Chapter 23

1.1K 44 5
                                    

Chapter 23

"Caleb, don't stare at me. Look, I'm working" sermon ko sa lalaking pumunta lang yata dito para titigan ako maghapon.

"Hindi naman ikaw ung tinititigan ko" nakita kong umirap siya.

Boombastic side eye.

"Oo na lang" sinabi ko bago ako bumalik sa pagaaral ng blueprint.

"Kamuka mo talaga siya vebs" napairap naman ako ng wala sa oras.

Malamang.

"Can you please shut up Mr. Batumbakal? Ihahampas ko na to sayo eh kapag ako naiyamot" nguso ko sa blueprint na hawak ko.

"Tss babe naman" tumayo siya bago pumunta sa likod ko upang masahihin ako.

"Wag ka masyadong magpakastress, tatanda ka ng maaga nan. Sige ka" 

Nakakarelax ang masahe niya. After a long tiring day, I really want his massage.

"Tumanda na kung tumanda atlis mapera" binitawan ko muna ang blueprint na hawak ko bago pumikit at sumandal sa office chair ko.

"Gusto mo ba mas masarap pa sa masahe?" lumapit siya sa may bandang batok ko.

It gives me chills.

"What?" ungol ang lumabas sa bibig ko sa halip na boses, nakakarelax kasi sobra.

"Quickie" 

Minulat ko ang mata ko bago lumayo at tuluyan ng hinampas ang blueprint sa kaniya.

"Lumayas ka na nga Mr. Batumbakal, puntahan mo anak mo" tatawa-tawa lang ang sinagot niya sa akin.

"Okay gotchu mommy, bye." nagnakaw pa siya ng halik sa akin bago tuluyang umalis.

May meeting pa ako kay Archi Felix para idiscuss ang mga important matters regarding sa tinatayo naming bahay. Sobrang nakakastress maging engineer, sa totoo lang.

Habang iniimpake ko ang gamit ko ay may biglang nag pop up na message sa phone ko kaya tiningnan ko ito.

From: Archi Felix

Where na u? andito na me

Natatawa ako sa paraan niya magchat, kala mo jejeng makata siya pero sa totoo lang ang lawak ng vocabulary nan.

 To: Archi Felix

Alright, I'm on my way :>

Ipinake ko na lahat ng gamit ko bago ako umalis sa office. Nagmaneho ako papunta sa meet up place namin.

Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin bago bumaba ng sasakyan at pumasok sa resto.

"Good afternoon, seat for Felix Vior"

Itinuro naman sakin kung anong seat kaya naman kaagad ko itong pinuntahan.

"Good afternoon, Engr. Fiero" Felix greeted me as I sit.

"Good afternoon. Btw, let's start?"

Nagsimula na kaming magusap tungkol sa project naming ginagawa. So far ay napagkakasunduan naman naming dalawa.

"Bakit kasi hindi mo na lang hinayaan na si Engr. Enriquez ang maghawak nan?" biro ko sa kaniya.

Si Nathan ang tinutukoy ko.

"I've been working with him for how many years, nagsasawa na kami sa isa't isa" tumawa naman ako sa sinabi niya.

"And also, may project siya kay Mr. Tiangson" nawala ang mga ngiti ko sa labi ng marinig ko ang apelido niya.

Wala na naman siyang epekto sa akin, nagulat lang ako. Out of nowhere, susulpot ang apelido niya.

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. Mahaba din ang pag-uusap namin, kung hindi related sa project namin ay, outside life naman namin.

"Thank you Miss Avisa" he stood up and offer his hand to me.

Tumayo din ako tsaka tinanggap ang kamay niya.

"You're too professional Felix." tumawa kaming dalawa bago sabay na lumabas sa resto.

"Okay see you when I see you, Pagbutihan mo pa Archi"

Tumawa lang siya sa akin at tuluyan ng nagpaalam.

Nakilala ko siya nung time na isinama ako ni Nathan sa party nila. Since engineer na din naman ako that time eh napagkasunduan nila na ako na ang mageengineer kasama si Felix.

Naging kaibigan ko din siya noon, binalak pa niya akong ligawan ngunit hindi agad ako pumayag sa kaniya dahil hanggang kaibigan lang din ang maituturing ko sa kaniya.

At isa pa, I'm not yet ready para buksan ang puso sa iba. Sinabi ko din sa sarili ko na ako muna. Ienjoy ko muna ang pagiging single era ko.

Palapit na din ako sa 30s kaya pinagiipunan ko na agad ang future ko.

Nauna siyang umalis habang ako naman ay naglalakad parin papunta sa Honda Civic ko.

Enough time has passed for me to move on with my life, to leave the idea of my past behind.

I came back and I was no longer the girl I used to be, but a whole new woman, who learned a lot from the darkness, but mostly, I learned who I was, and who I will never be again.

It's just that, learn to let things go. If not, they're forever in your mind.

Five years has passed, and I'm happy and contented on what I have right now. Totally healed from the things that ruin my soul.

The fact that marriage is not the end. A divorce could be a better beginning not just for me, also for him.

Hindi ko naman masasabi na nakalimutan ko na siya, kahit naman ganon ay may pinagsamahan parin kami. Nag-invest ako ng nararamdam ko, naging masaya naman ako sa ginawa kong desisyon noon.

And now! I have my freedom. Sa loob ng limang taon ay ginawa ko ang mga gusto kong gawin. Ganap na engineer na ako.

Nakapagpagawa na din ako ng bahay para sa amin.

"Baby, mommy's here na" sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.

"Mommy, bili moko food?" My five-year old son asked me.

"Nakalimutan ko baby. Did daddy buy you a food?"

Lumuhod ako at pinantayan ang anak ko.

"Daddy Caleb didn't buy me a food, he just kissed me when he arrived. Dalawang kiss yon, dahil ang isa daw ay coming from you"

Jusko, loko-loko talaga yung si Caleb.

"Where's your daddy?" ngumuso ang anak ko sa lalaking nagsiswimming.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon