Chapter 27

1.1K 36 6
                                    

A/N: KINIKILIG PO AKO SA KANILANG DALAWA, SINUSULAT KO PA NAMAN ITO HABANG NAKIKINIG SA 'A THOUSAND YEARS' NI JAMES ARTHUR HUHUHU. TRY NIYO DIN

Chapter 27

Magkahawak ang kamay naming dalawa ni Caleb habang naglalakad sa tabing dagat.

Hindi na naging problema ang mga sapatos namin dahil bumili siya ng tsinelas para sa aming dalawa.

"Nilalamig ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Naka tee shirt lang siya kasi ngayon dahil ang windbreaker na suot niya kanina ay binigay sa akin para daw hindi ako lamigin.

"Nah, hot ako. Kaya hindi ako tinatablan ng lamig" tumawa na lang ako sa sinabi niya.

Ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kaniya.

Sabihin na sobra akong thankful dahil nandiyan siya. Dahil kasi sa kaniya, nalaman ko ang tunay na halaga ko. Natutunan ko na hindi magsettle sa less. Natutunan ko lahat sa kaniya. 

Isa lang naman ang pinoproblema ko. Hindi siguro ako makakatulog kapag hindi ako nakakuha ng sagot mula sa kaniya.

I would like to make things clear between us. 

"Caleb.." tawag-pansin ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin kaso masyado akong nahihiya na harapin siya.

"Hmm" naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya lalo naman akong kinabahan.

"Caleb, ano ba tayo?" 

Is it wrong to assumed? May anak na ako pero ang talandi ko parin.

"Ano tayo?" 

Please lang, wag ka naman magjoke ngayon. Ayoko namang maging katatawa.

I nodded. "I would like to clear things kasi lalo na sa ating dalawa. Alam mo namang may anak ako diba? Tapos sinalo mo ang obligasyon ng pagiging ama. You proved a lot to me Caleb."

"Hindi pa ba tayo mag-jowa sa lagay na are?" itinaas niya ang kamay namin na magkasalikop.

"Eh. Hindi ka nga nanligaw eh" 

Hindi ko nga naranasan maligawan.

"Kelangan pa ba non? May anak ka na't lahat gusto mo pang magpaligaw" 

Hinampas ko siya sa braso. Nakakaasar siya.

"Yung seryoso Caleb?" humarap na ako sa kaniya kaya naman napatigil kaming dalawa sa paglalakad.

"Ikaw ang matanong ko" binitawan niya ang kamay ko at dinala sa magkabila kong pisngi. "Gusto mo ba? Kasi kung ako tatanungin mo, gustong-gusto kita"

Nakatingin lang kaming dalawa sa mata ng bawat isa na tila ba nilulunod ang isa't isa.

"Huwag kang mag-alala, nandito lang ako para sa inyo"

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng sabihin niya iyon. Iniisip pa rin niya ang anak ko. Ano pa ba ang hihilingin mo kung lahat ng gusto mo'y na sa kaniya na?

"Caleb" wala akong masabi.

Basta ang alam ko lang talaga, sobrang saya ko ngayon.

"Hmm?" hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"I would love to be with you"

Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon na ito para tumiad at halikan siya.

I want to thank him for being the love I needed when I thought I didn't need love. It changed me, it softened me. And even though I didn't know it at the  time, it saved me.

Our kisses went deep, but pure.

Naramdaman kong yumakap ang mga braso niya sa akin at itinulak niya ako palapit sa kaniya.

Lumayo ang mukha namin sa isa't isa. Nakita siguro kasi ari na sumapit with

"Ikaw ha, pasimple ka pa" yumakap na din ako sa kaniya at isinandal ang mukha sa kaniyang dibdib.

"Gusto ko lang kasi muna malaman kung anong meron tayo bago ako sumubok" at ngayon mas nalinawan na ako.

Matagal na naman akong sumubok sa kaniya, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. At ngayong alam ko na ang namamagitan sa aming dalawa ay hindi na dapat ako mabahala.

"Ang gwapo ko naman kung ganon" narinig ko pa ang konting pag-tawa niya.

"Oo na lang"

Tumagal pa ang posisyon naming dalawa sa ganon at nang antukin na kami ay nag check-in na kami dito sa hotel resort.

"Sure ka bang dyan ka?" tanong ko sa kaniya ng kunin niya ang unan at kumot at nilagay niya sa sofa.

"Sureness na ako vebs, bakit? Gusto mo bang tabi tayo?"

"Concern lang ako" totoo naman kasi.

Sobrang late na tapos paggising pa namin ay magdidrive pa siya kaya dapat ngayon ay makabawi man lang siya ng tulog. Mahirap ang posisyon niya sa sofa.

"De okay na ako dito pero dahil request ng girlfriend ko, diyan na ako hehe"

Kinuha niyang muli ang unan at kumot mula sa sofa at dinala sa kama kung saan ako nakahiga.

Umipod pa ako sa gilid para bigyan siya ng espasyo. At nang matapos na niyang ilagay ay humiga na siya at humarap sa akin.

"Lights off na babe" sabi niya sa akin.

Aba! Ako pa talaga ang magpapatay ng ilaw.

"Sinasabi mo" bumangon ako at pinatay na ang ilaw bago humiga ulit.

" Goodnight mahal" hinawakan niya ang tungki ng ilong ko at bahagyang pinisil iyon.

"Trip na trip mo talaga ang ilong ko noh?" hinawi ko ang kamay niyang patuloy na pumipisil sa ilong ko.

"Kabahan ka na kapag labi mo na ang trip ko"

Tumigil ka na Caleb T^T

" Ewan ko sayo" pinikit ko na ang mga mata ko.

" Huy, tutulog ka na ba talaga?"

" Caleb, maaga pa tayo bukas. Manahimik ka diyan. Ano pa bang gusto mo"

"Okay mommy" naramdaman kong yumakap ang braso niya sa bewang ko at hinalikan pa ako sa labi.

Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon