Chapter 38
Wala ako sa sariling naglalakad papunta sa office ko. Ewan ko ba, nawala ako sa mood pagkagising niya. I'm expecting his explanation ngunit wala akong natanggap kaya siguro ganito ako.
Parang wala lang din sa kaniya lahat, parang ang dali lang din sa kaniya na kalimutan. Haist.
Pumasok ako sa office ko at inilapag ang bag ko sa may lamesa. Ngayon ay pupunta kami sa construction site para isettled ang lahat. Hindi ko naman alam kung saan iyon kaya for sure na may kasama ako.
May kumatok sa pinto ng tatlong beses bago pumasok. "Coffee daw po hehe" Kleo smiled.
Ipinatong niya ang kape sa lamesa at umalis na. Napanguso ako sa nakitang nakasabit sa may kape, kinuha ko yung papel at binasa.
'Hope you're having a good day today! Smile ka na :)'
Nangunot ang noo ko, alam ba niyang nakasimangot ako ngayon? Sinilip ko ang office ni Wonu at nakitang nakababa ang blinds, siguro wala pa siya.
May gusto ba sa akin yung Kleo na yon? Bakit ba lagi na lang niya ako dinadalhan tapos sasabihin galing sa kompanya. I should ask him.
Isinantabi ko muna ang kape at nagsimulang magtype sa laptop ng mga mahahalagang bagay.
*
"Let's go?" napatingin ako sa lalaking bumungad sa akin pagkalabas ko ng office.
"Si Caleb?" tanong ko sa kaniya, nakita kong pasimple pa itong umirap.
"Ako yung nandito tapos siya yung hinahanap mo" ano ba gusto ipunto ng lalaking ito?
Hinahanap ko boyfriend ko.
"Pake mo ba?" Tuluyan kong sinarado ang pinto ng office ko at naglakad na, sumabay siya sa akin.
"Si Caleb ang representative sa Brialliantes Corporation, kaya nandon siya. Habang ako?" sabay lang kaming dalawang naglalakad kahit papasok ng elevator.
Walang secretary ang sumusunod.
"Sayo ako"
Saktong napatigil ako pagkadating namin sa tapat ng elevator. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang putulin ang kaniyang sasabihin o nagaasume na naman ako.
Hindi na ako umimik at pumasok na lang sa loob ng elevator ng bumukas ito. Walang tao dito dahil highest floor ang office ng mga CEO.
Malayo ang pagitan namin at sa sobrang tahimik namin ay rinig mo ang pagbaba. Tumigil ang elevator sa isang floor ng mga empleyado kaya pagbukas ng pinto noon ay madaming nakaabang doon. Karamihan ay aplikante dahil may mga bitbit silang file case.
Nang makita ng ibang empleyado si Wonu ay bigla silang yumuko at bumati, namukaan din ako Kaya ganon din ang ginawa nila. Ngumiti naman ako sa kanila habang si Wonu naman ay hindi ko alam. Bahala siya sa buhay niya.
Pumasok ang ilan sa elevator kaya masyadong nagsiksik sa loob. Umusog ako sa tabi para hindi ako madali, nakaskirt pa naman ako.
Nang may tatabi saking lalaking aplikante ay biglang sinakop ni Wonu ang pagitan namin at siya ang tumabi sa akin. Umisod pa siya ng koonti para bigyan ang iba ng espasyo.
Ngayon, ramdam ko ang braso ni Wonu na tumatama sa braso ko. "I told you kanina na sa VIP na lang tayo dumaan para hindi ganito kasiksik" narinig kong bulong niya sa akin.
"Wala kang sinabi"
Pati ayoko kaya, mas mabuti na nga lang na ganito eh. Kung kaming dalawa lang baka kung ano pa ang maging sumbatan namin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Wife
SonstigesI wanted our married life to be great, comforting and effort-less. But it ended up as loveless, sexless and emotionless! Marrying me was his nightmare and now he's calling me His Unwanted Wife. ** Trigger Warning to all sexual scenes and domestic v...