wonu.

" Oh, affected? May epekto na ba ako sayo asawa ko?"

" Talandi ka" naramdaman ko ang buhok ko na hawak-hawak ni Brianna.

"Stop babe, wag mo na patulan. Let's go, baka malate pa tayo"

Binitawan niya ako ng patulak kaya naman napahiga ako sa sahig.

Umiiyak na naman ako. Kahit anong pakita ko sa kaniya na matapang ako ay sa huli ay ako itong mahina.



Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon