Chapter 34

977 27 7
                                    

Chapter 34

Nakasunod lang ako sa likod ni Caleb habang ang dalawang sekretarya ay nangunnguna para ideklara ang pagdating naming dalawa. Sobrang espesyal ko naman siguro.

Binuksan ni Kleo ang pinto at unang pinapasok si Charlene, tumigil sa paglalakad si Caleb at hinarap ako.

"Are you ready"

Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko alam ang isasagot ko. Huminga muna ako ng malalim at sinabi na lang ang maari.

"Yes, I'm always ready" iginaya niya ang daraanan ko.

Una siyang pumasok at nagtungo agad sa kaniyang upuan, kaya naman sumunod ako ng pasok. Nakita ko naman agad ang bulto ng isang lalaking minsan ko nang kinabaliwan.

May konpidensya din akong pumasok sa loob ng meeting room. Gotta always look dominant para hindi nila mahalatang kabado ako, lalo na siya.

Nanatiling nakatayo ako sa unahan at ngingitian ang bawat na nadoon. Except him. Tumayo silang lahat at bumati sa akin.

"Good morning everyone. I'm Engr. Avisa Ysabelle Fiero" I smiled widely at hindi pinapahalata ang kaba.

Lumapit ang dalawang CEO sa akin. Nakipag-kamay sa akin si Caleb. Nagtaka ako sa kaniya pero kinuha ko na lang ang kamay niya, dinala pa niya ito sa kaniyang labi at hinalikan ang likod ng palad ko.

Nang matapos niyang makipag-kamay sa akin ay tumabi siya siguro upang bigyan ng daan ang isang lalaking nasa likod niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at makikita mo ang walang ekpresyon sa mukha niya ngunit kita mo ang pangungulila sa kaniyang mga mata. What does it mean?

Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay upang makipag-kamay siguro sa akin. "Hi Engr. Ti-" napatigil siya saglit at pinagpatuloy ang sinasabi. "Hi Engr. Fiero, welcome to our company"

Tumingin lang ako sa kamay niyang nakalahad, nagdadalawang-isip kung tatanggapin ito o hindi. Sinilip ko si Caleb at nakitang nginuso nito ang kamay ni Wonu, pinapahiwatig na tanggapin ito. Dahil ayoko namang maging katulad niya na bastos ay tinanggap ko ito.

Nang magkahawak ang kamay naming dalawa ay tila ba napaso ako. Ang lambot ng kamay niya, ni kahit ilang beses itong lumipad sa pisngi ko noon ay hindi ito naging magaspang.

Akmang kukuhanin ko ang kamay ko kay Wonu ay hindi ko magawa dahil sa ayaw niyang bitawan. Magpapanic na sana ako ng bitawan niya ang kamay ko.

Hanggang ngayon ba naman? May plano parin siyang itali ang buhay ko sa kaniya?

Nainis ako bigla sa kaniyang inakto. "Thank you Mister? What should I address you?" nginitian ko siya ng sarkastiko.

"Tiangson, I'm Jay Wonu Tiangson" ngumiti siya sa akin ng maliit.

Umarte ako na parang nagulat. "Oh? Tiangson? Kilala pala kita" lumapit ako ng konti sa kaniya at bumulong. Tinigasan ko pa ang boses ko at siniguradong ako lang ang nakakarinig.

"Kilalang-kilala" lumayo ako sa kaniya at nginitian siya, ngumiti din ako sa mga taong nandon. Pinaupo na din ako sa respected seat ko, kaharap si Caleb at katabi naman nito si Wonu.

Nagsimula na ang meeting. Nagtake-note din ako ng mahalagang mababanggit nila, pinadagdagan din pala nila ng balcony sa may pangalawang floor. Mamoroblema pa ako doon dahil hindi iyon kasama sa ginawa ng architect.

Hindi din ako makasulat ng maayos dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin, sinilip ko si Caleb ngunit nakatingin lang ito sa nagsasalita kaya I assumed na yung isang lalaki ang tinutunaw ako ngayon sa titig. Hindi ko siya tinitingnan.

Bakit ba ganan siya makatitig? May ginawa ba na naman ako? Ayaw ba niyang ako ang pumalit? Edi sana hindi na niya sinunod ang gusto ni Nathan!

Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang ulit. Bahala siya! Trabaho lang ang gusto ko.

"Alright, meeting adjourned at 9:35 a.m. Thank you everyone for your presence" anunsyo ni Kleo.

Tumagal din ang meeting ng isang oras at mahigit, kaya naman inayos kong muli ang bag ko. Umalis na ang iba at iilan na lang ang natira. Lumapit ako kay Caleb na nasa malapit sa pintuan.

"Oh babe, pwede bang dito ka muna? May meeting pa ako ngayon with Brialliantes Corporation. Iwan muna kita dito ha? Babalik agad ako after my meeting" he hold my hand.

Mahina lang ang pagkasabi niyang iyon, wala namang malapit sa amin kaya tiyak na ako lang ang nakakarinig.

"Wala kang pahinga?" malambing na bulong ko sa kaniya.

"It's okay. If you need anything, call Kleo ha? Or Wonu if you want" nagalinlangan pa siyang banggitin ang pangalan ng kaibigan. "Kung gusto mo, iwan ko dito ang secretary ko? Para may mag assist sayo"

Mabilis agad akong umiling sa kaniya. "No, I will be fine here. Don't worry about me, ingat ka na lang sa pagpunta" I smiled at him.

Nagpaalam na din siya sa akin at naunang umalis. Kaya naman sumunod agad ako pero sa kabilang daan naman.

Habang naglalakad ako papunta sa elevator ay may naririnig akong tunog ng sapatos na tumatakbo kaya binilisan ko ang lakad ko. Mukhang palapit ito sa direksyon ko.

Sinusundan niya ba ako?

Nakapasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan naroroon ang aking office.

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang papasara na ang pinto ng elevator ngunit may isang kamay ang pumigil dito kaya umurong ang pinto at nagbigay daan sa papasok.

Nanliit ang mata ko ng makita si Wonu na hihinga-hinga, mukhang galing sa takbo. Inayos pa niya ang kwelyo niya at buhok bago tuluyang pumasok sa elevator.

Tumabi pa ako sa isang sulok para makalayo sa kaniya, kahit malaki naman ang elevator ay parang nasisikipan ako kapag kasama siya.

Nagkataon pang kaming dalawa lang ang nasa loob. Ano bang balak mo lord?

Pumwesto siya kapantay ko at merong sapat na espasyo sa pagitan naming dalawa. Sumarado na ang pinto ng elevator at nagsimula ng tumaas.

Pigil hinga ang ginawa ko huwag lang makagawa ng ingay. Naramdaman ko sa aking peripheral vision ang paglingon niya sa akin.

Tumikhim siya. "You changed a lot"

Naningkit ang mata ko sa kaniya. Tanga ba siya o nagtatangatangahan?

Nilingon ko siya ng blangko ang mukha at umismid ng konti.

"You changed me a lot"

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon